Chapter 47

1K 13 3
                                    

Chapter 47

(Jeyz Delos Santos ' POV)

Kanina ko pa hinahanap si Almoneca, mukhang siya ang magiging acting president for now since Mike is ousted in his position. At isa pa, mukhang kick out na siya sa school.

Same as ma'am Yvonne, nawala na siya sa trabaho nya. Tanggal na siya bilang teacher. We can't blame them for what happened though. It's all part of life. Hindi maiiwasan naman ang mga ganyang bagay lalo na kung mahal niyo ang isat isa. I shook my head, kung hindi ngayon pumasok si Almoneca. Then who will sign the papers for the upcoming event of the school which is intramurals? Sino ang mag oorganize ng buong event?

The acting president must be here. Kung kailan kailangan siya, saka pa siya absent. Napatingin ako sa ibang members ng mga student Council.

Tinawagan ko siya. I dialled ger number, lumabas muna ako ng SC office saka Dumiretso sa likod ng building.

"H-hello?"

"Sht almoneca, nasaan ka na ba? You should be here inside the office right now! Nagkukumahog na kami kung ano ang gagawin, hindi ka na nga umattend ng meeting noong semestral break. Hindi ka pa pumapasok?! Vice president ka pa naman ng campus!" I just can't help it but to yell at her, nakakairita kasi siya. Napahaeak ako sa sentido ko at minasahe ko ito. Napabuntong hininga na lang ako to ease this stress.

" OK. OK, sorry Jeyz kasi ano eh.. Ahm.. Uhh... "

" Why are you stammering?! Akala mo bagay sayo? Tss, ill fetch you. Where the heck are you?" sinabi niya yung exact location niya, which is sa Greenwich daw sila ngayon at kumakain kasama ang mga friends niya. Pumunta ako sa parking area, Dumiretso sa car ko saka pumasok doon. I started the engine and drove fastly.

(Zayra Mendez's POV)

Kumakain kami ngayon sa cafeteria ni Nyan. Cheese burger lang ang in order ko since Di naman ako gaanong gutom. Napatingin lang siya sa akin ng nagtataka.

"Parang may problema ka?" pagtatanong niya, hindi ko maiwasang maalala ang mga nangyari kahapon. Yung litrato, yung bata doon, ang lakas ng kutob kong hindi ako yun. Napalunok ako saka kinagat ng malaki ang hawak hawak kong burger.

"Oh? Zayra, naririnig mo ba ako?" napangiti na lang ako kay Nyan. Busy siya kumain ng palabok niya.

"Oo naman, nga pala, kamusta na si Jeyz? Okay rin ba kayong dalawa?" halos mabulunan siya sa binanggit kong pangalan, inabot ko sa kanya ang mineral water na agad niya namang tinungga at ininom ito.

"Mukhang hindi kayo okay, sa reaksyon mo palang. Ano ba ang nangyari?"

"Zayra, ikaw muna. Mukhang hindi ka rin okay kanina pa. Ikaw muna ang mag kwento."

"Ano ba nyan, ikaw nga savi eh!"

"Ikaw muna Zayra, ang cute cute mo talaga mainis. Ikaw muna magkwentoooo!" kinurot niya ang pisngi ko. Tinitigan ko lang siya ng masama. Nakakainis talaga siya kahit kailan. Argh!

"Bahala ka, ayoko na nga magkwento." naiinis kong sabi, ngumiti lang siya sa akin.

"Ayoko rin magkwento, wala ako sa mood. Pero para kang palabok." napakunot na naman ang noo ko sa kanya.

"Bakit na naman, Nyan, yan na naman kakornihan mo eh. Pinapagana mo na naman." tumawa lang siya sa mukha kong iritang irita sa kanya.

"Kasi ang cute mo PALA mukha kang BOKbok. Hahahahaha" nainis ako sa kanya, idinip ko yung kamay ko sa catsup na sobra sa burger saka ipinahid ko sa ilong niya. Natigil siya sa pagtawa, now its my turn para tumawa ng tumawa sa mukha niya.

"Kamukha mo si Rudolf the red nose reindeer! Hahahaha." tawa ako ng tawa, but before ako makatawa ng malakas, hinawakan niya ang chin ko, bigla niyang hinila ako palapit sa kanya, ang lapit ng mukha namin sa isat isa. I could smell his breathe. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nakatitig siya sa akin, sa mga mata ko. Natigilan ako sa ginawa niyang iyon.

"Nyan, nag toothbrush ka ba?" pagtatanong ko pabalik, binitiwan niya ako saka inamoy ang sarili niya. Natawa na lang ako sa mga nangyayari.

"H-hindi, sorry eh." tawa ako ng tawa sa kanya pero wala na akong pakialam. Lumapit ako sa kanya and I gave him a quick smack kiss.

"wag ka mag alala, kahit anong amoy ng bibig mo, mahal pa rin kita." kinindatan ko siya, gusto kong matawa sa reaksyon niya na hindi ko alam kung kikiligin ba sa sinabi ko o magagalit. Nakatingin lang siya sa akin habang namumula ang mga tenga niya.

(Jeyz Delos Santos' POV)

Nandito na ako sa harap ng Greenwich, crap! Nasaan na ba ang almoneca na iyon? Huwag naman sana siya magpa VIP dahil sinundo ko na nga siya eh. Nandito na nga ako sa labas!

Kanina ko pa siya tinext na nasa parking lot ako, sinabihan ko na rin siya na dito na lang siya pumunta. Ayoko na pumasok pa sa loob ng Greenwich. After 15 minutes of waiting, nabigla ako noong bumukas ang pinto sa passengers seat.

"Sorry. Sorry sa paghihintay. Nag order pa ako para sayo. Baka kasi gutom ka na, heto pala oh. Pizza." napakurap ako sa mga nakikita ko. Nakaawang ang bibig ko sa pagkabigla, bakit concern siya sa akin? At isa pa, bakit parang nag iba siya ngayon ng hairstyle?

" Uhmm Jeyz? OK ka lang? " umiwas ako ng tingin, Napatingin ako sa labas ng kotse.

" Ang tagal mo, kanina pa ako naghihintay." malamig kong samvit, I started the engine atsaka umalis na kami.

"Sorry naman, pero Jeyz... What do you think of me? I mean, okay lang ba yung bago kong hairstyle?" Napatingin ako sa kanya, tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa tapos ngumisi ako sa kanya.

"ang tingin ko sayo?" tumitig siya sa akin, napakurap ako noong hindi ko namalayang napatitig na rin ako sa kanya. Crap Jeyz! Anong nangyayari sayo?

"Ang tingin ko sayo ay.." napalunok ako.

"Ay... Mukha ka pa ring matandang lousy nerd na mukhang pathetic. Nothing changed, Almoneca. Nothing. You're just still the same." napaiwas siya ng tingin habang nagmamaneho ako ng kotse ko. Hindi na siya umimik. Kung kanina, naka ngiti siya, ngayon ay parang nalungkot siya.

I heard her sigh.

" Tama ka, sabi ko na nga ba. Hindi pa rin ako nagbago. Ako pa rin ito, si Almoneca na mukhang nerd, pathetic, na sobrang lousy manamit at walang pakialam sa sarili kung ano na ang itsura niya. Tama ka Jeyz, wala ngang nagbago sa akin. I guess... I should stop trying to change myself. Kasi kahit anong gawin ko, ito pa rin ako. Ganito pa rin itsura ko. " narinig ko ang mahinang paghikbi niya habang nasa tabi ko siya, hindi ko magawang tumingin sa kanya. I smirked sheepishly. Nahihiya ako sa mga sinabi ko. Alam kong mali, pero sinabi ko pa rin. Ang ayoko sa lahat, paiyakin ang mga babae.

Si Zayra lang ang gusto kong paiyakin, besides, ipagpapatuloy ko yung plano ko na sirain sila ni Nyan. I want to see her suffer. Galit pa rin ako sa kanya hanggang ngayon.

Nag drive na lang ako, wala akong pakialam kay Almoneca ngayon na umiyak sa tabi ko. Noong nasa University na kami ay agad kong pinark ang kotse. Dali dealing tinanggal no Almoneca ang seat belt saka tumakbo paalis. Pero mabilis din akong lumabas sa kotse.

"ALMONECA!" sigaw ko sa kanya, napatigil siya sa pagtakvo. Hinarap niya ako with a big smile on her face. Kahit na may luha ang mga mata niya ay pinawi niya agad ito saka ngumiti sa akin. Pinilit niyang maging masaya sa harapan ko.

"Jeyz, thanks for franking me. At least alam ko na ngayon na hindi ko nga deserve magpaganda, I'm nothing but a nerd and lousy pathetic. Thank you sa pagpaparealize mo sa akin nun ha?" nginitian niya ako, then she continued.

"Yung pizza nga pala, iniwan ko doon sa car mo. M-mauna na ako.."

Hindi ko alam kung bakit may nag urge sa akin na hawakan ang braso niya. Napatigil siya sa paglalakad, napahinga ako ng malalim. Naawa ako sa kanya somehow. Parang gusto kong mag sorry pero masyadong mataas ang pride ko para gawin iyon.

Her tears stains her face. Mamula mula na ang mata niya sa kakaiyak. Ngumiti lang siya sa akin kahit na may luha ang mga mata niya. Umiwas na lang ako ng tingin.

Sht Jeyz, what the heck are you doing? Bat ko siya pinigilan sa paglalakad.

"Don't change. I like you the way you are." noong nasabi ko iyon ng hindi tumitingin sa kanya ay napatalikod ako. Binitiwan ko na siya. Ayoko na makita pa ang reaksyon niya.

To be continued...

Hi guys. Salamat sa mga nag aabang pa rin nito kahit pasukan na. Sa August pa pasukan namin eh. Haaist. Xoxo, MissShyPatheticLoser ❤️

My Sweet Suitor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon