" Ang Sumpa ni MABUTI "
PREVIOUSLY..........
Muntik ng mahuli sina Jenna ng mga kawal sa Kuta ni Sitan, ngunit dahil na rin sa kanilang mga kakayahan ay mabilis silang nakapagtago sa mga kawal pati na rin sa mga gabay diwata..
" Nasaan tayo,,?" tanong ni Jenna nang tingnan nya ang paligid ay nakita nya ang isang kulay pulang trono na sobrang gara ang desenyo nito.
" Marahil ito ang Trono ni Sitan.." sabi ni Katalina.
" Sandali may paparating.." sabi ni Jake at agad naman silang nag laho. Yun pala dumaan sina, Faith,Bea, Nica at Diosca kasama si Miguel.
" Sandali may nanararamdaman ako.." Sabi ni Nica.
" Anong nararamdaman mo nica??" tanong ni Diosca.
" Palagay ko may ibang nilalang ang nandito sa loob ng bulwagan." Sabi ni Nica.
" nako.. nica maraming ibat-ibang nilalang nandito sa loob ng palasyo, isa na doon ang mga ligaw na kaluluwa. Baka mga ligaw lang na kaluluwa ang nararamdaman mo.. " Sabi ni Miguel.
" baka nga.. just dont matter about it. let's go" sabi ni Bea.
At nang makadaan na sila.. agad lumantad sina Jenna, Jake at Katalina.
Nakilala na din nila sina Faith, Nica, Bea at Diosca..
"Sino sila?" Tanong ni Jake.
" Kilala ko ang dalawang babae na nauna. sila ang dumukot kina Tyler, sila ang nakita ko saaking pangitain. " Sabi ni Katalina.
" kung gayon sila ang dating gabay diwata.. " sabi ni Jenna.
Samantala nasa Oceana si Ofelia at wala pa din itong malay.
" Teka, Joshua ilang araw na bang tulog si nana Ofelia? " Tanong ni Lina.
" Dalawang araw na.. " sagot ni Joshua. at nilapitan nila ito upang tingnan ang kalagayan ni Ofelia.
BINABASA MO ANG
THE SECRETS OF ADONIS BROTHERS (BOOK 2)
Non-FictionNagbago ang mga buhay nina Theo, Tyler, Jenna, Catalina, Ian at Jake dahil sa Labing dalawang oroskopyo. Misyon nilang pigilan ang diyos ng pagkawasak at kaguluhan na si Sitan sa pagbukas ng portales ng impyerno, upang makalaya ang kanyang mga kasa...