CHAPTER 37

351 13 2
                                    

  " Pagsubok ni Diwatang Sandawa at ang pagtitipon sa Aydendril "

Previously....

- Ikinuwento ni Celia ang Totoong Nangyari sa Lumang Kastilyo. At ibinigay ni Celia ang isang Mahiwagang Pamaypay na pagmamay-ari ng Lola ni Olivia.
Samantala magbibigay ng pagsubok ang Diwatang Sandawa sa mga tagalipon at Itinakdang Engkanto.

Right now......

Sa Bahay ng Diwatang Sandawa..

" Katulad ng magpapa Sex change ka. Kelangan mo munang dumaan sa Psychology Test.. upang malaman talaga na fit ka for Sex Change. At di nyo naitatanong Doctor din ako sa Mundo ng mga tao. Raket raket din pagmay time. " Salaysay Ni Sandawa. Tumawa lang sila sa kanilang narinig Mula sa Diwatang Sandawa.

" Mahal na Diwata anong Klaseng Doctor ka po ba ?" Tanong ni Tyler.

" Oo nga " dagdag sabi naman ni Raven.

" Dr. Jose Rizal ? " Biro ng Diwata at tumawa ulit silang Lahat.

" Teka may napansin ako. Ikaw raven, Jake at Tyler ano ba talaga ? " Tanong ni Sandawa.

" Huh anong Ibig nyo pong Sabihin.." gulat na sabi ni Jake.

" I mean, parang may Issue kayong Tatlo.?" Sabi ni Sandawa. At tumawa ang Tatlo sabay sabing...

" Wala naman po, Close nga kaming Tatlo diba ?" Sabi ni Raven. Sabay kindat sa Dalawa.

" Hehe, Oo nga po Wala kaming Issue.." dagdag na sabi ni Tyler at Inakbayan naman sya ni Jake.

" Okay pero sandali.. nakakaloka, may Naliligaw nanamang Hikers. Sumama kayo sakin. Dali!" Sabi ni Sandawa at agad nyang Ikinumpas ang kanyang mga Kamay at naglaho silang Lahat sa Silid. At pagdilat nilang Lahat nasa Labas na sila. At Nakita nila ang Ganda ng Paligid, Berdeng mga Damo, naglalakihang puno at Sariwang Hangin na malalanghap mo sa mga oras na yun.

" Nakakaloka na sila.. parati nalang may nabibiktima ang mga Mahiwagang Nilalang dito sa Bundok.nililigaw nila ang mga Hikers. " Sabi ni Sandawa.

" Bakit mahal na diwata, hindi po ba kaibigan nyo ang mga nilalang sa Bundok?" Tanong ni Jenna.

" Hindi... Sa katunayan para maging Balanse ang lahat. Minsan din kasi, may mga pasaway na mga Hikers na nag iiwan ng mga basura nila sa bundok. Nakakastress sa Ganda kung to gagawin pakong Taga linis. " Sabi ni Sandawa habang Palingon lingon sa Paligid.

" So ngayon mahal na diwata Tourist Guide na ang Peg mo..?" Biro ni Katalina.

" Sinabi mo pa...Ay yun nandoon Pala sila. " Sabi ni Sandawa. At agad nilang Pinuntahan ang mga Naliligaw na mga Hikers sa Bundok.

Samantala sina Olivia,Rica, Sierra At Lina ay naisipan nilang mag matyag sa Pagtitipon na gaganapin sa Bagong Kastilyo.

" Maghanda na kayo Sierra, At Lina tayong Tatlo ang Huling pupunta sa Pagtitipon ni Erol. Bibigyan natin sya ng isang Kasiyahan na Di nya malilimutan. " Sabi ni Olivia.

THE SECRETS OF ADONIS BROTHERS (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon