Chapter 21
(Zayra Mendez's POV)
Maaga pa sa tilaok ng manok ay bumangon na ako agad. I did my morning rituals then pumasok nako sa school. Kabado lang talaga ako for Nyan. I just want him to win this pageant.
Nasa room na ako. Iba kasi ang classroom nila Nyan since block 2 sila eh block 1 ako. Aalis na sana ako para pumunta sa block 2 pero nakita ko ang mga classmates ko na busy sa pag aayos ng gown ni Almoneca. Ito yung gagamitin niya for creative costume, sobrang ganda ng gown. Gawa ito sa recycled materials, kumikinang din ito dahil nilagyan nila ito ng bits of pieces ng mga makikinang na bato.
Rest assured na mananalo kami. Wahahaha. Ang pageant ay hiwalay kasi, pipili sila ng representative per strand. Isang guy at isang girl ang mananalo sa pageant per strand. Then sa Friday na ang Gala namin. Ghad, wala pa akong gown na susuotin.
"Baka naman may balak kang tulungan kami?" Napatingin ako sa isa kong kaklase. They're determined to win this contest kaya nakisali na lang ako sa pag aayos ng gown.
Maya maya pa ay dumating si ma'am Yvonne, yung adviser namin at organizer ng event. Ang cute cute talaga ni ma'am. And reddish ng cheeks niya.
"Ma'am!" bati naming lahat sa kanya, nakitulong na lang din siya sa amin. Ma's lalong gumanda ang gown ni Almoneca. Ghad, ang bongga ng design. Talagang mananalo na si Almoneca nito. Pero isang sukat lang kami, a hehehe gusto ko sana itry suotin.
Pumunta muna ako sa block 2. Nakita kong busy rin ang lahat sa pag aayos ng mga gagamitin ng mga representative nila sa block nila. Saktong nakita ko si Nyan kaya nilapitan ko kaagad siya.
"N-nyan, about that night... Narinig mo ba yung sinabi ko?"
"Ahh sorry Zayra. Naputol yung call. Ubos na kasi pantawag ko. Hehehe. Ano nga pala sinabi mo kagabi?" I gulped. Siguro mas mabuting Di niya narinig kagabi. Ahh, alam ko na. Kapag nanalo siya sa pageant saka ko na lang siya sasagutin ULIT. - __-
"wala,wala.nevermind, ok ka na ba? Goodluck mamaya ha!"
"salamat sa support. Buti na lang at may asawa akong supportive." I just rolled my eyes saka tawa naman siya ng tawa. Parang timang, malapit ko na talagang mapagkamalang takas mental ang hayop nato.
Umalis na ako doon after namin magbiruan at mag asaran. Noong nakabalik na ako doon at its almost 8.35 na. 9 AM kasi ang start ng pageant. They all looks worried at ang gulo nila.
"Guys! Tawagan niyo si Almoneca! Sino may pantawag sa globe?!"
"Shit guys! Mag sstart na! Baka ma disqualified tayo!!"
"Bakit kasi hindi siya online?! Hindi niya man lang naseseen yung mga chat ko!"
"Ma'am Yvonne, ano na ang gagawin natin?"
Wala pa si Almoneca. Ready na si Dylan. Pero SI Almoneca? Ewan, baka kung saang lupalop na yun nagpunta. I just sighed saka napatingin kay ma'am Yvonne na nagwoworry na rin. Nagsisigawan na yung mga classmates ko kung sino yung magsusubstitute kay Almoneca . Yung iba balak nilang sunduin si Almoneca sa bahay nito. Umalis na yung iba, habang yung iba ay nag iisip ng pwedeng magawa para hindi kami ma disqualified.
"Guys calm down. I'll ask the other organisers of event na baka pwedeng SI Dylan lang ang lumaban sa section natin." umalis muna saglit si ma'am para kausapin yung ibang teachers. Naiwang nagsisigawan yung mga kaklase ko. Aish, ang gulo niyo.
(Almoneca Delion's POV)
Late na akong nagising. Its already 8:16 AM. Grabe nalate ako ng gising. Kagabi kasi ay halos gabi na rin ako nahatid pauwi ni Nyan. Agad nako ng nagmadali, hindi na rin ako nakapagpaalam pa dahil nagmamadali nakong umalis.
"Hop in" I was surprised noong may isang magarang kotse na nakaparada sa labas ng bahay namin. It was Jeyz, thank you Lord! He's my lifesaver! Akala ko eh magcocommute pako para lang makapunta sa school.
Agad na akong pumasok sa kotse niya.
"Jeyz, salamat ha."maaga kong pagpapasalamat sa kanya. He looks at me with confusion in his eyes.
" Para San? "
" Salamat kasi ihahatid moko sa school. Late na rin kasi ako sa pageant. Sorry sa abala. Pero thank you talaga? " to my surprise, he laughed hard. Halos maiyak iyak na siya habang nagdadrive ng kotse sa kakatawa. Pinunasan niya ang luha niya sa kakatawa.
Teka, ano nangyayari sa kanya?
" Wag asyumera, sinundo kita kasi marami akong ipapagawa sayo. " biglang nagseryoso ang mukha niya. I gulped, does it mean hindi ako makakadalo sa event ng school?
(Zayra Mendez's POV)
"Guys bad news!" hingal na hingal si ma'am. Kakabalik niya lang galing sa teachers office. Nagwoworry na talaga sila.
Saan na ba kasi SI Almoneca? Nag sstart na ang pageant!
"Madjdisqualified talaga tayo pag walang nagrepresent ng block natin. We need to do something. Kailangang may mag proxy." ma'am Yvonne explained. Ghad, bakit naman kasi hindi pwedeng SI Dylan lang yung maging pambato namin?! Kelangan talaga dalawa?
"Si Zoe na lang po ang magpalit kay Almoneca!" frannie suggested. Napailing na lang si Zoe.
"Sorry, but I'm not interested. Saka isa pa, hindi ko saulo at alam ang steps ng mga contestant. Di ko nga alam kung saan ako pupwesto sa stage!" she reasoned out, sabagay, may point naman siya doon. Nag iisip silang lahat.
Nabigla kami noong magliwanag ang mukha ni ma'am. A brilliant idea popped up. Napangiti siya saka hinawakan ako sa dalawang braso ko. Nanginig naman ako.
" Lagi kang nanonood ng practice diba? For sure hindi ka maleleft behind! Eh halos masaulo mo na yung mga steps eh! Ikaw na lang Zayra ang mag substitute kay Almoneca!" napanganga ako sa bigla bigla nilang pagsang ayon ng lahat. I was surprised and at the same time, kinakabahan ako.
" At sa talent portion, magaling ka naman kumanta. Kaya mo yan! " zoe said while gazing at me. Ngumiti naman sakin si Frannie.
" At sa question and answer portion, matalino ka naman sumagot. Ases, ikaw pa? You can do it, Zayra!" masayang sabi ni Veronica sa akin. I just smiled a little saka napakamot sa ulo ko. Ahmm, pwede bang maghanap na lang sila ng iba?
"Please... Gawin mo ito para sa section natin." nabigla ako noong hawakan ni ma'am Yvonne ang mga kamay ko. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung kaya ko. Hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi.
Nabigla kaming lahat noong may lalakeng nagsalita sa may pintuan ng classroom namin. Nakasandal siya doon habang nakangiti sakin.
"Zayra, wag ng pabebe. Sumali ka na. If you can't do it for your section. Then please do this for me." inilahad NI Nyan ang kamay niya. Nakasmile siya sakin. Ang sarap sa pakiramdam na makita ang ngiti sa labi niya. Parang napawi ang kaba at takot na nasa dibdib ko.
Agad kong hinawakan ang kamay niya...
To be continued...
Salamuch sa pagbabasa. Love lots, MissShyPatheticLoser ❤️
P. S. Sorry sa typo errors, cp lang kase gamit ko sa pagtatype. Pasensya po.
BINABASA MO ANG
My Sweet Suitor (Completed)
Teen Fiction(Tagalog) Zayra Mendez's heart was shattered after that break up. It was a puzzle and mystery for her knowing that her ex's cousin, Nyan Dela Vegas, is courting her! Zayra wants to stop the courtship and make her ex, Jeyz Delos Santos, fall in love...