Chapter 13(Zayra Mendez's POV)
Nagising ako sa isang kwarto. Medyo masakit ang ulo ko noong sinubukan kong umupo. Hapon na pala. Teka, ano ba ang nangyari? Nasaan si Nyan? Kagabi diba magkasama kami? Paano ako nakauwi?
" Anak, uminom ka muna ng gamot. Buti naman at gising ka na." napatingin ako kay mama saka kinuha ko yung gamot at ininuman agad ito ng tubig. Gusto Kong itanong kung paano ako nakauwi. Kung sino ang naghatid sa akin. Natatakot ako baka may ginawa akong kabaliwhan kagabi!
" Zayra, diba hindi ka umiinom. Bat nga pala naisipan mong uminom at sino yung gwapong lalake na buhat buhat ka kagabi? Ha? Naku, ikaw talagang bata ka! Siya ba yung bagong nanliligaw sayo? Sagutin moko!" patay. Napalunok ako saka agad na nagtalukbong ng kumot. Alam kong bastos ang ugali ko pero wala akong pakialam.
" Sagutin moko zayra! " napatakip ako ng tenga ko. Iniisip ko kung anong kagaguhan ang ginawa sa akin ni Nyan. Alam ko namang patay na patay siya sakin, baka ginahasa niya na pala ako kagabi! Oh noes.
Ayoko na mag isip pa.
At buhat - buhat ako ni Nyan kagabi? Meaning pumasok siya sa bahay namin at nakilala siya ni mama?! Huhuhu, eh wala nga akong balak na ipakilala siya kay mama dahil hindi ko naman talaga sasagutin si Nyan!
"Sige na nga, kung ayaw mo sagutin ang tanong ko. Bababa nako para magluto ng hapunan. Ikaw talagang bata ka." hinampas ni mama ang pwet ko saka umalis na siya sa kwarto ko. Napatakip ako lalo ng kumot saka naiiyak.
Kinuha ko yung phone ko. Gusto ko itext si Nyan kung ano ba ang nangyari kagabi. Hindi na rin ako makakapasok pa sa school sa lagay nato. May hang over pa kasi ako.
Pero habang ini scroll ko sa contacts ko ang mga number ay naalala kong....
Wala pala akong number ni Nyan. Kung ichachat ko naman siya, nga pala, di pa rin kami friends sa fb. Ano ba yan Zayra. Sa sobrang daming kalokohan ni Nyan, nakakalimutan mo na ang social media life mo!
Nagcheck muna ako ng fb ko. Ilang linggo na ring inaamag ang account ko. Bihira na lang ako mag open eh. Kadalasan messenger ang gamit ko, nakiki update lang ako kung ano na ang kaganapan sa school namin.
Nabigla ako noong makita kong nagPM si Almoneca. Binuksan ko kaagad ito at binasa.
Pwede bang ikaw ang representative ng block natin para sa Gala?
Napabuntong hininga na lang ako. Lahat ay excited para sa gala, halata naman sa mukha ng mga kaklase ko. Ako lang ata ang hindi. Pero teka, kung magiging representative ako ibig sabihin lang nun na ilalaban nila ako sa ibang block.
Chinat ko kaagad siya.
Sino ang isa pang magiging representative natin?
Agad siyang nagchat sa akin.
Si Dylan Cortez
Napailing na lang ako. Wala akong balak na sumali sa gala. Wala pa nga akong gown na isusuot. Medieval era daw ang theme. Hindi ko alam kung ano ang susuotin ko.
Almoneca, sorry pero ayoko. Maghanap ka na lang ng iba.
Naglike na lang siya matapos niya iyong mabasa. Pumunta muna ako sa profile ni Nyan sa fb. Mastalk nga ang gagu. Wahaha. Infairness, instagramable lahat ng mga posts niya. Mukhang model sa lahat ng mga posts niya. Teka, nagmomodel ba itong si Nyan?
BINABASA MO ANG
My Sweet Suitor (Completed)
Teen Fiction(Tagalog) Zayra Mendez's heart was shattered after that break up. It was a puzzle and mystery for her knowing that her ex's cousin, Nyan Dela Vegas, is courting her! Zayra wants to stop the courtship and make her ex, Jeyz Delos Santos, fall in love...