CHAPTER 99

217 15 2
                                    

The continuation.... 



ANG NAKARAAN...

Sa Kasamaang palad ay nasawi si Olivia sa Digmaan, habang ang huling habilin nya sakanyang kaibigan na si Alpia.

" May anak ako sa mundo nang mga tao. Bunga ito nang kalandian ko, nais kung hanapin mo sya at ikwento mo sakanya ang lahat.. Heto kunin mo.. mahahanap mo sya gamit ang aking Vinya.." Sabi ni Olivia at may kinuha sya sa kanyang batok na isang kulay berde na parang isang ugat at inaabot nya ito kay Alpia.

" Alpie, sa sandaling iilaw ang vinya ko, ibig sabihin sya ang nawawalang prinsesa nang aydendril..." Sabi ni Olivia at ilang sandali pa ay Lumiwanag ang boung kapaligiran at sa higaan nang reyna ay lumitaw ang isang rosas.

" hindi kita bibiguin Kaibigan ko.. Hahanapin ko ang prinsesa nang Aydendril. "Sabi ni Alpia.

At kasabay nun, Inatasan ni Alpia, na maging pansamantalang pinuno nang Aydendril si Susmihta.

Habang si Jessel naman ay Tumakas kay mang gaspar upang sundan sina Theo sa Kuta ni Sitan.

" Napaka kulit nang ate mo.. katulad nang yumao nyong lolo, ganun sya ka kulit!" Sabi ni Mang gaspar.



ANG KARUGTUNG...

" Naunang Dumating sina Jenna sa Bukana nang Kuta ni Sitan.." Sabi ni Magayon habang nakatingin sa mahiwagang bukal.

" Sandali maynararamdaman ako.. Isang panganib!" Sabi ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.

" Nariyan ka pala.. Bakit di ko man lang namalayan ang iyong pag Dating?" Sabi ni Magayon.

" Paumanhin ngunit, wala na akong panahon pa na ipaalam na bumisita ako. " Sagot ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.

" Tama sya Magayon.. anong Klaseng Panganib ang sinasabi mo.. ?" Tanong ni Dalikmata.

" Nararamdaman ko ang Awra, ni Margarita..!" Sabi ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.

" Ang taksil na diwata, ngunit sa pagkakaalam ko matagal ko na syang natalo noon. noong Iniligtas namin ang mag pinsang Jenna at Katalina." Bulalas ni Magayon.

" Sandali, sisilipin ko saaking ikatlong mata.."Sabi ni Dalikmata. Ngunit, Wala syang Makita sa kanyang ikatlong mata.

" Bakit ganun Magayon, wala akong makita ? " Sambit ni Dalikmata.

" Marahil may Kapangyarihan ang humaharang sa kanya ngayon.. kaya di mo sya makita sakanyang ikatlong mata o di kaya, totoo naman talagang Wala na ang Taksil na Diwata. Gawa-gawa lang nang kwento ang baliw na ito.." Sabi ni Alunsina habang patungo sa kanilang kinalalagyan.

" Alam kung may mga alinlangan kayo saakin.. ngunit, nais ko lang sabihin sainyo na Kakampi nyo ako." Sabi ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.

" Maka alis na nga!" Sabi ni Magayon.

" Hindi naman sa Wala kaming tiwala saiyo Burigadang Pada Sinaklang Bulawan, ang ginawa mong pagtaksil saamin, noong pagtulong mo kay Margarita. Isang napakalaking Kasalanan yun." Dagdag na sabi ni Bulan.

"Kung ganun, may alam ako kung nasaan ang Prinsesa nang Aydendril.." Sabi ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.

" Pano mo nalaman ang tungkol dyan, sa bagay na yan?" Gulat na tanong ni Magayon na natigilan sa kanyang paglalakad.

" Hindi na Mahalaga, Basta alam ko kung nasaan ang nawawalang tagapag mana nang Aydendril. " Sagot ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.

" Mabuti pa'y Ituro mo saamin kung saan ang tagapagmana ni Reyna Olivia.. " Sabi ni Bulan.

THE SECRETS OF ADONIS BROTHERS (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon