CHAPTER 84

258 29 2
                                    

" ANAK LABAN SA PAMILYA !"
...

I Know inaantay nyo ang Karugtung. And here's the continuation.
Salamat ulit sa patuloy na pag support. And Wag kalimutang bomoto each chapters. And Leave your thoughts below on comments box. Salamuch!

PREVIOUSLY..
Nagtataka sila kung bakit kay bilis nilang Nakuha ang mga Sandata. Ni walang Hirap o Pagsubok ang naka abang sa bawat lugar. Ngunit ang Di nila Alam ay nagsisimula pa pala ang tunay na plano ng mga Diwata para sakanila.
May bagong Karakter nanaman ang papasok. Yan ay si Kathleya! Alamin natin kung ano ang kaugnayan ni Kathleya sa mga Diwata.

RIGHT NOW...

Pagkatapos nilang Makuha ang mga Sandata. May bagong lugar na ibinigay ang Mapa para sa kanila.
Samantala Sina Alpia, Raven at Mia naman ay nagsimula na sa Pagsasanay kasama si Ofelia.

" Teka! Teka! Guro break muna.. hinihingal na ako." Sabi ni Raven habang bakas sa kanyang Mukha ang Pagud.

" Wala na kayo sa Ibang Bansa. At pati rin ang Lugar na inyong pinagtataguan dati ay nasakop na din ni Sitan..." Sabi ni Ofelia sabay Sugod kay Raven gamit ang Espada nya. At agad naman itong Sinangga ni Mia gamit ang Espada nito.

" Magaling Mia.. Pero, Papano kung ganito ang gagawin ko!" Sabi ni Ofelia at Pinalutang nya ang mga Malalaking Bato sa Paligid at pina atake sa kanilang Tatlo.

" Mahal na Reyna...umilag ka!" Sabi ni Mia kay Alpia. Ngunit gamit ang dalawang Kamay ni Alpia ay Pinigilan nya ang mga malalaking bato sa Pagsugod sa kanila.

" Ang Galing...!" Sabi ni Mia.

" Guro Tanong ko lang, Minsan na kaming nag sanay noon kasama ang mga Diwata.. at sina Theo. Bakit ngayon may pagsasanay ulit! " Tanong ni Raven habang umiilag sa mga Atake ni Ofelia.

" Nais kung maging Aral sainyo ang nangyari sa Babaylang si Jenna. nakuha ang mahiwagang Bilro sa Kanya. At tanging sa Bilro lang nanggagaling ang kanyang kapangyarihan. Nais kung matuto kayong gumamit ng ibang kakayahan bukod sa Inyong mahika.." Sabi ni Ofelia.

" Ako naman!" Sambit ni Mia sabay Talon nang napakataas.

Tinatawagan ko ang Kidlat.. maging kaisa ka saakin.

Engkantasyon ni Mia at sa isang Iglap may napakalakas na Kidlat ang Tumama sa kanya at Nakaramdam sya nang kakaibang Lakas.

" Magaling Mia. Nakukuha mo na.. Tandaan nyong Lahat, wag kayong umasa sa Mahika. Tandaan nyo may mga Likas na kapangyarihan kayo. Gamitin nyo ang Kalikasan. " Sabi ni Ofelia habang si Alpia naman ay Binasag nya ang mga malalaking Bato na Ginamit kanina ni Ofelia para sa kanila. Habang Si Raven naman, kaya na nyang mag bago nang anyo.

" Di lang uwak ang Gayahin mo Raven.. Maraming Hayop ang nasa Paligid na maaring makakatulong." Pangaral ni Ofelia. Habang si Raven ay nagpalit anyo at naging isang Malaking Leon. Akmang Sasakmalin na sana nya si Ofelia agad naman syang Pinalo ni Ofelia nang kanyang Tungkod.

" Napapalibutan nyo nga ako.. pero Hindi bakas sa inyong mukha ang seryuso sa Labanang Ito. Hindi lang sina Theo at Tyler ang may mission. Pati na kayo! " Sabi ni Ofelia at Pinalutang ulit ang mga Malalaking Bato sa paligid.

" Hindi lang Lakas ang Kelangan... Kelangan ng Utak at Puso sa Laban. Daanan nyo yan!" Pangaral ni Ofelia sa Tatlo.

Samantala nang Makuha na nila ang mga Sandata ay nagsama-sama ulit ang mga tagalipon.

THE SECRETS OF ADONIS BROTHERS (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon