Chapter 42
Salamuch po sa mga nagbabasa! This chapter is dedicated to @KimberlyKhemmsChevan and @jezsahvel
(Zayra Mendez's POV)
Napamulat ako ng mga mata ko saka napakusot. Napaunat ako habang nagmumuni muni. Ilang oras din akong tulog at ang sarap ng tulog ko! Haaayst. I grabbed my phone, ghad, puro text ni Jeyz. Kinakamusta niya ako sa text niya, mga sweet messages karamihan. Napailing na lang ako.
Gabi na pala, I guess kailangan ko ng pumunta sa dining area to have some supper. Kumukulo na ang tyan ko. Isinuot ko ang tsinelas ko saka nag simula ng maglakad palabas.
Pagkalabas ko, nakita ko si Nyan na nakangiti sa akin ng malawak. Yung ngiti na talagang mafafall ka sa kanya, so far, sa tingin ko yung smile niya yung best asset niya. Napahawak siya sa ulo niya saka ginulo ang buhok niya.
"Alam mo Zayra, parang handa na ako sayo.. " natigilan ako doon saka Napailing habang nakangiti. Para talaga itong sira, yan na naman ang mga banat niya na ubod ng korni.
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at itinapat ito sa may dibdib niya na kung saan nandoon ang heart niya. I could feel his heart beating fastly. Napaangat ang tingin ko sa mukha niya, ang lawak ng ngiti niya sa akin ngayon.
"... handa na akong mahalin ka, handa na akong makasama ka, kaya Zayra.." hinawakan niya iyong kamay na nakalagay sa dibdib niya, inilagay niya naman ito sa pisngi niya. Dinama niya ang lambot ng kamay ko na nakapatong sa pisngi niya habang nakapatong ang isang kamay niya sa kamay ko.
" pinapangako kong mas iingatan kita, mas mamahalin ka at mas papasayahin ka." napakunot ang noo ko. Alam ko ng matagal na siyang korni, pero mas naging exaggerated ata siya ngayon. Tinanggal ko yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Kinurot ko ng madiin ang pisngi niya. Napahawak siya rito at napakamot sa pisngi niya na namumula na.
"Aray naman, baby."
"Ano ba nyan, tigil tigilan moko sa endearment na yan ha. Wag mo nga ako tawagimg ganyan, nakakaasar ka na!" inirapan ko siya saka naglakad na ako, mas nauna akong naglakad sa kanya. Pero tumakbo siya at sinabayan ako sa paglalakad papunta sa dining area.
" After natin kumain, sa beach tayo mag bonfire? " I just smiled at him at tumango. Besides, Ilang araw na lang ay uuwi na kami dahil pasukan na naman. Pero okay lang, naging memorable naman sa akin ang semestral break ko.
"Zayra alam mo kasi.." hinawakan niya ang kamay ko at pinag intertwined ang mga daliri niya sa daliri ko. Mahigpit niya itong hinawakan.
"... Mas okay siguro kung hawak kamay tayong maglalakad. Syempre gwapo ako kaya dapat lang na chansingan mo nako." he smirked at me, Napailing na lang ako sa kanya. I just let him do whatever he wants to do with me.
"Talaga nyan? Eh mukhang ikaw nga ang nana-nanching dyan."
(Almoneca Delion's POV)
After ko kumain mag isa sa dining area ay dumiretso ako sa may dalampasigan ng resort. Nandoon kasi sila Zayra at Nyan sa isang malaking bonfire, mayroong nga turista sa lugar kaya medyo nahirapan din ako sa oaghahanap sa kanila.
Noong makita nila ako ay kinawayan nila ako from afar kaya nakita ko kaagad sila. Nakaupo sila sa isang log ng puno na malaki. Pero habang papalapit ako sa kanila, hindi lang pala silang dalawa ang nandoon. They're with someone else.
"Almoneca! Halika dito! Kwentuhan tayo!" masayang sabi ni Zayra pag dating ko doon, they're with Zoe, Veronica, and frannie. Napakurap ako, kakaiba ang tingin nila sa akin, lalo na ni Zoe. Tila para bang may krimen akong ginawa at kinamumuhian nila ako.
BINABASA MO ANG
My Sweet Suitor (Completed)
Teen Fiction(Tagalog) Zayra Mendez's heart was shattered after that break up. It was a puzzle and mystery for her knowing that her ex's cousin, Nyan Dela Vegas, is courting her! Zayra wants to stop the courtship and make her ex, Jeyz Delos Santos, fall in love...