Chapter 17
(Almoneca Delion 's POV)
Napalunok ako noong hawakan ni Zoe ang balikat ko. Mariin niyang idiniin ang kuko niya sa balikat ko. Malakas ang loob niya na gawin ito porket konti lang kaming mga estudyante ang nasa loob ng classroom ngauon.
Hinatak niya ako, dinala sa labas. Noong nasa labas na kami ay inakbayan niya ako at pasimpleng ngumingiti sa mga kakilala niyang nasasalubong sa hallway. Nasa likuran namin ang mga kaibigan niya na kanina pa nakangisi.
Noong makarating kami sa abandonadong roof top sa gilid ng building ng college ay malakas niya akong Tinulak kaya naman napaupo na lang ako sa semento.
Hindi ako umimik. Tumayo lang ako saka tinitigan sila isa isa. Nakapamewang si Zoe na tumingin sa akin. Inggit kasi kaya ganyan ang ugali. Alam ko na matagal na siyang may galit sakin, kalaban ko siya noon sa pagtakbo pero ako ang nanalong vice president ng SC. Kalaban ko rin siya sa ibang mga contests pero ako ang nanalo. Simula elementary alam kong malaki ang galit niya sa akin. Lalo na noong nakikita niyang madalas na kaming magkasama ngayon ni Jeyz.
Si Jeyz lang naman ang nag iisa niyang gusto. Simula elementary...
"Zoe, kung galit ka pa rin sakin hanggang ngayon. Please naman, patawarin mo nako. Ilang beses na natin itong napag usapan.."
"Shut up, Almoneca! Inaamin ko na hanggang ngayon, masakit pa rin. Fck you for snatching my boyfriend.." napayuko na lang ako saka napabuntong hininga. Hindi ako ang umahas sa boyfriend niya noon. At ma's lalong hindi ako ang sumira sa friendship namin NI zoe dahil boyfriend niya ang sumira sa amin. Hinding hindi ko iyon magagawa sa best friend ko. Higit da lahat, wala akong inagaw sa kanya. Wala!
Walang wala....
" Hindi ko na kailangan pa mag explain, Zoe. Kasi kahit na Ilang beses pa ako sayo mag explain, Hinding hindi mo pa rin ako maiintindihan." nabigla ako noong sinampal niya ako. Ang hapdi, sobra. Nanginig ang buong pagkatao ko noong gawin niya iyon.
"Matagal na SANA tayong magkaibigan, pero ano ang ginawa mo? You ruined our relationship! Tapos ngayon si Jeyz aagawin mo rin? Fck you, almoneca. Lahat na lang ng sa akin, kinuha mo!..." nabigla ako noong umiiyak na siya. Ako ba ang masama? Ako ba ang nagkasala?
" Ikaw ba yung babaeng nasa record? Kaboses mo kasi eh, gusto ko lang itanong kung bakit pati si Zayra ay nililihim mo pa ang katotohanan sa kanya! Totoo naman ang chismis, diba? She should know the truth! Sagutin moko!" napatikhim ako saka napapikit. Ayokong sabihin sa kanya ang lahat. Hindi na dapat ito nangyayari pa. Shit. Hindi pwedeng masali dito si Zayra. Hindi rin pwedeng masali dito si Nyan, lalong lalo na si Jeyz.
Baka kung saan pa mapunta ang usapan namin kung ikekwento ko ang lahat.
"Pakinggan moto!" sigaw niya sakin. Plinay niya yung record. Nabigla ako sa mga narinig ko. Pero hindi ko na Ito pinatapos pa na pakinggan, nagsalita nako.
" Aalis nako... " tinalikuran ko na siya. Masakit para sakin. Naging magkaibigan kami dati pero ganun ang nangyari. Nasira ang friendship namin ng dahil lang sa isang lalake.
"Kung akala mo na inaagaw ko ang lahat sayo, nagkakamali ka dyan Zoe. Hindi ko inagaw at wala akong inaagaw sayo." diniinan ko ang pagkaka sabi ko saka naglakad paalis. Pero bigla niyang hinila ang buhok ko.....
(Zayra Mendez's POV)
Nandito ako ngayon sa gym. Pinapanood ko si Nyan na rumampa sa stage. Witwew. Gwapo talaga ng asawa ko. Dejoke.
BINABASA MO ANG
My Sweet Suitor (Completed)
Novela Juvenil(Tagalog) Zayra Mendez's heart was shattered after that break up. It was a puzzle and mystery for her knowing that her ex's cousin, Nyan Dela Vegas, is courting her! Zayra wants to stop the courtship and make her ex, Jeyz Delos Santos, fall in love...