Chapter 20

1.4K 15 9
                                    

Chapter 20

(Nyan Dela Vegas' POV)

" Nyan, wag mo na ako ligawan pa da----"

"Hello?! ZAYRA?!" shit. Naputol ang linya. Naubos na ang pantawag ko. Napakagat ako sa labi ko saka napasuklay sa buhok ko gamit ang kamay ko.

I looked above, andaming stars at ang ganda ng buwan, and then I sighed. Napangisi ako ng kinikilig habang inaalala ang mga pangyayari kanina sa resto habang kasama si Almoneca.

Uuwi na nga ako. Wala na rin akong gagawin pa dito sa public park. Haaays...

(Almoneca Delion's POV)

Malapit na akong matapos. Busy ako sa pag encode noong kumatok si Jeyz na nasa loob ngayon ng banyo niya.

"Almoneca! Can you please get my towel?! Nasa loob ng closet, the blue one please!" sigaw niya, hindi naman ako nagdalawang isip pa kundi dumiretso agad sa closet niya. Kinuha ko doon ang blue na towel, I was about to close it noong matanaw ng mga mata ko ang mga pictures na nagkalat sa gilid ng closet. Kinuha ko ito, nabigla ako sa mga nakita ko.

They're all pictures of Zayra Mendez. Mayroong picture siya doon na hawak hawak niya ang sunflower. Meroong pictures na nasa Beach sila at masayang masaya. Mayroong pictures na nasa rooftop sila ng campus. Ang ganda ng pagcacacapture. Lahat ng photos ay Instagramable.

I can clearly see how they truly love each other. For 3 years ba naman, strong na ang bond nila sa isat isa. Napakaperfect nilang couple na dalawa.

Inaamin kong masakit sa part ko, I only know Jeyz from afar. Palagi akong nakabuntot sa kanya because I'm also a part of the student council. Pero hindi ko pa siya kilala, lalong lalo na ang buong pagkatao niya.

"Almoneca! Yung twalya!" he shouted, his husky voice echoed throughout the room. Agad akong lumapit doon. Binuksan niya ng maliit ang pintuan ng bathroom. Agad niyang kinuha sa kamay ko ang twalya.

Buti na lang hindi ko siya na kitang nakahubo't hubad. Bumalik ako sa ginagawa ko. I felt unease,specially noong nakita ko ang mga pictures nila ni Zayra.

Inaamin ko, nagseselos ako.

Pero ano ang karapatan ko? Wala namang kami and also, I only admire him secretly.

Somehow, a part of me is still wishing na sana.....

He also has eyes for me. He also has these kind of feelings for me. Sana gusto niya rin ako. Sana ako na lang. Sana...

Iniluwa ng bathroom ang isang mala adonis na lalake. Nakabihis na siya, hes wearing a summer shorts and a vneck shirt. He looks so hot and handsome. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya habang nakaharap ako sa laptop. Bakat na bakat ang magandang katawan ng lalakeng ito kahit naka shirt na siya.

"quit staring, finish your work!" he commanded with authority. Umupo siya sa gilid ng kama. Bumalik siya sa pagcecellphone, kahit anong encode ko ay hindi ko mapigilan ang pagsulyap sa kanya. His scent takes me to heaven. Amoy na amoy ko ang bango niya. If only I can wipe his hair for him. Busy siya sa pagpapatuyo ng buhok niya.

"After mo matapos iyan, umuwi ka na." I looked at my wrist watch, its already 9:26 PM. Naramdaman ko na rin ang pagkulo ng tyan ko. I gulped in hunger.

"Jeyz?" nabigla kami noong may pumasok sa kwarto. Nabigla rin ako, si tito arold lang pala iyon. Siya ang daddy ni Nyan.

Napakagwapo niya. Hindi halatang may edad na ang isang ito. No wonder nagmana sa kanya si Nyan. He looks smart and at the same time, charming.

"Hi po tito arold." I just said with respect. Ngumiti lang siya sa akin, pansin kong may hawak siyang isang tray na may teacups doon at cookies. Inilapag niya ito sa side table ni Jeyz. He looked at Jeyz saka hinablot ang cellphone nito.

My Sweet Suitor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon