Chapter 16

1.5K 16 0
                                    

Chapter 16

(Almoneca Delion's POV)

I stared at Jeyz while he was sitting in his swivel chair, nasa kwarto niya na ako. Matapos niya ako kaninang sigawan ay agad niya rin akong pinapunta sa kwarto niya. Nakatayo lang ako doon.




"Linisin mo ito lahat, Almoneca. Dapat pag bumalik ako, malinis natong kwarto ko." umalis na siya matapos niya iyong sabihin. Gulo gulong kama, mga ngkalat na papel sa sahig, sobrang dumi ng beddings at mga kurtina. Kung saan saan nagkalat ang mga marurumi niyang damit.



Alam ko na dapat ay nakipagtalo ako o nakipag away sa kanya kanina. I can defend myself completely kung nilakasan ko lang ang loob ko. Pero naisip ko kung ano ang mga ginawa ko noong nakaraan.



Kahit na hindi ako ang may kasalanan, aakuin ko na lang. Pero gagawa ako ng paraan para mag imbestiga kung sino ba ang may kasalanan at kung sino ang nagpakalat ng chismis na iyon.


Hinawakan ko ang walis saka nagsimula nang maglinis. Naalala ko na naman ang lahat.


*Flashback*

" Jeyz... Sorry, gagawin ko ang lahat. Patawarin mo lang ako. " hinarap niya ako at ngumisi siya sa akin. Kinilabutan ako sa kanya. Lalo na noong idiniin niya ako sa puno. Nanginginig siya sa sobrang galit.



Natatakot na ako. Gusto kong magsalita na masakit ang pagkakadiin niya sa akin ngunit hindi ako makapagsalita. Lalo na at nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.


"sinabi kong may kukunin ako sayo kapag pinagsabi mo ito sa iba diba? Pwes, kukunin ko ang buong pagkatao mo hanggang sa matapos ang buong school year. You will be my slave and you will obey my commands. If you don't obey me, then I'll punish you for being disobedient."

*End*


Akala ko sa mga kwento lang ito nangyayari, sa mga novels, i never thought that this would happen in real life.



Pero ayos lang sa akin na mangyari ito, atleast i would spend this entire school year with the one i admired and loved.



(Zayra Mendez's POV)

Nasa bahay na ako at nanonood ako sa sala namin. Binabakbakan ko yung ferrero rocher na nasa ref at toblerone. Andami kasi, mukhang galing iyon sa manliligaw ni mama.



Hanggang ngayon iniisip ko pa rin si Nyan. Alam ko naman na dapat hindi ako nagwoworry pero hindi ko maiwasang magworry. For sure, mananalo naman si Nyan at siya ang ilalaban sa Gala. Sigurado ako doon!



Teka nga Zayra, ano ba ang inaalala mo kay Nyan? Eh mananalo naman talaga ang kumag na iyon.


"Nak, gising ka pa?" napatingin ako kay mama noong pumasok siya sa sala. Gabing gabi na at ngayon lang siya nakauwi. Mukhang masayang masaya si mama at nakared dress pa siya.


Huwaw nanan, nakikiuso ang nanay ko!


"Ma, kamusta ang date? Hindi ko pa nakikilala ang manliligaw mo ha!" ngumiti lang siya ng pasimple saka inagaw ang ferrero rocher na kinakain ko. Napapout na lang ako.


"Sa tamang panahon, ipapakilala ko rin siya sayo. Hindi muna ngayon...." kinaumagahan ay maaga akong pumasok. Nasa classroom na ako habang nagsosound trip lang. Nakita ko si Almoneca na nagbabasa ng libro sa isang sulok.


Naiibahan ako sa mga tingin ng mga kaklase ko. Kinikilabutan ako sa mga titig nila. Napatingin ako sa grupo ng mga kaklase kong nagkekwentuhan.



My Sweet Suitor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon