Chapter 11

1.7K 25 0
                                    

Chapter 11

(Nyan Dela Vegas' POV)

Nakabalik na kami sa university. Kumalma na rin sa pag iyak si zayra. Napangiti na lang ako habang naglalakad kami sa hallway. Nakahawak kasi ang kamay ko sa kanya at parang wala siyang pakialam sa akin.

Sa madaling salita, hinayaan niya lang na hawakan ko ang kamay niya...

Naalala ko na naman ang dahilan kung bakit ako nakipgdate sa kanya kahapon. Lahat ng iyon ay dahil kay Jeyz...

*Flashback*

Nasa kwarto ako at nabigla ako noong may kumatok. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Insan na nandoon. Nabigla ako noong iabot niya sa akin ang limang libo.

"para san yan insan?"

"University fair na bukas pinsan, gusto ko sana na yayain mo siyang ilabas." nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya.

"As in date insan?" napatango na lang siya. Hinawakan niya ako sa balikat at tinitigan ng seryoso.

"Wag mo siya hahayaang maging malungkot, gawin mo ito para sakin, Nyan..."

*end of flashback *

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit ginagawa ito ni Jeyz. Kung mahal niya naman pala si zayra, bakit hindi pa siya makipagbalikan dito?

Mahal pa naman siya ni Zayra at mukhang mahal niya rin si Zayra. Pero kilala ko si insan, hindi niya ito gagawin kung walang malalim na dahilan. Hanggang ngayon inoobserbahan ko pa rin kung bakit ganun siya.

"Nyan.. Late na late nako para sa next class. Ayoko muna pumasok." napatingin ako kay Zayra noong magsalita siya. Dumiretso muna kami sa cafeteria saglit para kumain. Noong makarating kami doon ay nanibago ako sa pakikitungo sa akin ni Zayra.

Noong tanungin ko siya kung anong gusto niya, simpleng sagot lang ang sinabi niya. Hindi niya ako minura o inasar. Hindi siya naasar. Wala siyang expression. Nakakapanibago.

Noong makuha ang orders, umupo kami doon saka kumain na. Nakakagutom din magbike kaya mabilis kong naubos ang pagkain ko.

"Oh zayra, naunahan pa kita." hindi siya umimik. Kanina pa siya nakatulala saka wala sa sariling tinutusok ng tinidor ang spaghetti niya. Napailing na lang ako.

Hindi kaya kasalanan ito ng nga sunflower kanina? Oo tama, kasalanan nga nila kaya nagkaganito si Zayra. Ang dapat sa kanila ay buhusan ng maraming gasolina at sindihan ng apoy! Bwahahaha.

Kasalanan ito ng mga sunflower eh.

"Zayra, kung naalala mo si Jeyz kanina kaya ka nagkakaganito. Please naman wag mo hayaan yung sarili mo. Wag kang magpagutom. Wag kang umiyak o malungkot. Diba malakas ka? Diba?" i looked into her eyes directly. Napatingin siya sakin. Pinilit niyang ngumiti saka tumingin sakin.

" Sana nga Nyan malakas ako. Sana nga ganun akong klase ng tao. Pero Nyan, noong dinala mo ako doon kanina. Doon ko lang din narealize na mahal ko pa nga talaga si Jeyz... Hindi ko siya kayang kalimutan.." onti onti na naman siyang umiyak. Kinuha niya ang tissue saka agad na umalis sa harapan ko. San siya pupunta?

Agad ko siyang sinundan.

Alam ko namang kailangan niya ako....

.... Kahit ngayon lang, gusto kong ipadama sa kanya na hindi siya nag iisa kaya dapat langna wag siyang mawalan ng pag asa.

If only i can tell her the truth about this shit.

Na si Jeyz ang dahilan kung bakit ko ito ginagawa. Na si Jeyz ang nagpoprovide ng panggastos para sa date naming dalawa ni Zayra. Na si Jeyz ang totoong nagpapabigay ng sunflower para kay Zayra. Na si Jeyz ang nagpaplano ng mga susunod kong gagawin para lang mapasaya si Zayra...

My Sweet Suitor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon