CHAPTER 36

366 18 2
                                    

  " Ang Hiwaga ng Bundok Apo p2 "

Previously.....

- Nakilala na nila ang taga pangalaga ng Bundok Apo na si Diwatang Sandawa. Ligid sa Kaalaman nila hindi isang ordinaryong Diwata ang kanilang nakilala. Katulad ng Diwatang si Gassia ay nakikipag-halubilo ito sa mga tao. Samantala sa Aydendril naman ay naghahanda na sina Olivia, Rica, Lina at Sierra sa pagdating nila Theo At Tyler upang Iligtas at Bawiin ang Kaharian...

Right now .......

" Nandito na tayo guys..." Sabi ni Sandawa.

" Mawalang galang na Mahal na Diwata, Pero na saan yung Kubol nyo?" Tanong ni Jenna.

" Oh my Bathala... What's Kubol ba. Ang cheap pakinggan Darling. Pwde namang Bahay. Ito Talagang taga Kanlaon. Pati kayo sinasanay sa mga salitang Luma. But Infairness ha. Magaling kayo dun. " Sabi ng Diwatang Sandawa.

" Pasensya na po mahal na diwata " sagot ni Jenna sabay Yuko.

" Ay nako.. pasensya kana din Napakadaldal ko na. Let's go dyan sa Likud ng Punong yan dyan ang Magical House Ko. " Sabi ni Sandawa.

At agad silang pumasok kasunod ng Diwatang Sandawa.

Samantala Sa Aydendril naman...
Naghahanda na sina Olivia, Rica, Lina at Sierra sa pagdating nila Theo At Tyler.

Lumang Kastilyo..

" Kay Ganda padin ng Kastilyong ito Mahal na reyna " sabi ng isang Matandang Kasamahan nila.

" Nana Sela, nakatira na ho ba kayo sa Kastilyong ito?" Tanong ni Olivia.

" Nako, Oo matagal na Panahon narin nung ako ang nag aalaga sa inyong Ina noon. Habang ang Lola mo ay ang reyna pa." Sagot ng Matanda.

" Talaga ho? Bakit po kayo umalis ng Palasyo? " Tanong ni Olivia.

" Ay nako mahaba na ang oras kung Ikukuwento ko pa.. " sabi ng Matanda habang kinuha nya ang isang Kulay pulang Pamaypay sa kanyang maliit na bag.

" Ayus lang po.. makikinig ako. Nais kung malaman kung anong reyna si Lola Dati.. pakiusap po Nana Sela." Sabi ni Olivia.

" Sge na nga magkasing Kulit nga kayo ng Ina mo. Halika ka umupo ka dito." Sagot ng Matanda.

" At ganito ang mga Nangyari, Bigay saakin ng Lola mo ang Pamaypay na ito. At Mukhang Oras na ata upang Ibalik ko ito sa tunay na nagmamay-ari. "


**** F  L A S H   B A C K *****

- Kaarawan noon ni Reyna Bertha, habang nasa Kalagitnaan ng Kasiyahan ang Lahat.
Sinalakay ang Kaharian ng Aydendril ng mga Piling Tauhan ni Erol, ang mortal na kaaway ng Reyna Bertha.

" Mahal na Reyna, Sinalakay po tayo ng mga Tauhan ni Erol. " Sabi ng isang Kawal.

" Alam ko na ang pakay ni Erol..ipatawag mo si Celia. " Utos ni Reyna Bertha. At Yumuko lang ang Kawal sakanya.
Ilang Sandali pa ay Dumating na Si Celia..

THE SECRETS OF ADONIS BROTHERS (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon