Chapter 45
(Zayra Mendez's POV)
Kinabukasan, Maaga akong bumangon para makaready sa school. I did my morning rituals.
"Ma, pasok na po ako!" masaya kong sabi, kinawayan lang ako ni mama as a sign of goodbye. Pagkalabas ko sa Gate namin ay nabigla ako sa nakita ko.
May isang motor na nakaparada doon, nakaschool uniform siya at may hawak hawak siyang helmet na color pink while gazing at me. Naka ngiti siya sa akin habang nakasandal sa motor niya. His tantalizing eyes capture me the most. Nakakaakit pagmasdan.
"Hatid na kita?" ginantihan ko siya ng isang matamis na ngiti at tango. Lumapit ako sa kanya at isinuot niya sa akin ang helmet matapos niyang isuot ang helmet niya. Pagkatapos nun ay sumakay na kami sa motor niya, umangkas naman ako sa kanya.
"Zayra, pwede bang yakapin mo ako? Tulad ng dati noong nag bike tayo?" pang aasar ni Nyan, habang nasa likuran niya ako, napapangiti na lang ako. Niyakap ko siya ng mahigpit, dinama ko ang init ng katawan niya habang nakakapit ako sa kanya.
"Mabuti naman at hindi ka na nag iinarte pa! Hahahaha." tawa ng tawa si nyan, kung dati kasi ay halos pilitin niya pa ako kung yayakap ako sa kanya. Tulad noong dati na nag bike kami, halos nagmatigas pa ako sa kanya bago ko siya yakapin. Ang sarap balik balikan yung mga nangyari noon, parang ang bilis nga ng panahon eh.
Noong makarating kami sa University ay pinark niya ang motor niya. Bumaba na ako atsaka tinanggal ko yung helmet ko at binigay sa kanya. Sabay kaming naglakad papunta sa classroom. Kwentuhan, tawanan, asaran. Inaamin kong marami pa ring kababaihang napapatingin kay Nyan sa tuwing dadaan kami sa tabi nila, pero hindi na ako na iintimidate sa kagwapuhan ng katabi kong ito.
"Grabe yung scandal nuh?"
"Halos Ilang positions ba ang ginawa ni Mike at ma'am Yvonne?"
"Hahaha grabe ka naman girl," mayroong grupo ng mga kababaihan kaming nadaanan, kaka resume lang ng klase. Grabe na ang kwentuhan at chismis about doon sa nangyari noong Gala. Pero nakakapagtaka talaga kung sinuman ang nag play nun during Gala. Masaya sana ang Gala pero noong biglang nag appear sa malaking telon ang scandal, dun na nagkagulo ang lahat.
And up until now, hindi pa rin maiwasang pagkwentuhan ng mga estudyante ang mga kaganapan noon. Halos nakalimutan na nila ang issue patungkol sa magpinsan. Dahil na divert na ang atensyon ng mga estudyante sa sex scandal.
"Nyan, sino kaya yung nag play nung scandal noong Gala. Nakakapagtaka lang, for sure malaki ang galit niya kay Pres. Mike at Ma'am Yvonne." habang naglalakad sa hallway ay Di rin namin maiwasang pag usapan ang tungkol sa bagay na iyon. He smiled at me, held my hand, and intertwined our fingers with each other.
" Zayra, kung sinuman ang gumawa nun. Nagpapasalamat ako sa kanya kasi hindi na kami ang mainit na issue sa campus." ngumiti na lang ako sa kanya, hinatid niya ako sa classroom namin and he bid his goodbye. But before he left me, hinalikan niya ako sa noo ng matagal. Nanlaki lang ang mga mata ko. Kahit na matagal na kaming sweet sa isat isa, hindi ko pa rin maiwasang mabigla sa mga ginagawa niya sa akin.
"Bye, sabay tayo mag recess ha. Saka ihahatid pa kita pauwi." kinindatan niya ako saka tuluyan na siyang naglakad paalis. I can't explain how will I react. Mabuti na lang at walang mga kaklase ko ang nakakita ng ginawa niyang iyon.
(Almoneca Delion's POV)
" C-cutting classes?! "Hindi makapaniwalang tanong ko, hawak ni Veronica ang kamay ko at yung isang kamay ko naman ay hawak ni Frannie. Zoe is leading the way, and guess what? Nasa mall kami. Hindi ko alam kung bakit sinundo nila ako kaninang umaga para lang pumunta sa mall. Pinagkaisahan nila ako ngayon at ayoko ng ganito.
"Akala ko ba bestfriends na tayong apat? Eh bakit parang... Parang... Parang... May masama kayong gagawin sa akin." mukha kasing may binabalak ang tatlo na hindi ko gusto. Mag aalas otso palang ngayon, hindi pa nga bukas ang mall. Pero pinapasok kami ng guards ng mall, kinausap lang ito ni Zoe, pinapasok na kami kaagad. And here we are, nasa loob ng mall na kung saan sarado pa yung mga stall. I don't know what they're all planning pero ramdam kong masama ang plano nila.
Medyo madilim pa dito sa loob ng mall dahil nga nagsisimula palang magsidatingan ang mga staffs at nag aayos pa sila ng mga stall nila. Ganito pala sa loob ng mall, para akong prisoner na hindi pwedeng makatakas. Talagang mahigpit ang kamay nilang naka hawak sa akin, or should I say, nakakapit na sila sa braso ko.
"Girls! Let's do this!" masayang sabi ni Zoe, the next thing I knew was, pinilit nila akong pumasok sa isang salon. Noong nandoon na kami ay halos yumuko yung mga staffs kay Veronica. Ngumiti lang si Veronica sa akin ng nakakatakot, yung ngiti na may pinaplanong Di maganda.
" Good morning ma'am,"
"Hi po ma'am." bati ng Ilang staffs sa babaeng nasa tabi ko. Si Veronica? Wag niyo sabihin family niya ang may ari ng salon nato? Nanlaki lang ang mga mata ko. Wala pang customer, malamang, sarado pa ang mall. Pero hindi ako makapaniwalang sa kanila ito! Pwinersa nila akong umupo sa upuan habang naka harap ako sa salamin. Ngayon ko lang narealize na halos mukha na pala akong matanda sa ayos ko. Oversize uniform, mahabang palda, naka eye glasses, nakapony tail ang mahaba kong buhok, At napaka oily ng face ko. Ghaaaad, ito ba ang dahilan kung bat Di ako kailanman nagugustuhan ni Jeyz?
I looked below and diverted my stares to other. Parang bigla akong nawalan ng self confidence at bumaba ata ang self esteem ko.
"Pagandahin niyo siya ha, dapat magustuhan siya ni Jeyz. Kapag hindi niyo napaganda itong kaibigan ko nato, I'M GONNA FIRE YOU ALL!"
To be continued...
Paiksi ng Paiksi ata ang bawat UD ko ah. Magkakaroon na ako ng quota. Yup, kapag naka 4k tayo bago ako ulit magUD. Xoxo, MissShyPatheticLoser ❤️
BINABASA MO ANG
My Sweet Suitor (Completed)
Teen Fiction(Tagalog) Zayra Mendez's heart was shattered after that break up. It was a puzzle and mystery for her knowing that her ex's cousin, Nyan Dela Vegas, is courting her! Zayra wants to stop the courtship and make her ex, Jeyz Delos Santos, fall in love...