CHAPTER 30

378 22 2
                                    

  " Ang Liwanag na dala ni Nonoy "

Ang nakaraan... 
Itinali nina, Mia ,Alpia at Katalina ang magkapatid na sina Ian,theo at Tyler. Habang sina Jake, Jessel at Jenna naman ang humarap sa kalaban.

" Binibining Lula, Alam kung Ikaw yan. Wag mo nang tangkaing gayahin ang yumaong kaibigan ni Ama. " Sabi ni Jessel sa huwad na arnel.

" Nagmana ka nga sa ama mo Jeselle.. nakakatuwa naman. " Sagot ni Lula at agad syang nag palit ng anyo sa kanyang tunay na anyo.

" Anong pakay mo dito sa Baryo Lupas ?" Tanong ni Jenna.

" Upang patayin ang mga --- anak ko!" Sagot ni Lula at ginaya nya ulit ang itsura ng ama nina Theo.

" Lapas tangan ka!" Sigaw niJessel at agad nyang sinugod ang huwad na arnel gamit ang kanyang espada. Sa bawat atake nya sa huwad na arnel laging naiiwasan ang mga atake ng kanyang espada.

" Tatlo kayo tapos ako lang mag isa.. nakakahiya naman " Sabi ni Lula. Habang hinihingal si Jessel. Umabante naman si Jenna.

" Tingnan natin kung hanggang saan ang Kaya mo.. binibining Lula!" Sabi ni Jenna, Binuklat nya ang kanyang Mahiwagang libro at binasa nya ang nakasulat sa isang pahina.

" Elcuer De siser kuen shien ! --- Sinasamo kita Latigo ng Kidlat. Maging sandata kita.." engkantasyon ni Jenna. Biglang may lumitaw na isang Latigong kidlat sa kamay ni Jenna.

" Ate Jenna, Ang sandatang iyan.." gulat na Sabi ni Jake.

" Tama ka Ake, ang sandatang ginamit ng Diwatang si Alunsina. Upang gapiin ang mga nilalang ng Kadiliman. " Salaysay ni Jessel.

" Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo." Sabi ni Jenna, susugurin na sana nya si Lula ng binigyan sya ng babala ni Jessel.

" Sandali Jenna.. magiingat ka. Hindi si binibining Lula ang kalabad mo. Kundi isa sa mga Demonyo ni Sitan. Matagal ng patay ang katawan na ginagamit ng demonyong yan. Lahat ng alala ay nakukuha nya. " Babala ni Jessel kay Jenna.

" Sge Salamat.." tungon ni Jenna.

Samantala sa Kaharian ng Aydendril..
Nagtatago padin sa kakahuyan si Olivia, Kasama ang Tatlong Sirena na tumulong sakanya.

" Mahal na Reyna anong plano mo upang mabawi ang inyong kaharian.?" Tanong ni Rica.

" Hindi sapat ang ating bilang reyna rica. Ang mga kasamahan natin natatakot akong sila ay mapaslang kung makikipag digma tayo sa mananakop." Sagot ni Olivia at eksakto naman na dumaan ang isang batang lalaki at nagsalita.

" Ako mahal na Reyna Hindi ako natatakot mamatay, kelangan nating ipaglaban ang kaharian ninyo. Kelangan nating ibalik ang kapayapaan ng Aydendril. " Sabi ng bata.

" Ang cute mo naman ilang taon kana pala..?" Tanong ni Olivia.

" Nakakaaliw ang batang ito. " Dagdag na Sabi ni Rica.

THE SECRETS OF ADONIS BROTHERS (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon