Chapter 3

2.8K 50 3
                                    

Chapter 3

Hindi ko siya inimik, hanggang sa makarating kami sa campus. Pagdating doon ay agad akong bumaba ng kotse at tumakbo paalis. Hindi ko na siya hinintay, ayokong sumabay sa paglakad sa unggoy na yun.


Mahirap na at baka machismis ako sa campus. Medyo matunog pa naman ang pangalan niyang 'Nyan Dela Vegas'



Pagdating doon sa classroom ay konti pa lang ang mga kaklase ko. Napatingin ako sa babaeng maiksi ang buhok na naka eyeglasses, siya lang naman ang nag iisang consistent valedictorian namin since elementary.



"Zayra, nakareview ka na?" Napatingin ako sa kanya noong tawagin niya ako. Napailing na lang ako. Kagabi kasi, si Nyan ang laman ng utak ko.




Kainis talaga.

"Ah hindi gaano, Almoneca." napangiti na lang siya saka binigay sa akin ang notes at reviewer niya. Kahit kailan, mabait talaga siya. Marami nga ang nagkakacrush sa kanya pero natatakot silang umamin sa kanya.



Tahimik kasi siya na sobrang tipid magsalita.



" Hala, thanks! " buti na lang at hindi ko kaklase ang Nyan na iyon. Block 2 kasi siya, napangiti na lang ako noong kunin ko sa kanya ang reviewer.



Sa wakas at makakapagreview na rin ako ng tahimik. Maya maya pa ay nagstart na ang exam, nasagutan ko naman lahat. Pero may Ilang items na hindi ko talaga alam kaya hinulaan ko na lang.



Medyo nakakatuyo ng utak mag exam kaya dumiretso na ako sa canteen ng school. Noong nandoon na ako ay nakita ko si Jeyz na kumakain mag isa. Gusto ko talaga siyang kausapin.



Gusto Kong itanong kung mahal niya pa ba ako....

Kung nanghihinayang ba siya sa relasyon namin...

Kung may iba na ba siya...


O kung gusto niya pa bang magkabalikan kami?


Masakit pa rin sakin. Kahit na tatlong linggo na ang nakakaraan simula noong makipagbreak siya sakin. Huminga ako ng malalim saka pinuntahan ko siya.



Medyo awkward na umupo ako sa seat na katabi niya.


"Jeyz..." bulong ko. Nanginginig ang mga kamay ko.


Napatigil siya sa pagkain saka nagsalita.


"Zayra, we are already over. Please leave me alone and don't come near me." napatayo siya sa galit. Nagpipigil siya ng galit at ramdam kong gusto niyang pukpukin ang lamesa.



"Pero Jeyz... Bat nagbago ka? Jeyz, can we still be friends? Please.... Hindi naman siguro masamang maging magkaibigan ta---"


"Tama na, Zayra. Sagutin mo na lang ang pinsan kong si Nyan, he will love you more than I can." he smiled sweetly saka umalis na. Ang sakit, halatang iniiba niya ang topic. Ni hindi niya man lang sinagot ang mga tanong ko sa kanya.



Gusto Kong umiyak. Nawalan na rin ako ng gana kumain. Tumayo na ako saka umalis na sa canteen. Pupunta na lang ako sa cr, gusto Kong magkulong sa cubicle.




Gusto ko doong umiyak...


"Oh? Bat malungkot ka? May nang away sayo?" Napatingin ako sa lalakeng nasa harapan ko ngayon. Hindi ko namalayan ang presensya niya ng dahil sa bigat ng karamdaman ko.



"hinanap kita sa classroom niyo, sabay sana tayong kakain. Libre ko."


"Nyan, wag mo muna ako kausapin."



My Sweet Suitor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon