CHAPTER 72

265 12 0
                                    

" EL SACERDOTE DE LAS TINIEBLAS "
...
( THE PRIEST OF DARKNESS )

.
PREVIOUSLY...
Umuwi na si Jessel kasama si Susmihta.

" Ako na ang bahala kay Jessel.. may lagusan kaming mga Aydendrilian sa kanilang Bayan at mas ligtas ito kesa sa mag antay pa sya nang sasakyan. " Sabi ni Susmihta kina Theo at Tyler.

" Kung ganun maraming Salamat Susmihta... Salamat din saiyong pagtulong.." Pasasalamat ni Theo.

" Nako? Dadaan nanaman ba ako sa Puno? Ayuko nun may iba pa bang Lagusan o mag magic ka nang Kotse. " Sabi ni Jessel.

" Tayo na!!! " Sabi ni Susmihta at agad silang naglaho sa Loob nang bahay.

RIGHT NOW....

" Nandito nako... Totoo ngang malawak na ang papanakop ni Sitan.. " Sabi ni Jessel habang iginigala nya ang kanyang mga mata sa Paligid. At Wala syang anumang Makita kundi isang maitim na hamog sa Paligid. Nalalantang Halaman sa Lupa, mga patay na puno na pinapatungan ng mga uwak.

" Kelangan kung mag tungo sa Simbahan na sinasabi ni Aling Ising. Namimiss ko na din si Nonoy. " Sabi ni Jessel at nagsimula na syang maglakad nang Biglang may isang batang babae na sobrang dungis ang anyo. May hawak itong tuta.

" TULONG! TULONG! " Sigaw nang batang Babae habang akay akay nya ang isang tuta.
Agad naman nya itong tinulungan..

" Dyan ka sa Likud ko bata.. ako na ang bahala sa mga Pisteng ito." Sabi ni Jessel at agad nyang kinuha ang isang buto at Itinapon nya ito sa mga Kawal ni sitan.

* BBBBOOOOMMMMM!!!!!

Isang napakalakas na pagsabog ang gawa ng isang pirasong Buto. At liwanag ng husto ang paligid at nang matamaan ang mga Kawal ng Kadiliman ay Agad silang Nalusaw.

" Ayus ka lang ba bata ?" Tanong ni Jessel.

" Opo, ayus lang po pero Yung tuta ko... May sugat sya. " Sabi ng bata ipinakita nya ang sugat sa Tyan ng tuta na kanina pa nyang pinipigilan ang pag agos ng dugo.

" Anong nangyayari? Bakit ka Wala sa simbahan... ?" Tanong ni Jessel habang kumukuha sya nang benda sa loob ng kanyang Bag. At ipinalibot nya ito sa katawan nang aso.

" Ate ibalik nyo ako sa mama ko.. ayaw ko na dito. "Sabi ng bata habang tumutulo ang Luha.

" Halika magtutungo ako nang Simbahan sa may burol.. halika dito na muna tayo. At gagamutin ko muna ang mga Sugat mo." Sabi ni Jessel at inilabas nya ang ibat-ibang Uri ng halamang Gamot.

" Ate parang nakita kita sa Picture.. Yung batang kasama ni Aling Ising. " Sabi ng bata sakanya.

" Kilala mo si Nonoy?" Tanong ni Jessel.

THE SECRETS OF ADONIS BROTHERS (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon