Chapter 2

3K 61 2
                                    

Chapter 2

Hingal na Hingal ako noong makauwi ako sa bahay, dinouble check ko pa kung nalock ko ang gate at pinto namin. That freak! Muntik niya na akong halikan kanina, buti na lang at naitulak ko siya palayo at kumaripas na ako ng takbo pauwi sa bahay namin.

Grabe, mas nakakatakot pa yung unggoy na yun kaysa sa White lady.



"Mukhang hingal na hingal ka, anak." napatingin ako kay mama noong mapansin niyang hinahabol ko ang hininga ko. Binigyan niya ako ng isang basong tubig, agad ko naman itong ininom at umupo muna sa sofa namin.


"Mukhang may nanliligaw sayo ma" napansin ko ang isang bouquet ng roses na nakapatong sa lamesa. Napangiti lang si mama ng kinikilig saka napailing.


"Naku, kaofficemate ko nagbigay niyan," medyo nahihiyang sabi niya sa akin. Namatay si papa 5 years ago, isa siyang piloto at nagcrash ang airplane na sinasakyan nila.


Sa totoo lang, nakamove on na kami sa kamatayan ni papa. Kaya naman happy ako kay mama kung may mga manliligaw siya, sinusuportahan ko nga siya kung makikipagdate siya.


"Basta ma, ipakilala mo muna sakin lahat ng manliligaw mo para ma background check ko ah" tumawa lang si mama saka ngumiti sakin. Ases, parang timang naman itong si mama.



Nakakabitter kasi halatang kinikilig siya.

Kung sana masaya rin ang love life ko, katulad ng love life ni mama....

.

"kumain muna tayo, anak." matapos kumain ay dumiretso ako sa kwarto ko para magreview. Exam namin bukas at parang wala ako sa sarili ko ngayong gabi.




Kasalanan ito ng Nyan na yun eh!


Kapag bumagsak ako bukas, kakatayin ko talaga ang unggoy na yun!

Habang nagbabasa ay bigla Kong naaalala ang ngisi at pang aasar ng adik na yun. Napabuntong hininga na lang ako saka pinukpok ang libro sa ulo ko.


"argh! Bahala na bukas!" natulog na ako ng maaga, wala naman kasing pumapasok sa utak ko kahit anong gawin ko.


Kinaumagahan ay maaga akong umalis sa bahay namin. Sinara ko na ang gate ng bahay. Nabigla ako noong makita ko ang isang itim na kotseng nakaparada sa harapan ng bahay namin.


Nakangisi siya habang nakasandal sa kotse niya. Naka shades pa siya. Ang yabang!




"hatid na kita?" sabi niya saka tinanggal ang shades sa mata niya. Pacool niya pang kinindatan ako.


Gwapo ka sana, kaso lang ang yabang mo.

"kaya ko maglakad mag isa, Nyan. May paa ako."


"Ayokong mapagod ka, nililigawan pa naman kita." masaya niyang sabi saka binuksan na ang pintuan ng kotse niya.


"Ayoko, Nyan. Ayokong sumakay sa kotse mo kahit anong mangyari! Mauna ka na, maglalakad na lang ako." cold kong sabi sa kanya, natawa lang siya sa akin saka umiling iling.


Ano kaya ang nasa utak ng unggoy nato!?


"Tao po! Tao po!" Nabigla ako noong sumigaw siya sa may gate namin at kinatok niya ito ng kinatok.

Teka....


"Tao po! Tita, manliligaw po ako ng anak niyo! Tao po! Papasukin niyo po ako, gusto ko po kayong makilala tita!" sigaw niya, parang timang ito! Kaasar. Hinila ko siya papasok sa kotse noong marinig ko ang boses ni mama na binubuksan ang Gate.




Bago pa mabuksan ni mama ang gate ay naisara ko na ang pintuan ng kotse. Hindi kami nakikita sa labas dahil tinted naman ang salamin nito.


Nagtago kami ni Nyan sa back seat. Hayop na lalakeng ito! Eh wala nga akong balak na ipakilala siya kay mama!

Nakakahiya kaya. Saka isa pa, hindi ko naman siya gusto kaya hinding hindi ko siya sasagutin!


"sino yun?" sabi ni mama sa labas, nakita Kong napailing si mama habang palinga linga sa paligid niya.


"Gagu ka Nyan, paandarin mo na ang kotse! Dalian mo!" sigaw na pabulong ko sa kanya, pumunta siya sa drivers seat at nagsimula ng mag drive ng kotse. Nakahinga ako ng maluwag noong makalayo layo na kami sa bahay.


Nakahinga ako doon ng maluwag.

Ayoko talagang makilala siya ni mama, ayoko!



Napakunot ang noo ko noong makita Kong tawa ng tawa si Nyan habang nagdadrive ng kotse. Ano kaya ang nakain ng unggoy nato? Gwapo sana kaso lang mukhang sira ulo.


Tawa ng tawa wala namang nakakatawa.

"oh? Anong nakakatawa, Nyan? Bilisan mo nga magmaneho at baka malate nako!" medyo may katarayan kong sambit, napatigil siya sa pagtawa sa sinabi kong yun.


"Akala ko ba hindi ka sasakay sa kotse ko kahit anong mangyari?"


Eh?

Oo nga no?

O_____O?

MissShyPatheticLoser's note : salamat sa pagbabasa kahit na alam ko namang wala. Hahaha! TBH, yung first part ng story ay nagawa ko last year pa. Tapos ngayon ko lang siya tinuloy, sorry kasi hindi ko makuha yung mood at style ng pagsusulat ko noon kumpara ngayon. Yun lungs~

My Sweet Suitor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon