CHAPTER 75

235 22 1
                                    

" APOY SA APOY "

Ito na ang Karugtung ng ating Kwento mga Mahal, Di ko na papatagalin pa. Ready go!
Wag kalimutang bomoto at mag iwan ng Comment sa baba. Your votes and Comments are highly appreciated.

PREVIOUSLY...

Nalaman ni Father Santiago ang pinagtataguan nina Rowell, At Karen.

RIGHT NOW...

" Pagsisihan mo ang paglapastangan mo sa Bahay nang diyos!" Sabi ni Rowell.

" Bakit Rowell Hindi bat ang mga Marka sa katawan nyo ay Tanda nang Pag anib ninyo sa Kadiliman. " Sabi ni Father Santiago.

" Marka lang ito Santiago... Pero Hindi kami bibitiw sa panginoon na gumawa saatin.." Dagdag na Sabi ni Karen.

" Mag dasal na kayong Tatlo... Dahil makakasama nyo ang panginoon na sinasabi nyo. " Sabi ni Father Santiago at biglang dumilim ang kalangitan. Umiihip ang napakalakas na hangin sa Paligid.

" Ate Jes Anong nangyayari?" Tanong ni Chacha.

" Dito ka lang sa Likuran namin.. wag kang aalis. " Sabi ni Jessel.

" KATAPUSSSAAAANNN!! NYO NA!!! HAHAHAHA " Sabi ni Father Santiago habang tumatawa na parang Demonyo.

" Mag iingat kayo.." Sabi ni Rowell. Nang Biglang nagliwanag ang kalangitan.

" Kidlat... Mag-iingat kayo!" Sabi ni Karen. At agad namang kumuha nang isang Hibla nang Buhok na galing sa kanyang Ulo. At Itinapon nya ito sa ire at sinasakal ng kakaibang lenguahe.

" Hindi yan tatalab saakin! Mag lalaho nanaman kayo? Di kayo makakatakas saakin.." Sabi ni Father Santiago at mas lumakas pa ang Kulog at pati na ang ihip nang hangin ay mas lumakas pa.

" Pakawalan mo na ang mga babae.. nakikiusap ako father Santiago.. alam kung may Kabutihan parin sa Kalooban mo." Pakiusap ni Rowell nang biglang may napakaliwanag na patungo sa kinatatayuan ni Rowell.

" Father ilag!!" Sigaw ni Chacha. Lumingon sakanya si Rowell nang mapansin din nyang may Kidlat ang patungo sa kinatatayuan ng bata.

" Jessel ang bata!!" Sabi ni Rowell sabay Tulak sa Bata.  Pagkatulak ni Rowell sa bata ay sya ang natamaan ng malakas na kidlat.

" Nailagan mo man ang Kidlat na para sayo.. sapol ka naman sa isa pang kidlat.. kung ganun.. papano kung ang dalawang babae naman ang patamaan ko ng kidlat. Sasaluhin mo rin ba?" Sabi ni Father Santiago.

Agad namang nilapitan ni Karen sina Chacha at Jessel. Habang ang aso naman nila ay patuloy pa din sa pagtahol.

" Wag mong bibitiwan ang aso mo..." Sabi ni Karen at sa ikalawang pagkakataon kumuha nang gunting si Karen sa kanyang Bulsa. At ginupit nya ang kanyang buhok.

" Anong ginagawa mo? " Tanong ni Jessel.

" Gagawa ako ng Harang dumikit kayo saakin.." Sabi ni Karen habang si Rowell ay Wala pading Malay. At isang napakalakas na kidlat ang tumama sakanila nang biglang may Anong harang ang natamaan ng kidlat.

THE SECRETS OF ADONIS BROTHERS (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon