Chapter 6

2.1K 35 2
                                    

Chapter 6


(Zayra Mendez's POV)

Ito na ata ang araw na pinakahinihintay ko! Ang University fair. May program sa quadrangle, pero nandito ako ngayon sa campus oval at hinihintay kung kailan pwedeng sumakay sa mga rides.


Libre lang naman Ito dahil kasama na Ito sa mga expenses na binayaran namin sa tuition fee.


Hindi nga pala ako tumulong sa mga classmates ko na magset up ng booth. Excited nako sa rides na nirent ng University namin!


Napatingin ako sa wrist watch ko. Bumili muna ako ng sundae sa may stall saka dumiretso muna sa gym ng campus.


Shems, ngayon nga pala ang laban nila Jeyz! Kelangan ko suportahan ang ex ko! Eh mahal ko eh.


"Wow" napatulala ako sa sobrang dami ng students na nanonood. Nakisiksik na lang ako doon saka pinanood ang laro na hindi pa nagsisimula. Nagwawarm up pa lang sila pero hindi ko pa nakikita si Jeyz.


Nasaan na kaya siya?

"Awts" natapon sa damit ko yung sundae noong may isang matangkad na lalakeng bumangga sakin. Naka Jersey siya at mukhang nagmamadali siya. Napatingin ako sa kanya ng masama.


Pero biglang umiba ang timpla ng mood ko noong makita ko kung sino iyon...


"Sorry, Zayra" nagkatitigan pa kami bago siya umalis. Parang bumalik lahat ng mga memories namin ni Jeyz.



Hindi na siya lumingon pa. Umalis na siya at nagmamadali para sa game nila.


Maya Maya pa ay nakita ko si Nyan na nakatitig sakin. Nakita niya kaya yung pagsosorry ni Nyan sakin? Nagselos kaya siya? Eww Zayra, ano ba yang pinag iisip mo! Tumino ka nga.


Ngumiti lang ako kay Nyan. Ngumiti lang din siya.


Narinig kong may tumili na mga babae sa likuran ko.


"Gosh, nginitian ako ni Nyan girls"

"Hindi kaya. Ako kaya yung nginitian niya."


Napangisi na lang ako sa mga naririnig ko. Nagsimula na ang game. Grabe ang intense ng laban, parang si Nyan ang magiging most valuable player of the year or maybe si Jeyz.


Ang lakas ng tensyon sa pagitan nilang dalawa.


Sila na lang halos ang nakakashoot at nakikipag agawan sa bola. Sobrang fired up sila na uhaw na uhaw makashoot.


"Woaaaah!!" sigawan ng mga tao, kanya kanyang sigaw ng number, ng apelyido, ng names, ng team. Andami nilang fans ha. Napangiti na lang ako noong maka3 points shoot ang team nila Jeyz.


Sunod sunod ang scores na nakukuha ng team nila.

Yes! Pero sa isang banda, naawa naman ako sa team nila Nyan.



"GO NYAN! GALINGAN MO!" sigaw ko, Napatingin sa direksyon ko si Jeyz. Nabigla ako sa bigla niyang pagsimangot habang naglalaro.



Nagpatuloy pa ang laro, ramdam kong sa direksyon ko nakatitig lagi si Nyan. Maya maya pa ay sinadyang bungguin ni Jeyz si Nyan habang hawak nito ang bola, nahulog ang salamin ni Nyan at naapakan niya pa Ito.



Nagsigawan ang mga tao. Agad na pinalitan si Nyan ng ibang basketball player. Nag aalala akong napatingin kay Nyan na nakaupo kasama ang coach niya. Umiinom Ito ng tubig, agad akong pumunta doon sa direksyon nila.


"Nyan, OK ka lang?" Nabigla siya sa presensya ko. Nakatingin pa rin siya doon sa direksyon na inuupuan ko kanina.



Nakita ko si Almoneca na nakaupo doon banda. Napatingin ako kay Nyan.


Si Almoneca ba ang tinitignan niya? Weird naman.


"Uy! Kinakausap kita, adik." medyo naaasar kong sabi sa kanya . Ngumiti lang siya sakin ng mapang asar.



"Kahit na malabo ang paningin ko, sobrang linaw naman ng puso't isipan ko na ikaw ang nag iisang gusto ko."


"Tigilan moko. Pasalamat ka kinakamusta ka pa eh" napatingin ako sa pawis niyang tumatagaktak. Ang sarap punasan, parang si Jeyz noong kami pa.



Ako yung laging nagpupunas ng pawis niya...


Ako yung laging nandoon sa game niya para icheer siya.....


Ako yung laging---

"OK ka lang? Bat tulala ka na naman?" napatingin ako sa kanya. Ngumiti lang ako. Nakatitig ako kay Jeyz na nakatingin sa akin ngayon. Parang ang sama ng tingin ni Jeyz sa akin....


Lalo na sa amin...


"Sub! Sub! Ako magsusub!" sigaw ni Nyan. Huh? Ediba nasira ang eyeglasses niya kaya hindi siya gaanong makakita! Nasisiraan na ba siya ng ulo?!


"Ha? Bakit Nyan?! Baliw ka ba?!"



Tumawa lang siya sakin saka nag flying kiss. Para siyang baliw na nagbudots pa sa harapan ko. Naghiyawan ang ibang tao.



Pero infairness, ang hot at sexy niya sumayaw.


Haaays. Gumagana na naman ang kabaliwhan niya.


"kapag napanalo ko ang game nato kahit wala akong eyeglasses, magdedate tayo! Itaga mo yan sa bato! " sigaw niya sakin saka tumakbo na siya diretso doon sa loob ng court para maglaro....


Sira. -. -

My Sweet Suitor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon