Chapter 26

1.2K 16 2
                                    

Chapter 26

Wow salamat sa 300+ na reads! Hindi ako makapaniwalang may nagbabasa nitong kwento ko. Hahaha. Love you guys. God bless muah muah chup chup xoxo, MissShyPatheticLoser ❤️

(Zayra Mendez's POV)

Nakauwi na ako matapos ang eksenang iyon. Bumili ako ng sundae sa mcdo pero itinapon ko na lang ito sa basurahan paglabas ko. Naiinis ako, ang sakit kasi. Nakakawalan ng gana kumain ng paborito kong sundae ng dahil sa mga kaganapan kanina. Nakarating na ako sa bahay at agad na dumiretso sa kusina.

"Antagal mo ata sa labas, anak?" bungad sa akin ni mama. Napangiti na lang ako ng pilit sa harapan ni mama saka inilapag ang mga pinamili ko sa lamesa.

"Akyat lang po ako sa kwarto ko." walang gana kong sambit. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung sa sagutin ko pa ba si Nyan mamaya sa Gala. Eh paano si Almoneca? What if mayroon na ngang namamagitan sa kanilang dalawa? Pero ang gago niya eh. Ako ang nililigawan niya tapos may nililigawan pala siyang iba! BWISIT.

Napahiga ako sa kama ko saka nag isip. Napatingin ako sa kisame saka napapikit saglit.

*Flashback*

"Zayra, hindi ko sinasadyang matumba kay Nyan kahapon. Wag ka magselos, ikaw lang mahal nun..." tumayo na siya saka tumitig muli sa akin. Kung minsan ang weird din ni almoneca. Ngumiti na lang ako ng pilit.

"Kausapin mo si Nyan. Wag mo siya iwasan ha. Di ka naman talaga pinagtaksilan ng nililigawan mo. Sadyang o.a ka lang mag isip." umalis na siya Matapos nun. Nanatili akong nakaupo dito sa bench. Nakatitig ako sa mga bulaklak. Nakakahiya talaga ako. Nabasa ni Almoneca yung mga thoughts ko. Tapos na laman niya pa na nagselos ako sa kanila.

*End*

Bigla kong naalala si Almoneca noong nasa botanical Garden kaming dalawa. What if tama ang si nasabi niya?! Paano kung totoong oa lang ako mag isip at friends lang naman talaga sila ni Almoneca?!

Si Almoneca na mismo ang nagsabi sakin noon na ako talaga ang mahal ni Nyan. Tama, sa Gala, aamin na ako at sasagutin ko na siya. Aaminin ko na ang nararamdaman ko. Sasagutin ko na siya mamaya.

Dumating na ang oras na pinakahihintay ko, nakaayos na ako. Si mama ang nag make up sa akin. I looks stunning in my gown. Ilang beses pa akong umikot ikot habang nakatingin sa salamin. Hindi ako makapaniwalang ang ganda ganda ko at bagay na bagay sa akin ang gown ko. Nakawagwag ang buhok ko na nakacurl. Nakabraid ang gilid nito at bagay na bagay sa akin ang make up ko.

Inayos ko ang ball gown ko, alam kong magugustohan ni Nyan ang suot ko ngayon. I'm pretty sure.

"Ihahatid na kita sa venue, anak."

"O sige ma, baka malate pa ako." kinuha na ni mama ang key ng car para makaalis na kami. Pag bukas namin ng pinto ay nagulat kami parehas noong may isang napakagarang kotse ang nakaparada sa labas ng Gate namin.

"Anak, yan ba yung kotse ng manliligaw mo? Di mo naman sinabing susunduin ka pala niya."

"Ma, Di ko rin po alam na susunduin niya ako." pagdadahilan ko. Pero nakaguhit ang malawak na ngiti sa labi ko. Excited ako na makita niya ako. Alam kong ma's lalong mahehead over heels sa akin si Nyan kapag nakita niya kung gaano ako kaganda ngayon.

Alam kong malulusaw siya kapag nakita niya ako sa ganitong kasuotan. Mas lumawak ang aking ngiti noong bumukas ang pinto ng kotse.

Nakatuxedo siya. Ang gwapo niya. Hindi pa ako nakakalapit sa kanya ngunit amoy na amoy ko mula rito ang mabango niyang amoy. Nakakainlove.

Ang gwapo gwapo niya sa kasuotan niyang iyon....

Sobra.

"Zayra" bulong niya sa pangalan ko, lumapit siya sa akin at nakita ko ang buong pagmumukha niya. Nanlaki ang mga mata ko.

Ang mga ngiti sa labi ko ay napalitan ng lungkot.

"O sya, yan na pala ang sundo mo. Sige na Zayra, mag ingat kayo ha. Text mo lang ako anak kung anong oras kita susunduin."

"Tita, ako na lang din po ang maghahatid sa kanya pauwi. Wag na po kayong mag alala." lumabas na ako sa Gate. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito. Hinding hindi.

Umupo ako sa passengers seat at umupo naman siya sa drivers seat. Kanina pa siya nakatingin sa akin, kung minsan ay sinusulyapan niya ako ng tingin.

" You really looks so stunning and wonderful in that gown." his husky voice gives me shivers. Ewan ko, pero parang nasira ang araw ko sa mga nangyaring kaganapan ngayon.

"Salamat, Jeyz." tipid kong sabi. Gusto ko na makarating sa venue para makita si Nyan....

To be continued...

Hi guys! Gawa gawa ko lang yung Horizon Hotel, dunno if nag eexist siya o ano. Short update lang ngayon kasi marami customers. Haha, thanks for reading! Xoxo, MissShyPatheticLoser ❤️

My Sweet Suitor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon