Chapter 4
(Jeyz Delos Santos' POV)
Dumiretso kami sa locker area ng mga katropa ko. Napayuko na lang ako noong makita ko kanina kung gaano kasaya si Nyan at Zayra.
"Lalim ata ng iniisip mo pre." napatingin ako kay Kevin na nakangiti sakin. Binuksan ko na yung locker ko at kinuha ang ibang mga libro at Jersey ko doon.
"wala akong iniisip," palusot ko. Nag apiran sila Kevin at George noong sabihin ko iyon. Parehas pa silang natawa sa ekspreayon ng mukha ko.
"Pre, alam naman namin na ex mo si Zayra. Tapos mukhang nililigawan siya ng pinsan mong si Nyan. Hahahaha" tawa sila ng tawa, halatang nang aasar. Nakitawa na lang ako. Ayoko naman magmukhang apektado sa mga jokes nila.
Ayokong malaman nila ang katotohanan......
Ang katotohanan na....
Na....
Gusto ko si Nyan at bakla ako.
Yan ang dahilan kung bat ako nakipagbreak kay Zayra. Mahal ko na kasi si Nyan, ninanakaw ko nga ang mga brief ni Nyan sa bahay.
Dejoke lang, adik yung nagtatype. Ma's gwapo pa ako kay Nyan no. Ma's matangkad pako kay Nyan. Tall, dark, and handsome ako. Samantalang si Nyan ay medyo tall, white, and medyo cute lang.
"Ang mabuti pa, mag practice na lang tayo. Ang ingay niyo." Naiinis na sabi naman ni Andre habang busy mag mobile legends. Dumiretso na kami sa basketball court pagkatapos nun.
Naalala ko na naman ang dahilan kung bakit ako nakipagbreak kay Zayra....
*Flashback*
I'm preparing for our anniversary. Excited na akong nakatuxedo, may hawak na bouquet at chocolates. Magdadate kami ngayon ni Zayra.
At isa pa, gusto ko na maging memorable ang araw nato.
"insan, san ang punta?" napangiti ako kay Nyan na pumasok sa kwqrto ko. Since I was little, dito na ako nakatira kila Nyan. Magpinsan ang mga tatay namin, iniwan ako ni mommy noong maliit palang ako, ang daddy ko naman ay nag abroad para sustentuhan ako, ngayon ay may sarili ng pamilya si daddy sa ibang bansa...
At dito ako kila Nyan nakikitira.
Sila tito Arold na ang pangalawa kong pamilya. Nakakalungkot lang dahil pumanaw na rin ang asawa ni tito Arold last year because of stage 4 cancer.
"may date lang ako, insan. Haha" inayos niya ang tuxedo ko saka pinagpagan ito. Napangisi na lang ako kay Nyan.
Sinuntok ko ng mahina ang braso ni Nyan at nag apiran kaming dalawa.
Simula pa lang noon, kapatid na ang turing ko sa kanya. Sobrang close namin sa isat isa.
"insan, sana magkatuluyan kayo ni Zayra. Bagay na bagay kayong dalawa."
"Alam ko, insan. Pero ma's bagay tayo." at nagdampi ang mga labi namin. Dinama namin ang pagmamahalan ng isat isa.
Joke lang.
"alam ko, insan. Mahal na mahal ko si Zayra. Gusto ko na balang araw, siya yung babaeng papakasalan ko at sa kanya ko lang din ibibigay ang apelyido ko haha!" nagtawanan lang kami, Maya maya pa ay nabigla ako sa nangyari. Papunta na sana ako sa bahay nila Zayra ngunit bumungad sa harapan ko ang tatay ko.
Dumating si daddy galing sa abroad...
Niyakap ko siya, limang taon ko rin siyang hindi nakita.
"I missed you son. Its great to see you again, by the way where are you going? Are you going on a date?!" napansin niya atang pormal na pormal ang suot ko, nagtawanan lang kami. Tumango lang ako sa kanya, nahihiya akong umamin pero inamin ko na lang.
"yes dad, I already have a girlfriend. Her name is Zayra Mendez." I showed him some pictures of my girlfriend. Nagkwentuhan kami about my girlfriend. Natuwa siya nung una, pero habang pinagmamasdan niya ito ay kumunot ang noo niya.
"Son, I don't like her. Maybe it's time for you to find someone better." napabuntong hininga siya saka binigay sakin ang mga litrato ni Zayra. Napakunot ang noo ko sa biglaang pag iba ng timpla ng mood niya.
"Nga pala dad, bat nandito ka sa pinas. Diba may pamilya ka na doon sa America? Bat bumalik ka pa?" pumait ang boses ko. Napatingin siya sa akin ng masama, galit din ako sa kanya. Napakabastos lang ng ugali niya kanina.
Mahal na mahal ko si Zayra. Magtithree years na kami. Tapos sasabihin niya lang na maghanap na ako ng iba?
" Let's talk outside, Jeyz." seryoso siya noong sinabi niya iyon. Parehas kaming lumabas. He bursted into anger noong sunod sunod ko siyang pinaulanan ng tanong.
"bat ganyan ka dad? Bat ayaw mo Kay zayra?! May problema ka ba? Nakaka--"
"ENOUGH, SON! ENOUGH!" napatigil ako sa pagsasalita noong sumigaw siya. Na pahawak siya sa noo niya.
"your mother left us when you're just a kid, pinagpalit niya ako sa ibang lalake..."
"Dad, I do not want you to dig up the past! Tell me why do you hate zayra that much?!"
"DAHIL ANAK SIYA NG NANAY MO SA IBANG LALAKE." napatulala ako sa mga narinig ko, it hit me hard. Nabingi ako sa narinig ko. Magkapatid pala kami sa nanay...
"so tell me, are you still willing to continue your incest relationship?" Napayuko ako, kapatid ko si Zayra. Alam niya ba ito? Sasabihin ko ba sa kanya? I know that it's a sin...
It's a sin to continue this relationship.
Pero mahal ko siya. Mahal na mahal.
" Sorry dad," tumakbo na ako paalis. Pupuntahan ko si Zayra para isurprise sana sa monthsarry namin...
But this time, hindi siya masusurprise dahil sa tuwa. Masusurprise siya ng dahil sa lungkot.
My decision is already final. Noong nakarating ako sa bahay nila para sunduin siya....
"Zayra, pagod at sawa nako sa relasyon natin. I'm breaking up with you."
Tnx for reading xoxo, MissShyPatheticLoser
BINABASA MO ANG
My Sweet Suitor (Completed)
Teen Fiction(Tagalog) Zayra Mendez's heart was shattered after that break up. It was a puzzle and mystery for her knowing that her ex's cousin, Nyan Dela Vegas, is courting her! Zayra wants to stop the courtship and make her ex, Jeyz Delos Santos, fall in love...