Chapter 15

1.6K 18 0
                                    

Chapter 15


(Zayra Mendez's POV)

"Maam!" yung adviser lang pala namin iyon. Napatingin ako sa kanya at malugod na tinanggap yung bottled water. Ininom ko ito dahil nakakauhaw manood ng practice nila.


"Anong ginagawa mo dito?" pagtatanong niya. Napangiti lang ako. Isa si maam Yvonne sa mga organizer ng pageant nato.




"Wala po, nanonood lang po ng practice maam. Support na rin sa HUMSS block 1!" masaya kong sabi. Natapos ang practice at nagsiuwian na rin kami. Pansin kong napagod si Nyan dahil nga ang nagtuturo sa kanila ay strikto. Noong nasa kotse na kami ay hinatid na rin ako ni Nyan pauwi.



" Bukas support mo ulit ako. Pwede ba? " napatingin ako kay Nyan na nagmamaneho ngayon ng kotse.


"Oo naman. Sige" sabi ko saka napatingin sa mga gusaling nadadaanan namin.



"Alam mo may napapansin ako sayo...." pagkasabi niya nun ay nilingon ko siya. Ano kaya ang napapansin ng kumag nato sakin?



Kung kagandahan lang ang pag uusapan, pwes matagal na yang issue dahil matagal nakong maganda. Charot.



"ano na naman, nyan?"


"Pansin kong pumapayag ka na sa akin. Dati kasi lagi mokong inaayawan at humihindi.." pagdadahilan niya. Napasimangot lang ako saka napailing.



"Adik ka ba? Syempre kasi komportable nako sayo saka friend na kita kaya sinasamahan kita. Anong masama doon?" pagtataray ko sa kanya, ngumisi na naman siya saka tinitigan ako ng maigi. Buti na lang at traffic kasi kung tinitigan niya ako habang nagmamaneho baka mabangga kami sa mga kotseng nasa unahan.


Tumaas ang kilay ko noong titigan niya ako lalo. Napabuntong hininga siya.


" To be honest, hinalikan moko nung gabing iyon. You kissed me torridly, you even thought na ako si Jeyz... You're shouting and screaming na mahal na mahal mo si Jeyz. Then noong tumigil akong halikan ka. Sinabihan moko kung bat ko itinigil." halos lumuwa ang mata ko sa confession niya, ganun ba talaga ako kabrutal at kadesperada? Ako pa talaga ang humalik sa kanya nun?



Nahihiya ako sa kanya. Napakabaliw ko nung mga panahong iyon. Buti na lang at wala akong maalala. Fck.


" Zayra, tell me, will you still stay by my side and be my friend? Alam kong ayaw mo sakin at ang malala pa, ganun nga ang nangyari. Alam kong sobrang nahihiya ka sa mga pangyayari at naiinis. Pero ano pa ba ang magagawa ko. Nung mga panahon na iyon, inaamin ko, ginantihan din kita ng mga halik. I was so tempted to taste your lips. And so i did. Pero wala ng nangyaring iba maliban doon, matapos mo akong halikan. Inuwi na kita sa bahay ninyo nun dahil baka may mangyari pang mas hindi natin inaasahan at kagustuhan....." he breathed heavily saka seryosong tinignan ako.




" I just want to say sorry.... " hinawakan ko ang labi ko. So ibig sabihin hindi na virgin ang lips ko? Emeghed. I can not take this! Pero sa isang banda, nakita kong sincere si Nyan sa lahat ng sinabi niya.



Hindi ko siya inimik. Wala akong masabing iba kundi...



" Thank you" napatingin siya sa akin. Nagtataka si Nyan na nakatingin.



"So you're thanking me for kissing you back?" pagtatanong niya. Hinampas ko ang braso niya saka tumawa na lang.





"gago! Thank you for being honest, yun ang sasabihin ko! Kahit anong mangyari, friend pa rin ang turing ko sayo."we're being too emotional, parang nagdadrama kami na ewan. Napuno ng kurutan at wagas na hampasan at gantihan ang susunod na mga nangyari samin sa loob ng kotse.


Nakauwi na ako sa bahay. Nagpalit ako ng damit saka napahiga muna sa kama. Napatingin ako sa vase na nasa side table ko. Tinitigan ko ng maigi ang mga sunflower na yung iba ay wala ng petals.


"Buhay ka pa pala.." para akong timang dahil kinakausap ko yung mga sunflower. Bigla kong naalala yung mga panahon na binigay ito sa akin ni Nyan. Napangiti ako ng malawak.


"Anak, bat nakangiti ka?" nabigla ako noong pumasok si mama sa kwarto ko....


(Almoneca Delion's POV)

Inaamin ko na natakot ako kay Jeyz kahapon. Hindi ko alam na ganun pala siya magalit. Natatakot na ako sa kanya. Pero hindi ko mapapalagpas at mapapatawad kung sino man ang nagpakalat ng chismis na iyon.


Nandito ako ngayon sa bahay nila Jeyz. Tinawagan niya ako kanina  kaya naman pumunta kaagad ako dito kahit na hindi pa tapos ang practice. Hingal na hingal ako noong makarating ako sa bahay nila. Nagcommute lang kasi ako at nilakad-takbo ko na lang simula sa entrance ng village nila papunta dito sa bahay nila.



"Almoneca, bat nandito ka?" napatingin ako kay Nyan na kakarating lang. Nasa sala ako at hinihintay ko na bumaba si Jeyz mula sa kwarto niya.



"Ah.. Si Jeyz. May pag uusapan lang kami." pagsisinungaling ko. Pero ang totoo ay pinatawag ako ni Jeyz dahil marami siyang iuutos sa akin. Napatitig si Nyan sakin saka namumulang napakamot sa batok niya.


"Alam mo kasi almoneca, gusto kong itanong kung..." napakagat siya sa labi niya. Ano ang nangyayari kay Nyan?



"Kung... Pwede ka ba bukas ng hapon? I mean, kain lang. Ganun. Libre ko. Sana pumayag ka kasi kapag hindi ka pumayag, malulungkot ako. Haha!" he faked a laugh saka muling napakamot sa batok niya. Napangiti lang ako sa kanya.


"You mean... Date? Parang ganun ba, Nyan?"


"Ha?! Hindi, almoneca. Hahaha! Hindi yun date, wag ka namang mag isip ng ganyan. Alam mo namang may nililigawan na ako, diba?" natatawang sambit ni Nyan. Tawa lang siya ng tawa, halatang namumula siya. Teka, may sakit batong si Nyan? Bat nga pala namumula siya?


" ALMONECA! "nabigla ako noong may sumigaw mula sa hagdanan. Nakita ko ang nakakunot at galit na mukha ni Jeyz na nakatingin sa aming dalawa.....

My Sweet Suitor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon