" ANG PAGTAKAS AT PAGLAHO NG KAPANGYARIHAN P1"
PREVIOUSLY...
Nagkamalay na si Ofelia, ngunit nanganganib pa din ito dahil nasa Ilalim pa din ng karagatan si Ofelia, Sa Kaharian ng Oceana. ngunit dahil sa ipinataw na Mabuting Sumpa ni Sierra, nakakahinga ito sa ilalim ng karagatan ng panandilian. Habang isinalaysay naman nina Sierra At lina ang kagalayan nina Theo sa Aydendril.
Samantala, Tutulungan ni Faith sina Theo at Tyler na maka alis sa palasyo ni Sitan.. Habang sina Jenna,Jake at katalina naman ay patungo na sa Selda nina Theo upang balikan sina theo.
RIGHT NOW...
Sa Kuta ni Sitan... Sumisigaw ng Tulong si Faith sa loob ng Selda kung saan sina Theo At tyler.
" Tulongg!!!! Tulonngggg!!! " Sigaw ni Faith habang sinasakal sya ni Theo habang si tyler naman ay itinutok nya sa mga kawal ang Punyal na gamit ni Faith kanina sa pagpapalaya sa kanila.
" Wag nyong susubukang Humakbang mga panget kundi. malalagasan kayo ng isang myembro sainyong grupo." Sabi ni Tyler.
" Wow grabe kanaman Tyler... ano bang tingin mo saakin? kamukha ko ba ang mga yan.." REKLAMO ni Faith. at binulungan naman sya ni Theo.
" Sumabay kanalang... kala ko ba pang Famas Best Actress ang peg mo.." Sabi ni theo.
" ay oo nga pala... nakalimutan ko." Sagot ni Faith at agad syang umaarteng nasasaktan at nagpupumilit na makatakas. Ilang sandali pa ay dumating si Diosca kasama sina Bea at Nica.
" Peste! Bitawan mo sya! " Galit na sabi ni Diosca.
" Ako na ang bahala dyan..Tabi! " Sabi ni bea ngunit pinigilan sya ni Faith.
" Wag kang lalapit Bea.. Ayukong masunog o magkasugat skin ko. utang na loob, Can we just give thier needs? " Sabi ni Faith habang ang mga mata naman nya ay nangungusap.
" Okay ikaw ang bahala.. " Sabi ni Bea at umatras naman ito.
" ano ba ang kailangan nila? at bakit hawak nya ang kabilan ni Faith?" Sabi ni Nica.
" Naagaw nila ito sakanya.. kaya't mag iingat ka dahil napaka lakas ng sandatang iyan." sabi ni Bea. habang sina Theo at tyler naman ay unti-unting humakbang palabas ng selda at ang mga kawal naman ay umaatras ito pati na sina, diosca at mga kasamahan nya. Nang Biglang May malaking Itim na ibon ang akmang dadagitin si Tyler.
" Long time no See Miguel.." sabi ni Tyler. habang patungo na saknilang kinalalagyan ang malaking itim na ibon. inihanda naman ni tyler ang kabilan na Ibinigay ni Faith sakanya.
" umilag ka bunso! " sigaw ni Theo. Muntik ng madagit si Tyler ng maitim na Ibon ng pinigilan nya ito gamit ang kabilan ni Faith. at matagumpay naman nyang masugatan ito sa kanang pakpak nito.
" Senyor Migueeellllll!!!!" Sigaw ni Bea...agad naman nilang tinungo ang lugar kung saan bumagsak si Miguel. Galing sa anyong malaking Ibon ay nagbalik sa dating wangis si Miguel.
"Ayus lang po ba kayo senyor?" Sabi ni Diosca.
" Nasugatan ako ng kabilan ni Faith.. " Sagot ni Miguel habang iniinda nya ang sugat sa kanyang kanang braso.
" Hindi maari, may sumpa ang Kabilan ni faith... kung sino mang masugatan nito ng sadya ay maaring mamatay.." Sabi ni Nica.
"Alam ko yun..." Sabi ni Miguel at tumayo sya at sumugod Kina Tyler at theo.
" Sandali! Utang na Loob Senyor Miguel.. wag naman init ng ulo ang pairalin... Magkakasugat ako sa mga ginagawa nyo! " sabi ni Faith habang sakal sakal sya ni Theo.
