Chapter 24
(Zayra Mendez's POV)
Hindi ako makapaniwala. Si Jeyz, yung ex ko na for almost Ilang buwan ay iniiwasan ako. Nandito ngayon sa harapan ko at hawak hawak niya pa ang kamao ko.
Hawak hawak niya yung kamay ko na isusuntok ko sana sa mga hayuff na grupo ng mga kalalakihang naninira sa kanila.
"Jeyz.." Di makapaniwalang sambit ko sa pangalan niya.
"Hayaan mo na lang sila. I can manage." ngumiti siya ng matamis. Bigla kong itinaas ang kamao ko at malakas ko siyang sinuntok.
"Aray ko! Bat ako ang sinuntok mo?!"
"Gago ka kase! Ikaw na nga ang pinaglalaban. Pero ikaw patong pabebe! Adik ka ba Jeyz?! Pasalamat ka pinagtatanggol ka pa ng ex mong maganda at dyosa!" sigaw ko sa kanya. Gusto ko maiyak. Nafefeel ko yung nostalgia. As in naaalala ko na naman yung mga pinagsamahan namin.
Hindi ko alam kung nakamove on nako sa kanya o hindi pa. Pero sa tuwing nakikita ko siya, ang lakas pa rin ng impact niya sa akin.
" At sino ang nagsabing dyosa ka? Tss. Come with me."
Hindi nako nakaimik pa. We headed outside the campus. Hawak hawak niya ang kamay ko habang hinihila niya ako kung saan. Ghad, parang noong junior high-school lang. Palagi kaming ganito. Palagi niyang hawak hawak ang kamay ko kahit saan kami magpunta. Laging naghaharutan at biruan kaming dalawa.
I really missed those times and memories. Kung pwede lang ulitin...
Nakamotor pala siya. Curious ako kung saan niya ako dadalhin but I did not mind it. I did not mind to ask him about those things. I just let him drag me wherever he wants me to go. Sumakay kami sa motor niya.
"Ako na magsusuot ng helmet mo," Hindi nako nagpabebe pa. I just let him to do that thing. Isinuot niya ang helmet na iyon sa akin. Parang noon lang, lagi kaming nagjojoyride kung saan. Tapos siya lagi yung nagsusuot sakin ng helmet.
Nag simula na siyang magdrive. Napakunot ang noo ko, ako yung naka helmet tapos siya na driver ay walang helmet. Adik din talaga itong ex ko nato.
"Jeyz bakit sakin mo pa pinasuot itong helmet? Dapat ikaw ang nag suot nito! Adik ka ba? Ikaw nagdadrive diba?! Baka mahuli tayo ng pulis!" crap. Ewan ko sa Jeyz nato. He just laughed saka hindi ako pinansin. Damang dama ko yung hangin.
Sana lang hindi kami mahuli...
Ang saya. Ang saya saya ko. Tanga ba ako para sumama pa sa ex ko? Tanga ba ako kasi hindi ako nagalit sa kanya? Noon, gustong gusto kong makipagbalikan sa kanya. Noon, napaka desperada ko sa kanya. Noon, hinahabol habol ko siya at ini stalk lagi. Pero ngayon...
Hindi ko alam kung bat parang napaka normal na lang ng lahat. Habang sakay niya ako sa motor ay niyakap ko siya. Tanga ba ako para yakapin ulit siya?
Hindi naman pumalag si Jeyz noong niyakap ko siya habang nakasakay ako sa motor niya. Ang bango bango niya. Ito yung scent niya na hinding hindi ko makakalimutan. Ito yung isa sa mga dahilan kung bat ako na fall sa kanya.
Nakarating kami sa sunflower farm. Napangiti ako ng bahagya habang pinagmamasdan ang buong sunflower farm. Ang gaganda ng mga bulaklak. Sobra.
"Zayra, ito yung last wish mo na hindi ko natupad. Yung wish mo na ipasyal kita dito bago tayo mag break." napangiti na lang ako. Ang gwapo gwapo talaga niya. Lumapit ako sa kanya saka umiling.
"bakit pala nandito tayo?"
"Wala. Gusto ko lang tupadin yung wish mo na yun. Gusto kong bumawi sayo. Gusto kong...." pumitas siya ng isang sunflower na malaki saka ibinigay sa akin. Lumapit siya sa akin saka pinat ang ulo ko. Napangiti ako.
BINABASA MO ANG
My Sweet Suitor (Completed)
Teen Fiction(Tagalog) Zayra Mendez's heart was shattered after that break up. It was a puzzle and mystery for her knowing that her ex's cousin, Nyan Dela Vegas, is courting her! Zayra wants to stop the courtship and make her ex, Jeyz Delos Santos, fall in love...