CHAPTER 48

306 18 1
                                    

                                              " Ang Hiwaga ng Bulaklak ng Narciso"

Previously.....

Ligtas silang nakarating sa Aydendril sina Theo, Jenna, Katalina, Ian, at Alpia habang akay nya ang bangkay ni Mia. Agad namang sinalubong sila nina Olivia, Jessel, Raven, Tyler and Jake.

Habang ang mga Diwata ay nabahala sa kanilang nalaman, ukol sa pagbuhay ng mga dating Gabay tao ng mga Piling Diwata. At pinatawag din ni Bulan si Magwayen upang imbestigahan ang kanyang pagpakawal sa isang kalag (Kaluluwa). At nalaman ni Ian ang ginawang kababalaghan ni Olivia.

Right now....

Sa Aydendril..

Agad Inihanda ni Olivia ang mga Bulaklak ng Narciso, Upang subukang buhayin si Mia. gamit ang Bulaklak ng Narciso..

"Handa kana ba Alpia?" Sabi ni Olivia.

" Opo, mahal na reyna.... aa-ano ba ang gagawin ko?" Sabi ni Alpia.

" Wala kang gagawin kundi, umupo ka nalang! " Sabi ni Olivia. Nang biglang Dumating si Amihan.

" Anong ginagawa mo Reyna Olivia... Di mo ba alam kung anong kinahinatnatan ng pag gamit mo sa Bulaklak ng Narciso. " sabi ng Diwatang si Amihan.

" Anong ibig nyong sabihin mahal na diwata ?" tanong ni Alpia.

" Walang kasiguraduhang mapapabalik nyo ang kalag ng pumanaw na. maaring ang kalag na tinawag ng halimuyak ng halaman na yan ay di pagmamay-ari ng katawang nakahiga sa himlayan." salaysay ni Amihan.

" hindi ko po maintindihan... " sabi ni Alpia. at bigla namang sumulpot si Dalikmata at magayon.

" ang nais ipahiwatig ni amihan sainyo ay, Gamit ng halimuyak ng bulaklak ng narciso, may kakayahan itong mang akit ng mga kaluluwa sa Sulad ang halimuyak ng bulaklak na ito." sabi ni Dalikmata.

" kelangang tama ang pag gamit ninyo sa bulaklak na ito..." sabi ni Magayon.

" Ngayon...Ganito ang tamang pag gamit sa bulaklak ng Narciso.." Sabi ni Amihan at itinuro nya kung papano gamitin ng tama ang bulaklak.

" unang una, kumuha ka ng Hibla ng Buhok ni Mia... at itali mo ito sa Bulaklak. " Utos ni Amihan. at yun nga ang ginawa nina Olivia at Alpia.

" Pagkatapos, Kelangang mabasa ang mga bulaklak sa tabi ni Mia upang lumabas ang amoy nito. Kelangan masundan ng kalag ni mia ang halimuyak ng bulaklak dahil tatagal lamang ng Anim na oras ang amoy ng bulaklak simbulo sa kanyang mga petales. " Salaysay ni Magayon.

" Kumain na muna kayo mahal na reyna... " sabi ng isang babaeng nakabelo ng puti.

"Maraming salamat Susmihta.... Teka maari mo bang ipatawag ang mga Tagalipon?" utos ni Olivia.

" masusunod mahal na reyna.." sabi ng babaeng naka puting belo. at agad namang nagtungo ang babaeng naka belo ng puti sa Silid nina theo.

" pinapatawag kayo ni Reyna Olivia... At mas mabuti pang sumama na kayo saakin..." sabi ng babaeng nakabelo ng puti. at habang naglalakad sila sa pasilyo. napakatahimik nila. nang biglang nagsalita ang babaeng naka belo.

" Alam ko ang inisip nyo.. Wag kayong mag aalala, maaring mabubuhay ang inyong kaibigan kung susunod sya sa halimuyak ng mahiwagang bulaklak.. " sabi ng babaeng naka belo.

" Papano mo nalaman ang iniisip namin? tanging kami kami lang may kakayahang mag usap sa aming mga isipan..." sabi ni Jake.

" Ako nga pala si Susmihta, isa akong Kumpersura... At ang tangi kong kakayahan ay basahin ang isip ng ibang nilalang. " sabi ni Susmihta..

" Pero- isa ka din bang diwata? o may dugong diwata?" tanong katalina.

" Hindi, likas na saaming ang ganitong katangian.... may gabay kami ng diwatang si Dalikmata..." sabi ni Susmihta.

" Ibigsabihin.... magkatulad tayo ng kakayahan.." sabi ni Katalina.

" Nakikita ko nga , na may gabay ng diwatang si Dalikmata... magmamadali na tayo at hinahanap na kayo ng mahal na reyna." sabi ni Susmihta.

Samantala sa Kan-laon naman ay dumating si MAGWAYEN upang ipaliwanag ang kanyang pagpapatakas sa kalag ng mga gabay tao ng mga piling diwata.

" Sino ang kaluluwa ang iyong pinakawalan Magwayen?" tanong ni bulan habang nasa tabi ni Bulan ang iba pang diwata.

" Kilala pa ba ninyo ang mga dating gabay tao? nauna sila kina theo at tyler.." tanong ni Magwayen.

" Oo, magwayen...." sagot ni Bulan. at inisa-isa ni bulan ang mga pangalan

Diosca - Gabay diwata ni Lihangin ang diwata ng hangin.

Faith - Gabay diwata ni Haik ang diwata ng Magandang Panahon sa Karagatan.

Bea - Gabay diwata ni Haliya ang kapatid ni Bulan na syang tumalo sa bakunawa nang muntik nang tangkain ulit ng bakunawa na kainin ang huling buwan sa mundo.

Nica - Gabay diwata ni Lalahon ang diwata ng mga bulkan at apoy.



Author's Que :

- HAIK, God of the sea who is called upon by seamen in a major ceremony dedicated to him, asking for fair weather and favorable winds. He clears troubled waters so that men will have a safe voyage. Due to this, he sometimes have confrontations with Amanikable, the purveyor of troubled waters. Haik, despite being a kind god, is not welcome in Kaluwalhatian because of his confrontations with Amanikable. He has contacts with Aman Sinaya. His emblem is the undisturbed water.

- Lihangin, The god of the wind and the son of Kaptan. He later married Lidagat and had four children.

-Lalahon, Goddess of fire, volcanoes and harvest. In ancient times, Ancient Visayans blamed her for sending armies of locusts to destroy their harvests. In response, natives will offer her gifts in order to please her and prevent her from doing that.

- Haliya, The masked goddess of the moonlight and the arch-enemy of Bakunawa and protector of Bulan. Her cult is composed primarily of women. There is also a ritual dance named after her as it is performed to be a counter-measure against Bakunawa.

"Kung gayon... ang Gabay diwata ni Haik " sagot ni Magwayen.

"Ngunit bakit ang aking dating gabay tao?" sabi ni Haik.

" Upang magabayan nya ang mga kasamahan nya..para di tuluyang makontrol ni sitan ang kanilang mga kalag na huwad." sabi magwayen.  



ABANGAN ULIT ANG KARUGTUNG.... 

Don't forget to vote and leave some comments... Enjoy....

THE SECRETS OF ADONIS BROTHERS (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon