CHAPTER 53

308 17 5
                                    

                    " Ang Pagbabalik ng mga Alala at Buhay P2"

SHOUT OUT :

bago ko simulan ang kwento. I would like to say HI to my solid readers, na sina.....

Vingonzales1, JeovaneCaranzo,User98285321, Kyle2318, Ashley25_9, ChristianMilano7, Rain_yoriko, Jaypee2011, Juliussacay12 as always thank you ng marami, MysticIdentity, HyunkiHyung, Froggy823, and Many to mentioned na po. And Thank you sa mga nagfollow saakin. Really appreciated ang mga votes and comments nyo. Thanks ng bongels. So let's start..




PREVIOUSLY...

Nakilala na nina Raven, Ian, Susmihta at Jessel sina Diosca at Faith. at dahil na rin sa kakayahan ni Susmihta nalaman nila nag totoong nangyari sa muling pagkabuhay ni Charlie. Habang sina Bea at Nica naman ay matagumpay nilang nakuha sa Aydendril.  At Samantala, sina Jenna, Jake at Katalina naman ay nasa Kuta pa din ni Sitan. upang tulungang makatakas ang magkapatid. 

.

.

.

RIGHT NOW....

Sa kuta ni Sitan kung saan nasa labas pa sila ng Gate.

" Bat ang tagal naman ni Nonoy?" Sabi ni Jake.

" Ilang oras ba ang itatagal ng invisibility mode natin Insan.." Tanong ni Katalina kay Jenna.

" Isang oras lamang.. kaya kelangan ng bumalik ni Nonoy..." Sagot ni Jenna habang patingin tingin sya sa paligid.

SA LOOB NG KUTA.....

Narinig ni Nonoy ang usapan ng dalawang ligaw na kaluluwa, sa isang pasilyo. at dahil doon agad nyang nalaman kung saan ikinulong ang magkapatid. Nang marating ni Nonoy ang Selda kung saan kinulong ang magkapatid.

" Kuya Eyo? ?? Kuya Tai? " sabi ni Nonoy. agad naman niya itong nilapitan. habang is Tyler naman ay nakaramdam ng kakaibang enerhiya sa paligid.

"Kuya nararamdaman mo ba sya.."

"Ha? sino? " sabi ni theo

" Napakadalisay ng kanyang enerhiyang Dala.. " Sabi ni Tyler. At biglang nagpakita ang kalag ni Nonoy sakanila.

" kuya Tai. ako to si Nonoy..." Sabi ni Nonoy.

" Teka anong ginagawa ng kalag mo dito?" sabi ni Theo.

" Nandito ako para iparating ang isang mensahe.." Sambit ni nonoy.

" Baka makita ka ng mga nagbabantay.." sabi ni theo. agad namang ikinubli ni Nonoy ang kanyang sarili. At nang mapansin ng isang kawal na may kakaibang nangyari sa loob ng selda ng magkapatid at agad itong lumapit.

" Sinong kausap nyo dyan?" Tanong ng isang kawal.

" Edi syempre kuya ko.. alangan namang ikaw kausap ko?" Pilosopong sagot ni Tyler.

" Nagpapaplano kayong tumakas no?" Sabi ng isa pang kawal na lumapit.

"Ay hindi, nagpapaplano kaming gumawa ng party mamaya, dahil na kulong kami.. " Sagot ni Tyler.

" Napakapilosopo ng batang to.. ganyan kaba pinalaki ng magulang mo?" Galit na sabi ng isang kawal.

" Bat mo alam? magkapit-bahay ba tayo noon.." Sagot ni tyler.

THE SECRETS OF ADONIS BROTHERS (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon