Chapter 14
(Zayra Mendez's POV)
Maaga akong nagising. Wala ngayong pasok dahil holiday at maganda ang gising ko. Napaunat unat pa ako bago ko niligpit ang higaan ko.
Nabigla ako noong magvibrate ang phone ko. Isang unknown number ang pumasok. Hmm, sino kaya ito?
Punta ka coffee shop na malapit sa University. Ako to, yung gwapo at sexy mong manliligaw. Lab you.
Napailing ako sa text ni Nyan. Mabuti na lang at may load pa ako. Agad ko naman siyang nireplyan.
Eh kung ayoko?
Ilang segundo lang ang lumipas at nagreply agad ang unggoy. Aba't ang galing rin ng Nyan nato ah. Napatingin ako sa wall clock at 8:46 palang ng umaga. Ni hindi pa nga ako nakakapag almusal.
Edi ako na lang susundo sayo, gusto ko na rin makilala si tita eh.
Agad ko siyang tinawagan. Nanlaki lang ang mata ko noong mabasa ko ang text niya. Ayokong pumunta ulit siya dito sa bahay at baka makilala na siya ni mama ng tuluyan. Eww, yucks, no way.
Ayoko na makilala pa siya lalo ni mama dahil di ko naman talaga siya sasagutin kahit na baligtad baligtarin pa natin ang mundo.
"Good morning zayra, how's your sleep?" pasweet na boses niyang sabi. Agad ko siyang sinigawan na medyo may diin.
"Oo na! Pupunta nako, Nyan! Hindi mo na ako kailangan pang i blackmail!" naiirita kong sabi sa kanya. Tawa siya ng tawa sa kabilang linya.
"Zayra, hindi kita binablack mail. Bakit ba ayaw mo akong ipakilala sa mommy mo? Are you hiding something?"
"Nyan, adik ka talaga. Ayaw lang talaga kitang ipakilala kay mama dahil di mo deserve na ipakilala sa magulang. Bwisit ka. Papunta nako dyan. Wag ka ng magtext pa ulit. Marami rin akong gustong itanong sayo about sa mga nangyari kagabi."
"Oh about that night, may nangyari nga satin.."
"Ano?!" bigla niyang binaba ang linya. Sinubukan ko siyang i dial pero binababa niya ang call. Argh, Nyan talaga! Ano ang ginawa mo sakin?
Damn. Ngayon ay wala nakong choice kundi makipagkita talaga sa lalakeng iyon sa coffee shop na malapit sa University. Gusto ko malaman ang katotohanan kung mayroon ngang nangyari.
Pero pakiramdam ko nagbibiro lang si Nyan. Yun pa? Eh gago yun eh.
But what if may nangyari talaga samin? Knowing Nyan's attitude and thoughts, may pagkamanyak rin yung adik na yun. What if nabuntis talaga ako ni Nyan at may nangyari samin? Paano kung mayroon ng nabuong fetus dito sa tyan ko? What if.... What if... What if....
Argh. Napahawak ako sa ulo ko. Pinipilit kong alalahanin ang mga nangyari noong nakaraang gabi. Bakit ba wala akong maalala?
Mabilis akong kumain. Pandesal lang saka gatas. Nagtaka rin sakin si mama kung bakit nakaayos ako ngayon. Simpleng skirt lang saka off shoulder tapos sneakers. Nagpaalam na ako kay mama.
Mabilis akong nakapunta doon sa coffee shop. Pagdating ko doon ay nakita ko si Nyan na nakapolo at maong pants. Simple lang ang damit niya pero ang hot niya pa rin tignan. Hindi maiwasan ng mga waitress doon na mapasulyap kay Nyan.
Fudge. Ang pogi naman ng kadate ko ngayon.
Whuuuut? Ano ba yang pinag iisip ko. Erase, erase, erase. This is not a date, Zayra. Eww. Ano ba yang kokote mo. Kung ano ano na ang pumapasok sa utak ko.
BINABASA MO ANG
My Sweet Suitor (Completed)
Teen Fiction(Tagalog) Zayra Mendez's heart was shattered after that break up. It was a puzzle and mystery for her knowing that her ex's cousin, Nyan Dela Vegas, is courting her! Zayra wants to stop the courtship and make her ex, Jeyz Delos Santos, fall in love...