Chapter 7

2K 31 1
                                    

Chapter 7

(Zayra Mendez's POV)

"Hahahaha!" ang lakas ng tawa ko. Tapos na ang game. And guess what? TALO SILA NYAN! HAHAHAHA.




Meaning hindi matutuloy ang date! Wahahaha!

"Lawak ng ngiti mo ah..." sabi niya, naglalakad kami ngayon sa buong University, chine check namin yung mga booths. Gusto kasi namin tignan kung ano ano ba ang mga pakulo ng mga estudyabte ngayong University fair.




"Syempre, kasi hindi tayo magdedate hahaha!" sobrang saya ko lang, kasi ang bobo netong kasama ko. Adik eh, mangangako na lang, hindi pa nangyari! Hahahaha




Buti na lang talaga at binunggo siya ni Jeyz at naapakan niya pa ang salamin niya. Salamat Jeyz dahil ginawa mo yun. I lab you muah muah.



" Bili tayo pizza. Gutom nako. "bumili kami ng pizza saka agad namin itong kinain. Humingi ako ng hot sauce dahil mahilig ako sa maanghang.


" Wews. Grabeng hot sauce yan. "kinagat ko ng malaki ang pizza ko saka bumili na rin kami ng coke float sa isang tindahan. Habang kumakain ay nagkekwentuhan kami at ang ingay ng unggoy nato dahil kung saan saan na napupunta ang usapan namin.




" Baka gusto mong pag usapan din natin ang buhay ng mga alaga niyong hayop?" nakakairita lang, ang ingay niya tapos mang aasar na siya.


Hindi ko alam na ganito pala siya kaingay at kulit.


"Ayoko. Gusto ko pag usapan natin yung future natin. Ilang anak ba ang gusto mo? San mo ba gustong ikasal? San mo ba gusto mag honeymoon?" napasimangot ako saka hinagis ko yung hot sauce sa knya. Pasalamat siya at mabilis siyang nakaiwas.


"Ang gusto ko, ikasal kami ni Jeyz. Magkaanak kami ng labingdalawa, tapos gusto ko tumira sa probinsya. Para tahimik ang buhay namin ni Jeyz! Ayoko sayo! Ayoko!" tawa lng siya ng tawa. Ngumisi siya sa akin saka umiling iling.



"Naku, may jowa na si insan. Kilala mo si Almoneca? Jowa yun ni insan." tumigil ang mundo ko noong sabihin niya iyon. Totoo kaya yun? Hindi ako naniwala sa kanya.


Ngumiti na lang ako sa kanya.


Kanina habang naglalaro sila, pansin kong tingin ng tingin si Nyan kay Almoneca....


Eh kung asarin ko kaya itong Nyan nato?!


" Talaga? Eh lumuluwa nga ang mata mo pag nakikita si Almo----" bigla niyang tinakpan ang bibig ko. Nagpumiglas ako pero malakas siya at hindi ako nakawala sa mga bisig niya.



"Uy Nyan, hi Zayra!" saktong dumaan sa tabi namin si Almoneca. Hindi pa rin ako binibitiwan ni Nyan. Naka ngiti lang samin si Almoneca saka nakipagkwentuhan saglit.



"mmm nuba Nyan mmmm" hindi ako makapagsalita dahil nakatakip pa rin ang kamay ni Nyan sa bibig ko habang yakap yakap niya ako. Nasa likuran ko kasi siya.



"ahm sige, mauna nako. Mukhang nagdedate pa kayong dalawa." nauna na siyang umalis. Binitawan na rin ako ni Nyan sa wakas.



"Ano yun? Bat mo tinakpan bibig ko? Ibig sabihin may gusto ka talaga sa kanya! Kasi apektado ka!" nang iinis Kong sabi sa kanya. Hindi siya nakapagsalita sa mga sinabi ko. Mukha ngang ako ang nanalo ngayon sa pang aasar sa kanya. Wahaha!



"Ingay mo, hindi ko siya gusto. Ikaw nga ang gusto ko eh. Pano mo nasabing siya ang gusto ko eh nasa harapan ko yung taong palaging nagpapasaya sakin at bumubuo ng araw ko." bigla akong dumistansya sa kanya.




"oh ayan, tindahan na yung kaharap mo at hindi na ako! Bobo!" nagtawanan lang kami. Parang adik itong unggoy natong Nyan nato.



But somehow, ramdam kong onti onti ko ng nakakalimutan si Jeyz ng dahil sa kanya....



Hinila niya ako paalis doon. Pumasok kami sa kotse niya at nag drive siya. Bago niya paandarin ang makina ay hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.



"Nyan, ano ba. Wag moko hawakan."

"Saglit lang Ito. Natatakot kasi ako na baka bumangga tayo, at least kapag hawak hawak ko kamay mo. Kampante nako kahit na mamatay man ako ngayon mismo."


"Nyan, wag..." Nabigla ako ng ipaharurot niya ng takbo ang kotse niya. Yung isang kamay niya ay nakahawak ng mahigpit sa isang kamay ko.



"NYANNNN!!!" sigaw ko, ampupu naman kasi eh. Wala siyang salamin, di niya gaanong maaninag ang dinadaanan. Nababaliw na talaga ang gagung to!



Nakapark na rin kmi sa may pinakamalapit na mall. Hinihingal ako noong makapark kami ng safe. Damn. Itong unggoy nato talaga!


Balak niya ring patayin ako!


"Bat dito nga pala tayo?"

"Samahan mo lang ako na bumili ng eyeglasses ko." hindi nako umangal pa, mabuti na lang at bibili kami ngayon ng salamin niya na sakto sa grado ng mata niya. Papalag pa ba ako? Kung Di siya bibili ng salamin, baka totohanin niya ng ibunggo ang sasakyan sa poste!


Binuksan ko na yung pinto ng kotse. Hindi ako makababa dahil hawak hawak niya pa rin ang kamay ko.


"oh? Hanggang kailan mo balak hawakan kamay ko?" pagtataray ko sa kanya, Tumawa lang siya saka ngumiti ng malawak.



"Hanggang kailan ko balak hawakan? 🎶Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan, Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman, Hanggang sa matapos ang magpakailanpaman🎶" matapos niya kumanta ay tumawa siya.


Lakas ni Nyan makadecember Avenue. Haaays.


"Diba mahilig ka sa donut?" napatingin ako sa kanya. Tumango ako. Paborito ko ang donuts!

"oo! Libre mo?"



"Yup, Libre ko lahat ng mga gusto mong kainin sa mall. Pero sa isang kundisyon..." napakunot ang noo ko sa iniisip niya. Ano kaya ang laman ng utak niya?


"Sige, ano?"



"Habang nasa loob ng mall tayo, kelangan hawak hawak ko ang kamay mo." lumuwa ang mata ko sa pagkindat ng unggoy natong Nyan. Natawa na lang ako saka umiling iling.



"Mangarap ka, Nyan. May kamay ka naman, hawakan mo sarili mong kamay. At isa pa, hindi ko kailangan ng Libre mo dahil may pera ako.." kinapa kapa ko yung wallet sa bag ko pero wala ang wallet ko. Kinapa ko ang bulsa ko pero wala rin ang wallet ko.



Teka...


Napatingin ako sa kamay ni Nyan, hawak hawak niya ang wallet ko.


" paano napunta sayo yan? Uy ibalik mo yan! "



" Nakuha ko Ito kanina noong tinakpan ko ang bibig mo. Di mo namalayan na pasimple kong kinuha ang wallet mo noong nakayakap ako sayo mula sa likod." ngumiti lang siya ng malawak. Naiinis naman akong napatingin sa kanya. Wala rin naman akong pera kung aalisan ko siya.


Wala akong pera, walang pamasahe, walang pambili ng pagkain.



" Ibalik mo yan Nyan!!! "sigaw ko, pero tawa lang siya ng tawa. Nagsisigawan kami sa loob ng kotse. Nakakainis na kasi siya. Hindi ko makuha sa kamay niya ang wallet ko dahil mabilis niya itong iniiwas sa akin.


" So ano? " nakangisi siya sakin habang winawagayway niya ang wallet ko sa ere.





"oo na, sige na lang, basta libre mo lahat ng kakainin ko ah!" naiinis kong sabi sa kanya. Bumaba na kami sa kotse saka pumasok na sa mall....

MissShyPatheticLoser's note: Meow. May bago kaming pusa. Skl. Blue eyes. Pure white fur. 💩💩💩

My Sweet Suitor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon