Chapter 48
(Zayra Mendez's POV)
Hindi na ako nagpahatid pa kay Nyan pauwi since Maaga siyang pinapauwi ng tatay niya. Mayroong iuutos daw sa kanya. Dumiretso muna ako sa mall para makapag lakad lakad, I just want to get some fresh air.
Bumili ako ng gellato, noong nakabili na ako ay masaya ko itong kinakain habang nagwiwindowshopping sa mall. Kung nandito sana si Nyan, yayayain ko sana siyang manood ng Aladdin. Dinilapan ko na lang ang strawberry gellato ko, ang sarap talaga ng ice cream na Ito! The best.
Habang naglalakad ay napaupo na lang ako sa bench doon sa mall. Nanonood lang ako ng mga taong dumadaan, since nakaschool uniform pa ako ay iniingatan kong hindi matuluan ng ice cream ang uniform ko since puti ito.
Nabigla ako noong may tumabi sa akin. He was wearing polo and jeans. Nakasneakers siya, napabuntong hininga ako sa presensya niya.
"Zayra, let's talk." hinila nya ang kamay ko, napakunot ang noo ko. Where will he take me? I was surprised noong makita kong sa coffee shop kami. Pumasok kami doon, he ordered two brewed coffee for the both of us.
Noong nakaupo na kami doon, napakunot lalo ang noo ko sa kanya.
"Mike, bakit nandito ka? At bakit bigla mo na lang ako hinila dito sa coffee shop?"
"Zayra, I want to ask you something. Do you believe in that recorded clip?" napaisip ako, I never heard of that recorded clip before. Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ito, kasi sabi noon ni Almoneca, gawa gawa lamang daw ito ng mga bashers nila Jeyz at Nyan. I gulped, bakit dumadagundong ang dibdib ko? Bakit kinakabahan ako?
Mike's eyes were serious.
"H-hindi ko pa iyon napapakinggan, and why did you asked? Mike, wala na tayong dapat pag usapan pa. Aalis na ako." matigas kong sabi, tumayo na ako. But before I could go, he grasped my arm.
I looked at him.
"Let me go, Mike."
"Manners please? I ordered two brewed coffee. Hindi mo man lang ba uubusin ang kape?" napapikit ako, napabuntong hininga ako kay Mike. Wala na akong nagawa pa. Umupo na lang ako sa seat ko saka napabuntong hininga ulit.
"Zayra, wala naman sigurong masama kung papakinggan mo yung recorded clip diba?" tumaas ang isang kilay niya, ipinasak niya yung earphone sa phone niya, then inilagay niya sa tenga niya. Ibinigay niya sa akin yung isang earphone piece.
"Please? Zayra, kicked out na ako sa school. Please? Hear it, last wish ko nato before I leave you alone."
"OK fine," kinuha ko sa kanya yung isang pirasong earphone, then nilagay ko sa tenga ko. He played it at narinig ko yung recorded clip na sa tinagal tagal na nitong naging issue sa campus ay ngayon ko lang napakinggan, napalunok ako sa mga naririnig ko.
***
"Ok sige.""Do you know how hard it is to risk our relationship? I love zayra very much. Pero hindi pwedeng maging kami, hinding hindi pwede.."
"Pero bakit? Mahal mo naman pala siya. At mahal ka rin niya, bakit hindi na lang ulit maging kayo?"
" dahil magkapatid kami! Noong maliit pa lang ako, iniwan kami ni mommy. Sumama siya sa ibang lalake. Nagkaanak sila at si Zayra ang anak. Iniwan din ako ni daddy kila tito dahil nagkaroon na rin siya ng ibang pamilya sa ibang bansa.."
" I begged Nyan to court my ex, para kahit hindi ko na siya napapasaya, atleast im rest assured na napapasaya naman siya ng iba..."
" ano pa ang gusto mong malaman.. "
BINABASA MO ANG
My Sweet Suitor (Completed)
Teen Fiction(Tagalog) Zayra Mendez's heart was shattered after that break up. It was a puzzle and mystery for her knowing that her ex's cousin, Nyan Dela Vegas, is courting her! Zayra wants to stop the courtship and make her ex, Jeyz Delos Santos, fall in love...