Votes and comments are highly appreciated. Kamsa~ ^________^ Credits to @ryll_hearts for the wonderful cover. 😊
MY SWEET SUITOR
By: MissShyPatheticLoser
"Bakit mo ba ako sinusundan? Nagmumukha ka nang stalker sa ginagawa mong yan!" sigaw ko sa isang lalakeng mas matangkad pa sakin, nakaeyeglasses ito at nakangisi sa harapan ko. Gwapo sana, bobo lang at malabo ang mata. E kung apakan ko kaya yang eyeglasses niya para di niya na ako masundan pa! Kainis!
"Sinusundan? Pangarap kasi kita kaya sinusundan kita, diba follow your dream ika nga?" nainis ako lalo noong ngumisi siya sakin, ang korni niya, nakakainis na siya. Matagal ko na siyang kilala pero di ko alam na may pagkagago rin pala ang isang 'to at ang galing mantrip ng isang babaeng kakagaling lang sa break up. Oo, kagagaling ko lang sa break up at hindi ko magets kung bat pinagtitripan ako ng nerd nato.
Well, he's not literally a nerd. Gwapong nerd, mahilig siya sa books pero magaling naman siya makipag socialize at nagbabanda siya. Nerd pa ba ang tawag doon? Sige na, he's a damn hot and handsome nerd! =_____=
"Sorry pero hindi ako naniniwala sa kasabihang yun, saka pwede ba Nyan? Ano ba ang nangyayari sayo? Please stop this non sense!" nagpatuloy ako sa paglalakad ko, nakakainis ang lalakeng iyon. Siya si Nyan Dela Vegas at ang sikat niyang pinsan na ex ko ay si Jeyz Delos Santos.
"Don't consider this situation as a non sense, lahat ng ginagawa ko para sayo, pati yung pagmamahal ko para sayo, lahat ng yun may sense." i stopped walking, hinarap ko na siya sa sobrang inis ko. As in galit na ako sa kanya, nakakunot na ang noo ko. He's still smiling sweetly sa harapan ko. Pwede ba? tigilan mo na ngumiti sa harapan ko...........
............. baka matunaw lang ako.
Lalo na at pinsan niya pa naman yung ex ko, kaya medyo mahirap na maniwala ako sa isang 'to.
"I like you......" nabigla ako sa sinabi niya, seryoso lang akong nakatingin sa kanya, ngumiti pa siya lalo sakin.
"And im willing to court you...." mas lalo akong napakunot sa sinabi niya, liligawan niya ako? Ano ba ang nangyayari sa kanya? Gusto ko siyang suntukin at sapakin para malaman niya ang mga sinasabi niya!
"F*ck you, nyan!" sigaw ko sa sobrang inis ko, nagbad finger pa ako sa kanya. Hindi pa nga ako nakakamove on sa pinsan niya eh nilalandi niya na ako! Mas lalo siyang napangisi sakin nung ginawa ko yun, tinalikuran ko na siya atsaka tumakbo na. Pero sinundan niya pa rin ako..
Argh, this guy! He's really irritating!
Hindi ko namalayan ang dinadaanan ko, natipalok ako kaya naman natumba ako. But to my surprise, hindi ako natumba sa sahig. Nahulog ako sa mga bisig ni Nyan, sinalo niya ako, naaamoy ko na ang mabango niyang pabango at ang lapit na ng mga mukha namin sa isa't isa. Kinabahan ako, sobra.
Nakakaadik tignan ang mga mata niya.
"Sinalo kita kasi mahal kita, sinalo kita kasi handa akong maghintay sayo sinta, sinalo kita kasi ayokong makita na mahulog ka sa iba. Sinalo kita kasi handa akong mahalin ka..." tumutula ba'tong adik nato? nakatingin lang siya sa mga mata ko, napalunok ako. Nangangati na talaga akong isampal sa kanya itong kamay kong bakal eh!
Pero ngumisi ako....
Agad kong kinuha ang eyeglasses sa mga mata niya kaya naman ako naman ngayon ang napangisi. Hindi niya pa rin ako binitiwan, mas lalo niya pa akong hinatak palapit sa kanya.
"Ibalik mo sakin ang salamin ko kung ayaw mong...."
"Kung ayaw kong ano?!" sigaw ko
"Kung ayaw mong totohanin kong liligawan kita..." i smirked sa kanya, kahit naman ibalik kotong salamin o hindi, liligawan niya pa rin ako.
"Di ko 'to sayo ibabalik hanggat di moko tinitigilan sundan..." natatawa kong sabi sa kanya, mas lalo siyang ngumisi sakin.
"At hindi rin kita bibitiwan hanggat di mo ibinabalik ang salamin ko, ayos lang naman sakin kahit ilang araw tayong magkayakap ng ganito..." nabigla ako sa sinabi niya, magkayakap? Kanina pa pala kami nandito sa may hallway ng campus, nakapulupot ang mga braso ko sa may leeg niya habang siya naman ay nakakapit ng maigi sa bewang ko. Sinalo niya nga pala ako kanina at hawak hawak ng kanang kamay ko ang eyeglasses niya.
AHHH!! Bat hindi ko narealize ang mga nangyayari? Masyado kasi akong inasar ng lalakeng 'to!
"Oh yan na!" sinuot ko na sa kanya ang salamin niya, napangisi ulit siya sakin.
"OY! BITIWAN MO NAKO!" sigaw ko sa kanya, pero sa halip na bitiwan ay mas lalo niyang pinulupot ang mga braso niya sa may bewang ko.
"Bibitiwan kita kung papayag kang ligawan kita, haranahin ka, hatid-sundo ka, atsaka dapat lagi tayong magkasama," napalunok ako, sa sobrang pagkainis ko dahil marami nang mga tao ang nakatingin samin ay pumayag na lang ako para bitiwan niya na ako. Sobrang nakakahiya ang mga ginagawa niya, nakakainis talaga.
"OO NA! SIGE NA! BITIWAN MO NA AKO!" umalis na ako doon, sumunod pa rin siya sakin. I just can't believe na pumayag ako na ligawan ako ni Nyan Dela Vegas, ang isang lalakeng may sira ang ulo, sayang ang gwapo niya kung sasayangin niya lang ang sarili niya na ligawan ako.
Nakakaawa ang future niya. HIndi naman ako maganda at wala akong naalala na ginayuma ko siya. Tss.
Pero sa isang banda...
Parang gusto ko nga na makasama siya...
At least makakalimutan ko yung ex ko at maaaliw ako sa mga walang kwenta niyang banat at tula na napakakorni at inaagiw na.
Hindi naman kasi ako yung tipo ng babaeng mahilig sa mga kakornihan at ayoko sa isang lalakeng makata. Nakakaeww lang, pero mabuti na rin ito, sana nga makalimutan ko yung pinsan niya.
After all, it's fun to hang out with him.....
Dahil sa dinami dami ng nanligaw sakin, siya lang ang kakaiba....
Because he's MY SWEET SUITOR.
===
Korni ba? Haha, vote and comment kayo please? 5 votes then i'll update the next chap ^___^V
Lovelovelove,
MissShyPatheticLoser
BINABASA MO ANG
My Sweet Suitor (Completed)
Teen Fiction(Tagalog) Zayra Mendez's heart was shattered after that break up. It was a puzzle and mystery for her knowing that her ex's cousin, Nyan Dela Vegas, is courting her! Zayra wants to stop the courtship and make her ex, Jeyz Delos Santos, fall in love...