"Oo nga.. " Sabi ni Nica at hinarangan nya si Miguel.
" makinig kayo saakin.. Kaya kung pagalingin ng sugat na yan Senyor. ako ang nagmamay-ari ng kabilan kaya't kaya kung ibaliktad ang sumpa.. " Sigaw ni Faith.
"Bat may pa sigaw na effect?" Bulong ni Theo.
" Eh ikaw kasi, dapat umarte ka din... ay nako higpitan mo naman ang pagkakasakal.." Sabi ni Faith.
" Teka kuya, anong gagawin natin.." sabi ni Tyler Bumulong sa likud ni Theo.
" Sumunod kayo sa Plano.." Sabi ni Faith... at umarte nanaman syang nasasaktan. Hinawakan ni Tyler si Theo kanyang balikat at naglabas syang bolang enerhiya na napakaliwanag. at yun naman ang hudyat na hinihintay ni Theo para gawin nya ang plano nila kanina pa.
Itinulak ni Theo si Faith, kasabay nyan ay kinuha nya ang Kabilan na nasa kamay ni Tyler. at sinugatan nya si Faith sa Likud.
" Faaaaaaiiittthhhhhh!!!! " Sigaw nina Diosca at ang mga kasamahan nila. kasabay din nyan ay Agad naglaho sina Theo at tyler sa loob ng palasyo. Habang sina Jake, Katalina, Jenna naman ay nasaksihan nya ang mga nangyari.
" Parang may kakaiba sa eksena kanina Insan..." Sabi ni Katalina.
" Hayaan muna dahil nakatakas na sina Theo." Sabi ni Jenna.
" Umalis na tayo dito sundan na natin sila sa portal..." Sabi ni Katalina..
" Sandali... may gagawin pa ako ate jenna..." Sabi ni Jake, kasabay nyan ay agad nyang Pinagalaw ang Lupa. at unti unting nag bibiyakan ang pader sa palasyo ni Sitan.
" anong nangyayari??" Sabi ni Diosca.
" malamang lumilindol..." Sagot ni Faith habang nanghihina ito dahil sa kanyang sugat.
" Umalis na muna kayo dito sa loob dahil baka madagganan kayo ng pader." Sabi ni Miguel sakanila.
"Ngunit papano ka senyor?" Tanong ni Bea.
" Ako na ang bahala.. Tyak na magagalit si sitan sa mga nangyari ngayon.." Sabi ni Miguel.
"Saan ba kasi nagtungo ang reyna?" Sabi ni Nica.
" May inasikaso sya sa iba pang mundo... Bilisan nyo maglaho na kayo.." Sabi ni Miguel.
Agad namang nilang apat binigkas ang mahiwagang salita...
" Ianuae Magicae "
Sa OCEANA....
Naibigay na nina Sierra, Lina, at Rica ang lato na kailangan ni Ofelia, upang maka hinga sya sa Ilalim ng Tubig.
" Nana anong nararamdaman mo?" Tanong ni Lina.
" Wala naman... parang normal lang. pero nakakahinga na nga ako sa tubig." Sabi ni Ofelia.
"Mabuti naman kung ganun..." Sabi ni Lina habang sina Sierra at Rica naman ay nasa kanyang likuran.
" Anong plano mo ngayon binibining Ofelia?" Tanong ni Rica.
" Kailangan kung maibigay kay Alpia ang Crystalya... Lalong lalo na nasira ang aming mundo dahil sa sumpa ng anak ng reyna.. " Sabi ni Ofelia.
" Kung ano mang balak ang nais mong gawin Nana nandito lang kami.. handa ang kaharian namin upang tumulong, alalang alang sa Kapayapaan..." Sabi ni Lina.
ALRIGHT medyo inaantok ako while I'm writing this Part mga mahal.. anyhow bibitin ko muna kayo. Abangan nalang po ang karugtung. Leave some comments and Votes are appreciated. thanks mga mahal. - Author Mordsith
BINABASA MO ANG
THE SECRETS OF ADONIS BROTHERS (BOOK 2)
Non-FictionNagbago ang mga buhay nina Theo, Tyler, Jenna, Catalina, Ian at Jake dahil sa Labing dalawang oroskopyo. Misyon nilang pigilan ang diyos ng pagkawasak at kaguluhan na si Sitan sa pagbukas ng portales ng impyerno, upang makalaya ang kanyang mga kasa...