Chapter 10
(Zayra Mendez's POV)
Inuwi na ako ni Nyan sa bahay matapos ibalik sakin ang wallet ko. Puno ng asaran at gaguhan ang nangyari kanina sa mall at kotse. Naku, nakakainis talaga at ayoko na maalala pa ang lahat ng mga kaganapan.
"Anak, sino yung lalakeng naghatid sayo?" masayang sabi ni mama. Napangiti lang ako saka ibinalik ang tanong sa kanya.
"Ma,sino yung lalakeng nagbigay sayo ng chocolates?" biglq niyang tinago sa likuran niya ang mga chocolates. Napangiti lang siya saka umiling.
"Nak, kung sakaling magkaroon ka ng bagong tatay, OK lang ba sayo?" Napangiti ako ng malawak sa tanong niya na iyon. Tumango tango pa ako kay mama.
Matagal ng patay si papa kaya naman sa tingin ko, oras na para magkalovelife ulit si mama.
"Oo naman ma, suportado kita. Basta dapat gwapo at mayaman ang sasagutin mong manliligaw ah?"
"Hahahaha OK anak, basta ipakilala mo sakin yung lalakeng palaging humahatid sundo sayo ha?" napatigil ako sa pagtawa noong sabihin niya iyon. Wala akong balak na ipakilala si Nyan kay mama dahil hindi ko naman siya sasagutin.
Ases, yun pa? ANG korni kaya ng Nyan nayun. Ka eww eh.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil ngayon malalaman ang results ng exam. Masaya lang talaga ako ngayong araw na Ito.
Pansin ko na onti onti ko ng nakakalimutan si Jeyz ng dahil kay Nyan.
"Pasok nako, ma" paalam ko sa kaniya saka lumabas na ako sa Gate namin. Paglabas ko ng gate namin ay nagulat ako sa nakita ko.
Si Nyan kasi nakasakay sa bisekleta. Ano na naman kaya ang trip nitong unggoy nato? Ngumisi pa siya sakin saka pasimpleng inayos ang eyeglasses sa mata niya.
"Lika na?" pagtatanong niya, aayaw pa ba ako? Baka I blackmail na naman ako ng lalakeng Ito kagaya na lang ng pambablackmail niya sakin noong nakaraan araw. Nakakairita.
Baka hindi lang umabot sa pambablackmail kundi I death threat niya nako pag hindi ako sumabay sa kanya.
"may choice pa ba ako?" pagtataray ko sa kanya. Sumakay ako sa likuran niya. Ang bilis niya magpedal. Ramdam ko yung malakas at malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa mukha ko.
"Yakapin mo naman ako!" sigaw niya habang mas binibilisan ang pagpadyak ng bisekleta. Napasimangot ako saka hinampas ko yung likuran niya.
"Mangarap ka Nyan!" sigaw ko rin sa kanya. Tumawa lang siya ng mahina saka agad na binilisan ng sobra ang pagpadyak. Lalo na sa pababang bahagi ng daanan, ma's dumoble ang bilis ng bisekleta na sinasakyan namin. Buti na lang wala pang gaanong mga tao....
At least wala kaming masasagasaang tao kung sakali.
"Ahhh! Bagalan mo lang Nyan! Papatayin mo ba ako? Una sa kotse tapos ngayon naman sa bike? Gagu ka ba?!" sigaw ko, totoo naman eh. Kahapon sa kotse, nag drive siya ng walang salamin sa mata tapos pinabilisan niya pa ang pagdrive na halos himatayin nako.
Tapos ngayon naman? Gagu talaga itong lalakeng ito.
" Kung may balak ka magpakamatay, wag moko idamay! Magpakamatay ka mag isa mo! Aaahh!" sigaw ko, tawa lang siya ng tawa. Para talagang timang ang lalake nato eh. Kung kailan naiinis nako, saka pa siya tatawa ng tatawa. Parang adik!
"YAKAPIN MO MUNA AKO!" sigaw niya. Eww, naririnig niya ba ang mga pinagsasabi niya?
"BWISIT ka! Dapat talaga hindi nako sumakay pa sa bike mo! Itigil mo to maglalakad na lang ako!"
"Ayoko! Yakapin mo muna ako for 15 minutes!"
"Whuuut? At talagang nag demand ka pang hayop ka?!" nakangiti ako noong makita kong malapit na kami sa harapan ng University. Hahaha, makakaalis na rin ako sa bike ng gagong ito.
Akala ko hihinto na siya sa harap ng university pero bigla niyang niliko ang bisekleta. Mas binilisan niya ang pagpedal kaya nakalayo na kami sa University.
"Bat niliko mo? Itigil mo na nga ito Nyan! Maglalakad na lang ako! Ang layo na natin sa University!!" naiinis kong sigaw, parang timang ang unggoy dahil tawa lang siya ng tawa. Hinampas ko ang likod niya dahil nabibwisit nako sa ugali niya.
"Yakapin mo muna ako para makabalik na tayo sa University!"
"Paano kung ayoko? Sumusubra ka na! Kung ano ang gusto mo palaging nasusunod! Nakakainis ka na, Nyan!" sigaw ko sa kanya, mas lalo lang siya nagbike at hindi niya ako inintindi. Mas nakalayo na kami sa University. Naiinis ako sa Nyan nato, kung pwede lang tumalon kanina ko pa ginawa. Pero sadyang mabilis siya magpedal at hindi ako makatalon. Delikado kasi.
Hihintayin ko na lang na mapagod siya...
Hahaha! Tama! Tama! Kapag napagod siya, saka ako tatalon at maghahanap ng sasakyan at uuwi na.
"Kailan ka mapapagod?" pagtatanong ko sa kanya. Hanggang sa binagalan niya na ang pagpedal. Hindi ko alam kung nasaan na kami. Puro na lang kakahuyan ang paligid. Agad akong tumalon atsaka tumakbo na.
Adik ka. Natakasan din kita. Wahahaha.
"Teka.." habang tumatakbo ako ay nararamdaman ko ang nostalgia. Puno ng sunflower ang buong lugar na nadadaanan ko. Bakit dito niya ako sa sunflower farm dinala? Napasimangot ako noong maramdaman Kong malapit na akong mag break down.
Bago kami mag break ni Jeyz, nangako siya sakin na dadalhin niya ako dito sa sunflower farm. Pero hindi nayun nangyari dahil nga, nakipaghiwalay na siya sakin.
Muling bumalik lahat ng mga memories namin. Natatakot ako, Natatakot ako na balikan ang past ko kasi alam kong iiyak na naman ako.
"Ok ka lang?" concern ang bosses niya noong sinabi niya iyon. Nasa gilid ko na pala siya, Di ko man lang naramdaman. Pinagmasdan ko lang ang buong paligid.
"Gago ka talaga kahit kailan, sinadya mo ang lahat no?" natatawa siyang tumango na lang. Hinampas ko ng mahina ang braso niya. Gusto Kong magalit sa kanya pero di ko magawa dahil nga ramdam Kong tutulo ang mga luha ko.
"Alam mo, kung gusto mong umiyak. Pwede namang umiyak ka sakin. Wala naman akong pakialam kung mabasa mo ng luha ang uniform ko." nakangiti niyang sabi, kanina pa pala labas ng labas ang mga luha ko. Iyak ako ng Iyak, simula kasi nung nagbreak kami ng pinsan niya ay hindi ako gaanong umiyak. Nakangiti lang ako lagi nun, pinipilit ko yung sarili ko na maging masaya.
" N-nyan... "bulong ko sa pangalan niya habang ngawa ako ng ngawa. Tuloy tuloy sa pag agos ang mga luha na dapat ay noon ko pa inilabas. Niyakap niya ako saka hinayaan akong umiyak sa dibdib niya. Hindi siya nagreklamo kung basang basa na ang uniform niya ng mga luha ko.
Noong okay na ang pakiramdam ko ay nagsalita na ako habang yakap yakap niya pa rin ako...
"Ahmm.. Nyan?" nakayakap pa rin siya sa akin. Medyo na awkward-dan na ako sa mga nangyayari. Ramdam na ramdam niya kasing yakapin ako.
"Salamat sa pag comfort sakin, pwede ka ng lumayo. Ok nako..." mahinahon kong bulong sa kanya. Pero mas hinigpitan niya pa ang yakap sakin...
"Naiintindihan kita Zayra, pero sana intindihin mo rin na wala pa tayong 15 minutes." saka ko lang narealize kung ano na namang kagaguhan ang hinayaan kong mangyari......
BINABASA MO ANG
My Sweet Suitor (Completed)
Novela Juvenil(Tagalog) Zayra Mendez's heart was shattered after that break up. It was a puzzle and mystery for her knowing that her ex's cousin, Nyan Dela Vegas, is courting her! Zayra wants to stop the courtship and make her ex, Jeyz Delos Santos, fall in love...