Chapter 44

1K 16 1
                                    

Malapit na tayo matapos hehe. 😀

Chapter 44

(Zayra Mendez's POV)

Nakauwi na rin kami, pagbukas ko ng pinto ay walang tao. May spare key naman ako kaya nakapasok ako sa bahay namin. Nasaan kaya si mama?

Dumiretso muna ako sa kitchen para uminom ng tubig. Nakakauhaw at gutom din ang buong byahe. Napatingin ako sa wall clock, it's already 9.34 AM.

Dumiretso ako sa kwarto ni mom sa second floor. Noong umakyat ako sa itaas ay kumatok ako sa harap ng pinto niya.

Pero walang tao, binuksan ko ito. Baka tulog siya? Pagpasok ko sa kwarto niya ay wala rin siya. Napaupo ako sa side ng kama ni mama, its been so many years simula noong I-forbid niya ako na pumasok sa kwarto niya. I love my mom, but curiosity kills me.

Napahiga ako sa kama niya, ang linis naman ng buong kwarto niya. Wala akong masabi. Sa side table niya ay puno ng mga picture frames ni dad which is sad to say, namatay sa isang malubhang sakit noong maliit palang ako. My mom loves my dad so much, pero hearing her uttering an unfamiliar name of someone sometimes, it's really alarming.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Sobrang saya ng mga nangyari sa resort.

*Flashback *

" Wala nakong mahihiling pa.... Lalo na at nandito ka na, habang magkayakap tayong dalawa, sobrang saya ang nararamdaman ko sayo, Zayra. " humiwalay na siya sa akin, nagkatitigan kaming dalawa. Our faces are only inches apart. Ramdam ko yung butterflies sa stomach ko. Ang sarap pagmasdan ng mukha ni Nyan.

Napatingin siya sa mga mata ko, hanggang sa mga ilong ko, down to my lips. Nabigla ako noong onti onti at dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Naglapat ang mga labi namin, Napapikit ako para maramdaman ko ang sarap at pleasure. Napahawak siya sa bewang ko, pinulupot niya ang mga braso niya sa bewang ko. Habang ako ay Nakapulupot ang mga braso ko sa leeg niya, hinila ko siya palapit sa akin. Inangkin niya na ang mga labi ko. Patuloy lang siya sa paghalik sa akin. Hanggang sa maubusan na kami ng hininga.

Pumalayo kami sa isat isa, pinagdikit namin ang mga ilong namin.

"Nyan, I never thought that you're such a good kisser." namula siya sa sinabi kong iyon, ngumisi lang siya sa akin saka muling inangkin ang mga labi ko. Naramdaman ko ang pagkatakam niya sa mga labi ko. Hanggang sa bumaba ang halik niya sa leeg ko. Hindi ko alam na mangyayari ang lahat ng ito ngayon. I'm ready to give my all to Nyan. Im ready to accept his love. Ready na ako na sagutin siya.

*End of flashback *

Napangiti na lang ako sa mga naaalala ko. Tumayo na ako para sana magpahinga sa kwarto ko. Pero bago ako makalakad paalis, may nahagip ang mga mata ko sa peripheral vision nito. Napatingin ako sa side table na may mga picture frames, lahat ng yun. Picture ni papa, picture ko noong maliit palang ako, pero napukaw ng atensyon ko ang isang litrato na Black and white, nakabestida doon si mama at masayang masaya siya sa picture na iyon. May kasama siyang bata doon, tantya ko ay mga 1 year old.

Binuksan ko ang picture frame saka kinuha ang lumang litrato na iyon sa loob. Napakunot ang noo ko, bakit ang lakas ng pakiramdam ko?.....

Bakit ang lakas ng pakiramdam ko na hindi ako ang batang nasa picture?

"Anak?"

Mabilis kong ibinulsa ang litratong iyon. Hindi ko alam kung bakit natakot ako na makita niya na hawak hawak ko ang picture na iyon. Pinagpawisan ako at kinabahan. Naka ngiti lang sa akin si mama.

"Nag grocery lang ako, nandito ka na pala. Nag enjoy ka ba? Nga pala, kailan mo balak ipakilala sa akin ang manliligaw mo?" ngumiti lang ako. Awkward, I don't feel like answering her questions. Pagod siguro ako kaya ganun.

"Sige ma, punta na po ako sa kwarto ko ." aalis na sana ako pero bigla niyang hinawakan ang braso ko. Nanginig ako sa kinatatayuan ko.

"Bakit nga pala nandito ka sa kwarto ko, Zayra?"

(Nyan Dela Vegas ' POV)

Noong makauwi ako sa bahay, wala doon si dad, malamang nasa office niya iyon ngayon. Dumiretso na ako sa kwarto ko para sana makapagpahinga. Inilapag ko yung mga gamit ko sa lapag ng kwarto ko, naisipan ko munang mag shower. And so I did. After that, pumunta ako sa sala para manood ng basketball. To my surprise, nandoon si Jeyz at prenteng nakaupo sa sofa habang nanonood ng basketball.

"Insan!!" Masaya kong bati sa kanya, he just did not mind me at nakatuon lang ang atensyon niya sa television. Umupo ako sa gilid niya, noong naupo ako sa gilid niya ay awtomatikong inilipat niya ang Channel ng telebisyon.

"Nyan, do you remember when I asked you to court Zayra?" Napatingin ako sa kanya, nakatitig lang siya sa TV. Napangiti na lang ako.

"Oo, yun yung mga panahon na nagdadalawang isip ako kung liligawan ko ba si Zayra. Nung mga panahon na iyon, Di ko naman talaga gustong ligawan si Zayra." natawa lang ako naalala ko na naman kasi ang lahat. Parang ang bilis ng panahon, kahapon lang, inutusan niya ako na ligawan yung ex niya, tapos ngayon, mahal ko na yung ex niya.

" Nyan, kung ganun pala. Layuan mo na si Zayra. Diba hindi mo naman siya gusto in the first place? I know that you like almoneca a lot, pwede kitang ilakad sa kanya. If you want." this time, seryoso siyang nakatingin sa akin. I can't utter a word to say. Nanginig ako sa kinauupuan ko. Kinuha ko yung remote ng TV sa kamay niya saka inilipat ng channel ang pinapanood niya.

" I'll give you 3 seconds to think about it. " tumayo ako, hindi ako tumingin sa kanya. Tinalikuran ko lang siya.

"Have you already thought about it? Ano ang desisyon mo? Nyan, ito na ang pinakahihintay mo. Malaya ka na, wala ka ng ihahatid sundo araw araw, hindi ka na gagastos, hindi mo na siya idedate kung saan saan. Tapos na yung pinagawa ko sayo noon. Think about this as an opportunity that cannot be wasted. Nyan, mas mahalaga ako na pinsan mo diba? Then sundin mo ako!" his voice is echoing in my head. Para bang napako ako sa kinatatayuan ko, close na close kami noon. To the point na pumayag ako sa gusto niya na ligawan ang ex niya para makalimutan siya nito, ngayon na nakalimutan na siya ni Zayra, ako naman ang napamahal rito. Napakurap ako saka na pahawak sa sentido ko.

Fck! Why is this happening?

"Nyan, ibigay mo na sa akin si Zayra. Inaamin ko na naguluhan ako noon, pero ngayon, I'm really sure na mahal na mahal ko pa siya. Kaya nga gustong gusto ko siyang balikan at ngayon na naging kami na ulit, gusto kong bumalik yung relasyon namin sa dati. Please nyan, tigilan mo na si Zayra. Si Almoneca na lang ang mahalin mo.." Ano ba ang gagawin ko? Ano ba ang desisyon na pipiliin ko? Tinalikuran ko na siya at naglakad na ako paalis.

To be continued..

Malapit na tayo matapos. I feel so frustrated right now. Naiinis ako sa mga tao. Err. Sorry. Kaya ako nagUD kasi badtrip ako. Xoxo, MissShyPatheticLoser

My Sweet Suitor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon