Chapter 54
(Zayra Mendez's POV)
Hindi ko alam kung bakit ganun. Padabog akong umalis. Magbebreak down na naman ako. Gusto kong umiyak. Sobra. Bakit ganun? Bakit si Nyan pa? Bakit yung tatay pa ni Nyan ang kadate ni mama?!
Ayoko na. Nagkatrauma na ako kay Jeyz. Noong nalaman kong kuya ko pala siya. At first, hindi ko matanggap. Pero mas lalo na ngayon. Hindi ako makakapayag na maging kapatid ko rin si Nyan. Hindi ko kayang tanggapin na magiging daddy ko ang daddy ni Nyan. Paano kami ni Nyan?! Paano ang relationship namin?
Kung kailan masaya na kami ni Nyan, kung kailan sinagot ko na siya. Bakit? Bakit ganun?!
"Zayra, stop. I said stop walking." Napatigil ako sa paglalakad noong hinawakan ni Nyan ang braso ko. Napalingon ako sa kanya. He's staring at me intently. Nakasimangot lng ako.
"Pwede bang bumalik tayo doon? Let's eat. There's no need to be mad and angry. Please?" umiwas ako ng tingin, tinabig ko ang kamay niya na naka hawak sa braso ko. Nabigla siya sa ginawa ko.
"Sa tingin mo nyan natutuwa ako sa mga nangyayari?! Kung magkakatuluyan ang dad mo at ang mom ko, paano tayo nyan?! Paano tayo?" pinilit ko ang sarili ko na hinaan ang boses ko. Napaiwas ako ulit ng tingin. Ngumiti lang ako kay Nyan ng pilit.
"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. If they will continue their relationship, then we can not continue ours."nabigla siya sa sinabi ko. Kailangan na may magparaya. Kailangang may mag let go. Kung magkakatuluyan si mama at ang daddy ni Nyan, then ibebreak ko na si Nyan. Ayoko na. Nagkatrauma na ako kay Jeyz. Sawa na ako sa gantong klase ng set up.
" Zayra.. Hindi.. Wag.." nalilito niyang sabi, ngumisi lang ako.
"Then choose nyan, OUR OWN HAPPINESS? o ang kaligayahan ng mga parents natin?! We need to choose." hinayaan niya akong umalis. Napayakap ako sa sarili ko. Bakit ba ito nangyayari sa akin? Nasa isang magulong sitwasyon ako na kailangan ko pumili ng maayos. I need to be wise in choosing my decision.
(Jeyz Delos Santos' POV)
Its almost a month since we lived here in America. I don't know how would I feel towards Zayra. Guilty and conscience struck me down. Halos Ilang weeks ko ng pinag iisipan ang mga ginawa ko sa kanya noon sa Pinas. I'm such a jerk. A total stupid jerk.
I wore my thick hoodie jacket. Its already snowing here in America. Umalis muna ako, I need to think of my wrong doings. Gusto ko pag isipan kung paano mag sorry kay Zayra personally. Its been a month, dapat hindi ko na yun iniisip. But I can't help it.
Paglabas ko sa yard, malamig na malamig na. It's already starting to snow. Napangiti ako noong makita ko ang snow na bumabagsak sa lupa. They're beautiful.
Nagpatuloy ako sa paglalakad, nag iikot ikot ako sa buong subdivision. I need to get some fresh air. Napabuga ako ng hangin. Nagsisimula na akong lamigin.
The next thing I knew was, bumagsak ako sa lupa. May kung anong bumunggo sa akin. Aw, my back hurts. Napatayo ako agad kahit masakit ang likod ko, Napabuga ulit ako ng hangin dahil sa sobrang lamig.
Napatingin ako sa babaeng naka winter pink jacket. Nakahiga siya ngayon sa sahig. Natumba din ang bike niya. Agad akong lumapit sa kanya. Anyway, bat ba binangga niya ako?
Napatayo siya saka pinagpagan ang damit niya. Itinayo niya ang bike niya saka napabuntong hininga. She looked at me. Napaangat din ang tingin ko sa kanya. Ngumiti siya saka itinuro ako.
"Oh em gee! Jeyz, why are you here? What are you doing here?!" Di makapaniwalang tanong niya. Napailing na lang ako.
"I lived in here, mag aaral ako sa Harvard. And you?" nanlaki lang ang mga mata niya. Napa-clap siya saka masayang napakurap kurap.
"Really? I will be studying there too. My gosh, I can't believe it. Yeah, I know that you will be studying here in America but I never thought na dito ka rin pala nakatira! Where's your house?" Napailing ako sa sobrang ingay at arte niya sa pagsasalita. Sino ba ang makakapag isip na dito pa pala kami magkikita ng babaeng ito? Tinapik niya ako sa braso.
"That is our house oh! Look at that! Ayun oh, that gray one!"
"Oh really? Wow, welcome to the neighborhood. Magkatabi lang pala tayo ng bahay. Tsk!" napahawak ako sa noo ko, she smiled at me saka natutuwang tinitigan ako ulit.
"Relly Jeyz? Sorry kung nabangga kita kanina. Nasira yung break ko eh. I can't control it." nauna na akong naglakad sa kanya, Hinila niya ang bike niya para sabay kaming makapaglakad. Napadaop ako sa mga palad ko saka kinuskos ko ito. Napahinga ako ulit. Ang lamig.
" Jeyz, don't you think it's coincidence? Or destiny? Hmm, but I believe in fates! Or maybe cupid brought us together?! Jeyz, this is so exciting! Do you believe in the red string of fate? What if.. What if... We're meant for each other?!" ma's lalo kong binilisan ang paglalakad ko. I don't want to hear her annoying voice. Ma's lalo kong Hinila ang hoodie ng jacket ko. Napatakip ako ng tenga ko gamit ang dalawang kamay ko. Argh, she's irritating and very annoying.
" Shut up, Zoe. Ingay mo. "
To be continued...
.
BINABASA MO ANG
My Sweet Suitor (Completed)
Teen Fiction(Tagalog) Zayra Mendez's heart was shattered after that break up. It was a puzzle and mystery for her knowing that her ex's cousin, Nyan Dela Vegas, is courting her! Zayra wants to stop the courtship and make her ex, Jeyz Delos Santos, fall in love...