" Iyak ng Banshee.... "
Previously...
- Nakapasok na sina Raven, Tyler at Jake sa Aydendril kasama si Jessel.. Habang sina Theo, Katalina, Jenna, Alpia, Ian at Mia ay nasa Silid parin ng mga Repleksyon at nakikipaglaban sa kanikanilang Alter Egos.Ang makikila nyo ngayon ay Isang Kilalang Mythological creatures sa ibang Bansa.
BANSHEE , Kilala ang nilalang naito sa Ibang bansa. Maraming nakapagsabi na Isa itong Babaeng may madungis na wangis. Ang iba tinatawag silang Diwata ng Kamatayan.
Umiiyak sila pag may isang Taong malapit nang mamatay. O nakikita mo silang nilalabhan ng Banshee ang damit ng malapit ng mamatay.Right now.....
Sa Mundo ng Aydendril...
Inihatid sila ng mga kawal ni Olivia sa palasyo." Mahal na reyna nandito na po ang inyong mga kapanalig!. " Sabi ng Babaeng Punong Kawal.
" Papasukin sila..." Sabi ni Olivia.
Samantala sa Silid ng Repleksyon
" Estelado Fuego! " Sigaw ni Katalina at kanyang pinatamaan ang kamukha ni Alpia.
" Mia ! Mia!" Pag aalalang sabi ni Alpia at agad nilang Nilapitan si Mia.
" Mia Wag kang susuko.. please.." sabi ni Alpia.
" Guro... Masakit Pala kayong manaksak.." Pagbibiro ni Mia habang nanghihina na si Mia dahil sa Dami ng Dugo ang nawala.
" Tumigil ka nga dyan Mia.. Papagalingin kita.. " Sabi ni Alpia. Kumuha sya ng isang Petal ng rosas galing sa kanyang Sandata.
" Sandali Jenna may hihilingin ako saiyo.." sabi ni Alpia.
" Ano yun Alpia...?" Sagot ni Jenna.
" Maari bang ----- " Sasabihin na Sana ni Alpia ang kanyang nais ng Biglang inatake sya ng Kamukha nya at Katulad ng kay Mia Sinaksak ito Sa Likud.
" Miss Alpia...!" Sigaw nila..
Agad gumawa ng Pananggalang Bula si Theo sa kanilang paligid.
" Naloko na... " Sabi ni Ian. At ginawa nyang Yelo ang malaking Bula na nakapalibot sakanila upang karagdagang Proteksyon.
Habang Si Agnes naman ay napapanood ang Lahat Lahat ng mga nangyayari.
" Tumba na ang Dalawa..Block Buster ito.." sabi ni Agnes.
Balik sa Silid ng Repleksyon...
" Ohw! Look ginawa nilang Yelo ang kanilang Pananggalang Sis.. " sabi ng Kamukha ni Jenna.
" Wag nyo nang Sabihin dahil alam ko na ang gagawin.. Tabi!" Sabi ng Kamukha ni Katalina. At agad niyang pinaliyab ang kanyang mga Palad. At Mula sa Kanyang nag liliyab na Palad inihipan nya ito.
" Effective ba talaga yan..?" Sabi ng Kamukha ni Ian.
" Hayaan na natin..." Sabi ng Kamukha ni Theo.
" Sadyang mahihina lang sila.. hahaha.!" Sabi ng Kamukha ni Alpia.
" So anong Plano natin sakanila?" Sabi ng Kamukha ni Jenna.
BINABASA MO ANG
THE SECRETS OF ADONIS BROTHERS (BOOK 2)
Non-FictionNagbago ang mga buhay nina Theo, Tyler, Jenna, Catalina, Ian at Jake dahil sa Labing dalawang oroskopyo. Misyon nilang pigilan ang diyos ng pagkawasak at kaguluhan na si Sitan sa pagbukas ng portales ng impyerno, upang makalaya ang kanyang mga kasa...