Chapter 43
Dont worry guys. Malapit na tayo matapos. Isusurprise ko na lang kayo kung Epilogue at end na pala siya. Haha xoxo, MissShyPatheticLoser ❤️
(Zayra Mendez's POV)
Nandito kaming lahat ngayon sa pool. Napaka warm ng tubig, ang ganda ng mga underwater lights ng swimming pool. Sobrang haba at laki ng pool na Ito.
Nakakapagtaka lang, sobrang Close na nila Zoe at Almoneca sa isat isa. They're happy together specially kapag kasama sina Frannie at Veronica, it's like matagal na silang apat na magkakaibigan. Nagtatawanan sila sa isang sulok ng pool habang ako ay nasa medyo may kalayuan sa kanila. Nakaupo lang ako sa side ng pool. I'm wearing my black and daring swim suit. Fit na fit ito sa akin, kitang kita ang kurba ng maganda kong pangangatawan.
To be honest, wala ako sa mood makipagchikahan. I feel like sleeping, parang inaantok ata ako. I yawned, it's already 2 am in the morning and here we are, nagnanight swimming with them.
Sinipa sipa ko ang paa ko sa tubig ng pool. Ang ganda talaga ng mga ilaw sa ilalim ng pool.
"Psst..." I looked back noong may sumitsit sakin. Nakita ko si Nyan na biglang umupo sa tabi ko. Nakashorts lang siya, half naked. Ang ganda pagmasdan ng napakaganda niyang katawan. Wala akong masabi sa abs niya na nakabalandra ngayon sa harapan ko.
"Bat Di ka nakikisali sa kanila?" he asked, tumingala na lang ako saka tumingin sa mga stars. Ang ganda nila. Sobrang dami ata nila ngayon.
"W-wala. Parang inaantok ako." malambing kong sabi tapos bigla kong ipinatong ang ulo ko sa balikat niya. Napangiti na lang ako, hindi naman siguro masama kung ako ang gagawa ng move ngayon diba?
Ipinatong niya yung kamay niya sa kamay ko. Nakatukod kasi ang kamay ko sa tiles na kinauupuan ko. Napaangat ang tingin ko sa kanya.
"Zayra, hindi pa kita kilala. Sa tinagal tagal na nating magkasama, hindi ko pa alam ang tungkol sa family mo." malambing niyang sabi. Muli kong ipinatong ang ulo ko sa may balikat niya. Nabigla na lang ako noong ipulupot niya ang kanang kamay niya sa may bewang ko.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. And I loved it. Gustong gusto ko yung pakiramdam na kinikilig ako kay Nyan. Gustong gusto ko yung pakiramdam na may spark akong nararanmdaman sa kanya. Gustong gusto ko ito.
"Nyan, si mama na lang ang mayroon ako. Namatay na si dad noong maliit palang ako."
"I'm sorry, Zayra."
"Hindi, ok lang. Saka simula nun, naging mas strong kami ni mama. Pero alam mo ba nyan, parang may sekretong tinatago sakin si mama."
"Huh? Paano mo naman nasabi?"
"Kasi parang may kakaiba sa kanya. Parang hindi lang ako yung nag iisang mahal niya, parang may iba pa siyang mahal. Noon kasi, when I was little, Ilang beses kong nakikita na umiiyak si mama at may binabanggit siyang pangalan ng lalake." nabigla ako noong hilahin ako ni Nyan palapit sa kanya I could smell his scent. Napahawak ako sa dibdib niya, ang tigas ng abs niya. Napapikit na lang ako. Nakapulupot ang mga braso niya sa akin.
" Zayra, pwede bang wag ka na mag kwento ng buhay mo? Alam ko kasing nasasaktan ka, ma's lalo lang akong nasasaktan sa tuwibg nakikita kitang nasasaktan." I just let this moment, ang sarap sa pakiramdam. Kapag nasa braso ka ng taong mahal mo. Kapag alam mong siya na nga yung taong matagal mo ng hinihintay. Ang sarap sa pakiramdam.
" Salamat Nyan. "
" Zayra, halos magkaparehas pala tayo. My mom died last year because of stage 4 cancer, si dad na lang ang kasangga ko sa buhay. Pero masaya ako kay daddy, kasama si insan sa bahay. We're satisfied and contented with each other. Wala nakong mahihiling pa. " bulong niya sa akin habang yakap yakap niya ako sa mga braso niya.
BINABASA MO ANG
My Sweet Suitor (Completed)
Teen Fiction(Tagalog) Zayra Mendez's heart was shattered after that break up. It was a puzzle and mystery for her knowing that her ex's cousin, Nyan Dela Vegas, is courting her! Zayra wants to stop the courtship and make her ex, Jeyz Delos Santos, fall in love...