ANG KARUGTUNG...
"Maraming salamat sa di bumitiw, at nyo kami iniwan from Book 1. maraming salamat po!" - Tyler and Theo.
ANG NAKARAAN...
Nagsimula na ang mga Alagad ni Sitan sa paghahasik nang lagim, Habang ang mga tagalipon, at mga Itinakdang engkanto ay nagkita-kita na. Sa di inaasahang pangyayari may kung anong liwanag ang lumabas sa Katawan nito.
ANG KARUGTUNG...
" Wag kayong Matakot saakin, Di ako kalaban!" Sabi ng babae na nanggaling sa isang Puting Liwanag na lumabas sa katawan ni Tyler.
" S-sino ka? " Sabi ni theo.
" Anong ginawa mo?" Galit na Sabi ni Jake.
" Sandali.. H-hindi ako kaaway.. " Sabi ng Babae.
" Anong ginawa mo kay Tyler, bat di sya nagigising. " Sabi ni Katalina habang akay-akay nya si Tyler.
" Ako si Aises, Ako ang isa sa mga diwa ng mga Oroskopyo. ako ang diwa ng Pisces. " Pakilala ng babae sakanila.
" Kung ganon? bakit naririto kapa sa aming mundo? sa pagkakaalam ko. --" Naputol ang sasabihin ni Jenna.
" Opo, alam ko! pero nagpaiwan ako sa katawan ni Tyler upang tanggalin ang mga naiwang negatibong sumpa na ibinigay ng aking kakambal na si Paisa. Wala na akong oras na ikwento sa inyo ang aking papel sa buhay ni tyler, pero nais kung sabihin sainyo. kaya inilantad ko ang aking Anyo. " Sabi ni Aises.
" Ngunit, nag paiwan ako upang magamit nyo ang aking Lakas laban sa Kadiliman. Si sitan, ang mga nangyari sa mga sinaunang sandata na hawak nyo. dahil nagbalik na sila sa kanilang tahanan. at yun ang libro na hawak mo Jenna. " Salaysay ni Aises sakanila.
" kung gayun, papano namin matatalo si Sitan kung wala na ang aming mga sandata? " Tanong ni Ian.
" Gamit ang inyong mga talino at lakas. pinagsama-sama kayo nang tadhana upang maibalik sa mundo ang kapayapaan. hindi lamang sa mundo nang mga tao. pati na rin sa iba pang mundo. " Sabi ni Aises.
" Aises, bakit di pa nagigising si mahal? " Tanong ni Jake.
" Ay oo, nga pala nanghihina pa ang kanyang kalag dahil sa sumpa nang aking kambal.. Di na ako magtatagal, gamitin nyo ang aking lakas upang magapi si Sitan. " Sabi ni Aises at may lumabas na maliliit na puting liwanag sa kanyang katawan at isa-isa itong lumapit kina, Jake, Theo, Ian, Charlie, Jenna, Mia, Raven, Alpia at Katalina.
"Ililigtas kayo nang liwanag ko kung sakaling nasa panganib kayo. " Sabi ni Aises at nag balik na ito sa dati nyang anyo. Kasunod non ay nagbalik na ang malay ni Tyler.
" Anong nangyari?" Tanong ni Tyler.
" Wala na tayong oras mga kasama. kelangan nating mag hiwa-hiwalay.! " Sabi ni Jenna.
Sina Jenna, Tyler, Raven at Jake ay nagtungo sa Baybayin kung saan, doon si Diosca naghahasik nang lagim sa mga kawal ng magkapatid na sirena. At sina, Mia, Charlie, Ian at Alpia naman ay nasa kabundokan upang harapin ang mga alagad ni sitan na pinamumunuan ni Nica. Habang sina, Theo, at Kathleya. ay nasa kagubatan..
Sa Kanlaon..
" Nahati na sila sa tatlong grupo, ngunit hindi pantay ang kanilang mga bilang. sa Grupo ni Jenna at Alpia ay apat sila. samantala sa grupo ni Theo. dalawa lamang sila ni Katalina. hindi ito maari..! " Sabi ni Magayon.
" Kaya nga, ibabalik ko muli si Kathleya upang tutulong sa kanilang dalawa.. wag kayong mag aalala. dahil Sasama ako kina Theo." Sabi ni Alunsina.
BINABASA MO ANG
THE SECRETS OF ADONIS BROTHERS (BOOK 2)
No FicciónNagbago ang mga buhay nina Theo, Tyler, Jenna, Catalina, Ian at Jake dahil sa Labing dalawang oroskopyo. Misyon nilang pigilan ang diyos ng pagkawasak at kaguluhan na si Sitan sa pagbukas ng portales ng impyerno, upang makalaya ang kanyang mga kasa...