CHAPTER 73

260 20 2
                                    

" THE PRIEST OF DARKNESS PART 2 "

* Ito na ang Karugtung mga mahal, binibilisan ko na talagang mag update kasi baka mabubusy nanaman ako. Kasi This Week kadayawan Festival dito sa Davao. Di ko Alam baka madami akong Extracurricular activities isa na dun ang paglalakwatsa. Hahaha!😂 Anyhow, Di ko na papatagalin pa ito na ang Karugtung...

PREVIOUSLY...

Nang makabalik si Jessel sa kanilang Baryo. Agad sya Sinalubong ng kilabot. Habang iginigala nya ang kanyang mga mata sa Paligid. Ay nakita nya ang batang si Chacha na hinahabol ng mga maitim na kawal ni Sitan. At nakilala din naman nila si karen, ang dating kaibigan ni Jessel sa Baryo.

RIGHT NOW...

" Dyan na muna kayo mag tago... " Sabi ni Karen habang binubuksan nya ang isang maliit na Pintuan sa mga Halamanan. Kasabay din nyan nang makapasok na sina Chacha at Jessel ay kumuha sya ng isang hibla ng kanyang buhok at Itinapon nya ito sa may halamanan.

" Karen may kausap ka ba dito? " Sabi ng isang matandang Babae. nanakaitim ang kasuotan.

" W-wala po sister.." pagsisinungaling ni Karen sa matandang Babae. At iginala naman ng matandang Babae ang kanyang paningin sa paligid.

" May narinig akong aso na tumatahol kanina... Nandito ba ang batang si Chacha? " Tanong ulit nang matandang Babae sakanya habang si Karen naman ay nakayuko ito tila ba sunud sunuran ito.

" Wala naman Akong narinig na tumatahol sister France. Tungkol sa batang si Chacha. Malamang ay napaslang na ito ng mga Kawal ng demonyo sa labas." Sagot ni Karen.

" Kung ganun... Pumasok kana dito sa Loob, nagsisimula na ang pagbabahagi ni Father Santiago ng kanyang karunungan." Sabi ni Sister France.

Si Sister France ay Kasama nina Father Rowell noong nilinlang sila ni Father Santiago tungkol sa papaging Alagad ng Dilim. O pagsamba sa Kadiliman.

" Dito nalang po ako Sister France, tapos nakong mag dasal kanina..." Sagot ni Karen at pumunta sya sa isang Bangkong Kawayan at doon umupo.

" Kung ganun... Maiiwan na kita dito. " Sabi ni Sister France. Nang makapasok na ang madre sa Loob nang Simbahan. Ay bigla namang Dumating si Father Rowell.

" Karen nakita ko si Chacha dito.. may kasama sya. Kung Hindi ako nagkakamali ay kapatid yun ni Nonoy?" Sabi ni Father Rowell.

" Po? Pa-papano nyo nalaman?" Utal utal na sagot ni Karen.

" Karen Hindi ako kalaban. Katulad mo may tatak man ako nang Demonyo. Ay naniniwala pa din ako sa ating panginoon. " Sabi ni Rowell.

" Father... Anong nangyayari? Bakit nilapastangan nila ang bahay ng Diyos! " Umiiyak na Sabi ni Karen.

THE SECRETS OF ADONIS BROTHERS (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon