Chapter 9
(Jeyz Delos Santos ' POV)
Nandito ako ngayon sa loob ng student Council. May mga papers pa kaming inaayos. Successful na natapos ang University fair ngayong araw. Napatingin ako kay Almoneca na busy sa mga ginagawa niya.
"Hindi ka pa uuwi?" I asked her, uuwi na ako dahil medyo gabi na rin. Napatingin siya sakin saglit saka napa unat ng konti.
"Bat ginawa mo yun kay Nyan?" nabigla ako sa sinabi niya. Halata bang sinadya ko ang pagkakabunggo kay Nyan kanina sa basketball court? I just laughed and then smiled innocently.
"Hindi ko sinadyang bungguin siya, aalis nako.." tinalikuran ko na siya. Inaamin kong sinadya ko, I'm still confused, gusto kong iwasan si Zayra at itigil na ang pagmamahal ko sa kanya dahil kapatid ko siya...
Pero mahal na mahal ko pa rin siya...
At Inaamin ko na hanggang ngayon ay nagseselos ako sa kanila ni Nyan...
Kahit na ako mismo ang nangusap kay Nyan na ligawan si Zayra para makalimutan ako....
"Do you still love Zayra? Are you jealous?" napatikhim ako noong sabihin niya iyon. Itong babaeng Ito talaga!
Alam na alam ng iba na naging ex ko si Zayra. Pero hindi ko ineexpect na malalaman nitong Almoneca na ito na nagseselos ako.
Napangiti na lang ako sa kanya.
" I'm not, I already moved on. Wag mo ng bigyan pa ng kahulugan ang pagbangga ko kay Nyan kanina." her eyebrows raised. Napacross arms siya.
"So you're admitting that you really intended to do that thing during the game." napailing ako sa babaeng Ito. I calmly sat beside her, kaya pala wala pa siyang nagiging boyfriend dahil ganito ang ugali niya. Argh!
"Almoneca, mauna nako." binigyan ko ng diin ang mga sinabi ko na para bang naiinis ako. Ngumisi lang siya sakin saka tumitig.
"If you have problems, nandito lang ako. Handa akong makinig, don't hesitate to call me or to meet me.." umalis na ako habang iniisip ang mga sinabi niya....
Gusto kong sabihin kay Zayra na magkapatid kami. Syempre dahil gusto ko ring makita ang nanay ko. Pero sa ngayon, gusto ko pang pag isipan ang lahat.
Kapag inamin ko sa kanya ang katotohanan, masisira ang pag iibigan namin. I'm still planning to make Zayra mine again...
Pero hindi pa ngayon, mag iipon pa ako ng lakas ng loob na balikan ulit siya...
Malapit na..
(Zayra Mendez's POV)
Nakakainis! Ang bobo ko, hindi lang ito first time na nangyari sa akin. Nung una, sa kotse, yung hinatid niya ako papasok sa school, tapos yung sunflower then ngayon itong date!
Ako talaga ang totoong bobo. Haaays.
"Oh ano pagod ka na maglaro?" enjoy na enjoy siya sa drum mania at kanina pa siya pokpok ng pok pok dyan sa mga drums. Haaays. Nakakainis ang lalakeng ito.
"Sige kain muna tayo tapos uwi na tayo." mabuti naman at naisipan niya ng tumigil. Nung sinabi niyang date Ito ay nakasimangot na ako the whole time. Ang tangeks ko kasi. Nakakainis ako!
Arghhhhh.
"San mo gusto kumain?"
"Sa Korean restaurant!!" masaya kong sabi, pumasok kami sa isang Korean restaurant saka nag order ng chapchae at jjampong. Masaya lang talaga ako ngayon kasi sagot niya lahat ng gastos! Nyehehehehe.
Habang naghihintay ay mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko habang nakaupo kami doon. Tinititigan niya ang kamay ko tapos tumingin siya sa mga mata ko.
"Balang araw, kapag kinasal tayo hahawakan ko rin ulit ang kamay mo. Tapos kapag magdate tayo ulit, hahawakan ko ulit ang mga kamay mo...." nag arte akong nasusuka sa harapan niya. Nakakadirsdirs lang ang mga pinagsasabi ng Nyan nato eh.
"Ano ba Nyan, nakakadiri mga pinagsasabi mo... Bat mo pa hahawakan kamay ko eh may kamay ka naman"
"Syempre gusto ko hawakan ang kamay mo kasi proud ako na ikaw ang naging girlfriend ko..." nagpuppy eyes pa siya sa harapan ko. Nagmakeface lang ako at pinapanget ko ang mukha ko para ma discourage siya sakin. Nagkunwaring duling ako.
Tumawa lang siya, tapos ang adik eh nakigaya. Nagduling dulingan lang siya. Antagal niya itong ginawa kaya naman tawa ako ng tawa.
" Tama na Nyan hahaha baka matuluyan ka."
Napatigil siya sa pagduling dulingan at tinitigan ako.
"Oo Zayra, matutuluyan talaga akong mahulog sayo. Gusto ko rin kasi na magkatuluyan tayo..." pacool niyang sabi saka kinindatan ako. Medyo napangiti ako sa sinabi niya.
"Woaaah!! Ngumiti si Zayra sa banat ko! Yes! Yes!" masaya niyang sabi, tumawa na ako ng malakas sa mga pinagsasabi niya.
"Bobo ka Nyan, sabi ko baka matuluyan kang maduling. Adik ka rin eh no?" dumating na ang order naming chap chae at jjampong. Kumain agad ako ng jjampong. Tutal siya naman ang magbabayad.
Habang kumakain ako ay bigla siyang nagsalita.
"Subuan kita Zayra, say ahhh." napasimangot ako saka hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy ako sa pagkain ko.
"Grabe ang snob mo naman, Zayra. Haaays." buti naman at tumigil na itong lalakeng ito. Nagpatuloy na lang din siya sa pagkain. Maya maya pa ay binigyan niya ako ng sili.
"Diba mahilig ka sa maanghang?" tumango na lang ako. Nilagyan ko ng sili ang jampong ko saka masayang kinain Ito.
Naramdaman kong nasobrahan sa anghang ang pagkain ko. Binigyan niya ako ng tubig.
"Baka mabulunan ka. Oh tubig. Hinay Hinay lang sa pagkain, Zayra." kinuha ko yung tubig. Sobrang anghang ng jjampong kaya ininuman ko ng maraming tubig. Nagpatuloy ako sa pagkain.
Nakangiti lang siya sa akin ng malawak, parang may pinaplano na naman na hindi ko gusto....
" Oh? Bakit nakangisi ka sakin? " mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa kamay ko. Napatigil ako sa pagkain noong maramdaman kong naiihi na ako.
Shaks, naihi ako sa tubig na ininom ko kanina!
"Nyan, pwede bang bitiwan mo muna ako? Magjijingle lang ako. Please lang." nagpipigil na sabi ko. Pero mas ngumiti siya saka hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Ramdam ko ang kayabangan niya noong tinitigan niya ako....
"sige, bibitiwan kita pero kakainin mo yung isusubo ko sayo."
Nabigla ako sa sinabi niya, kaya pala binigyan niya ako ng maraming sili para uminom ako ng maraming tubig at para jumingle ako? Sh*t Nyan, kainis ka na talaga....
F*ck, nagawa niya na naman ang gusto niya. Nanalo na naman siya, pang apat niya ng ginawa ito sakin. Nakakaasar.
Tawa siya ng tawa sa nakabusangot kong mukha...
"Say ahh baby Zayra, here comes the airplane."
Grabe ko kagalante nuh? 10 chaps ang ging UD ko ngayon haha! Eh kasi naman, nakatambak ito sa notepad ko nung nakaraang linggo pa. Haaays. Xoxo, MissShyPatheticLoser
BINABASA MO ANG
My Sweet Suitor (Completed)
Teen Fiction(Tagalog) Zayra Mendez's heart was shattered after that break up. It was a puzzle and mystery for her knowing that her ex's cousin, Nyan Dela Vegas, is courting her! Zayra wants to stop the courtship and make her ex, Jeyz Delos Santos, fall in love...