Chapter 28

1.3K 20 0
                                    

Chapter 28

(Zayra Mendez's POV)

Dumiretso muna ako sa cr. Magreretouch muna ako bago ako haharap kay Nyan. Bago ko sa kanya aaminin ang lahat.

Noong nakarating na ako sa cr ay humarap ako sa salamin. Kinuha ko ang pouch ko and started putting make up. Magreretouch ako para maganda pa rin ako kapag kaharap ko si Nyan.


"Urrrrk." I was surprised noong lumabas sa isang cubicle ang isang matangkad at magandang babae. She really looks familiar.

"Pahinging tissue please." agad akong kumuha ng tissue na nakaroll sa gilid ko at agad kong ibinigay sa kanya. Pinunasan niya ang bibig niya. Lumapit ako sa kanya noong marecognize ko kung sino iyon.

"Ma'am Yvonne?! OK lang po ba kayo?" hinagod ko ang likod nito. She tried her best to smile pero bigla ulit siyang sumuka sa sink. Muli kong hinagod ang likod niya. After nun ay nagmumog siya ng tubig saka pinunasan ng tissue ang bibig niya.

"Ma'am, baka buntis kayo ah. Hahahaha." nag joke ako para maging ease yung atmosphere. Buti na lang at kami lang ang nandito sa ngayon.

"Hindi ako buntis! Masakit lang ang ulo ko at masama ang pakiramdam ko." napaka defensive niya ata at iba ang tono ng boses niya. Tumango na lang ako saka ngumiti.

"May nurse po sa gilid ng entrance. Yung head nurse po ay nandyan, baka gusto niyong samahan ko kayo doon." kapag may mga event, laging kasama ang mga nurse sa school namin just in case na may emergency na mangyari.

Nabigla ako noong nanlaki ang mga mata niya saka mahigpit na napahawak sa lababo to maintain her balance. Napahawak siya sa noo niya.

" H-hindi na kailangan pa. K-kaya ko naman ang sarili ko."

"Pero ma'am Yvonne! Kung ayaw ninyo, ikukuha ko na lang kayo ng gamot."

"WAG! What I mean is that, you should enjoy the gala. Wag mo na ako alalahanin, I can handle myself. Sige na, umalis ka na." napakurap ako sa mga sinabi niya. Sinusubukan kong intindihin siya kaya naman umalis na lang ako sa comfort room. Besides, matanda na rin naman si ma'am Yvonne. Nasa line of twenties na siya at kaya niya na ang sarili niya.


Paglabas ko sa confort room ay inikot ko ang mga mata ko sa buong lugar. I badly want to see Nyan. Gusto ko rin siya makausap. Naweweirduhan na ako dahil parang hindi niya na ako kinakausap these past few days. Iniiwasan niya ba ako?!


"And for the highlight of tonight's grand event!" sigaw ng emcee which is si President Mike. Biglang binuksan ng mga waitress ang malaking pintuan papunta doon sa Garden na mayroong swmiing pool ng Horizon Hotel.

Nagsilabasan ang mga tao. Halos madala na rin ako ng crowd. Nakikipagsiksikan ako sa mga tao. Nakakairita, idagdag mo pa na muntik na akong ma out balance dahil nga ang taas ng heels ko.

Noong nasa Garden na kaming lahat ay nakita namin ang ganda ng buwan at mga bituin sa langit. Lahat sila ay nakatingala, so saan doon ang highlight ng event?!


Si Nyan ang hinahanap ko. I must find him. Hinawakan ko ang ball gown ko para madali akong makatakbo at para hindi ko ito maapakan.

While I was running and finding Nyan, gumuhit sa kalangitan ang mga fireworks. Hindi ko ma explain kung gaano sila kaganda. Ibat ibang kulay ang nagsabog sa kalangitan. Napangiti na lang ako sa mga nakikita ko.

Nagsilabasan na ang mga cellphone, mayroong nag video at nagpicture. Napatingin ako sa isang lalake na nakatayo Di kalayuan. I know it was him. I know na si Nyan iyon.

My Sweet Suitor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon