Chapter 29

1.4K 22 1
                                    

Chapter 29

(Nyan Dela Vegas' POV)

"Masaya ka ba talaga sa ginagawa mo?" nandito kami ngayon sa kotse. Pauwi na at ihahatid ko na si Almoneca sa bahay nila. I just flashed a smile on my face. Hindi na namin pinatapos pa iyong Gala. After ng eksenang iyon kanina na halos nagkagulo ang lahat dahil biglang scandal ang nakaproject sa screen ay marami ng mga nagsiuwian.

At isa na kami doon. Pero sino naman kaya ang gumawa ng bagay na iyon? For sure, matatanggal si ma'am Yvonne sa kanyang trabaho.... At si Mike na president ng student Council. Maaaring masuspend siya sa school, or worst, makick out.

"Oo naman. Sobra. Kasi pinayagan mo akong ligawan ka. Eh ikaw, talaga bang seryoso ka na hinayaan mokong ligawan ka?" ngumiti lang din siya ng pilit saka tumango. After that, wala ng ingay na narinig sa aming dalawa. I just let silence invade the two of us.

" Ahm, sige nyan, good night. Bye. " binuksan niya ang pinto ng kotse at umalis na. I just waved goodbye at mabilis na pinatakbo ang kotse ko papunta sa public park. Nagpark ako doon, ang lamig ng hangin dahil gabing gabi na. Mayroon ding mga nagdedate sa sulok sulok. May mga bench dito kaya naupo muna ako, karamihan sa mga naglalakad ay mga turista at mga foreigner. Mga dayo sa lugar.

Napatingin ako sa kalangitan. Napakaraming bituin, napakaganda ng buwan, hindi ko maiwasang mapangiti na lang saka napabuntong hininga.

Inilabas ko ang phone ko noong marinig kong mayroong tumatawag. It was daddy. I immediately answered the phone.

"Dad, bat napatawag ka?"

"Ahh.. Anak, baka gabihin nako makauwi. May date kasi kami ngayon ng nililigawan ko. Wag niyo muna isara ang Gate."

"Haays. OK dad."

"Nga pala, how's the gala? Did you have fun?" napangisi na lang ako saka muling bumuntong hininga.

"Yup, sobra." I lied. But right now, wala ako sa mood. Somebody ruined my day. Kanina pa, simula noong nakita ko siya kung paano niya ako tignan. This is awful, my mood is distracted because of Zayra. Masaya sana ako ngayon. Nakakainis lang talaga. Naiinis ako sa tuwing nakikita ko siya.

Nakikipagplastikan na lang ako sa kanya.

"OK sige."inend niya na ang tawag. Muli akong napatingala sa mga bituin. Ang ganda nila. Muli kong naalala ang mga nangyari kanina.

*Flashback*

" And for the highlight of tonight's grand event!" sigaw ng emcee which is si President Mike. Biglang binuksan ng mga waitress ang malaking pintuan papunta doon sa Garden na mayroong swimming pool ng Horizon Hotel.

Nagsilabasan ang mga tao. Naiirita ako. Sirang sira ang araw ko. Lalo na noong nasa stage ako kanina habang kumakanta ay kitang kita ko ang mga landian nilang dalawa. Kanina pa umiinit ang ulo ko sa dalawang iyon lalo na kay Zayra.

Naglakad na lang ako papunta sa garden. Fudge! Why am i so affected?! Dapat nga ay ma's matuwa pako dahil maliligawan ko na rin si Almoneca sa wakas!

I smiled with that thought in my head.

Noong nasa Garden na kaming lahat ay nakita namin ang ganda ng buwan at mga bituin sa langit. Lahat sila ay nakatingala, so saan doon ang highlight ng event?!


Si Almoneca ang hinahanap ko. I must find her. Palinga linga ako sa paligid, now is the right time to confess that I like her and I want to court her.

Pero..

Paano si Zayra?

Napahawak ako sa sentido ko sa sobrang inis. Bat ako nagwoworry kay Zayra?! Nyan, hindi ka gusto ni Zayra. Si Jeyz ang gusto niya. Ang pinsan mo ang gusto niya at hindi ikaw. Quit worrying about her!

My Sweet Suitor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon