Chapter 22

1.3K 18 1
                                    

Gustong gusto ko mag dedicate ng chapter para sa mga readers nito kaso lang hindi ko alam kung paano. Haha. Sorry guys. Pero salamat sa inyo, kilala niyo naman kung sino kayo. Lab you all. ♥️💋

Chapter 22

(Almoneca Delion's POV)

Ang layo ng byahe. Ghad, saan ba kasi ako dadalhin ni Jeyz? Nabigla ako noong mag park na kami. Nasa isang coffee shop kami ngayon. Pumasok kami doon, he ordered two wintermelon smoothies at fries. Bukod sa coffee ay may mga snacks din sila ditong in ooffer.

Ang ganda ng Place. Very relaxing, konti lang kaming mga tao dito. Umupo kami doon sa gilid, malapit sa glass window. Inilapag ni Jeyz doon ang mga gamit. He opened the laptop saka tumingin sakin ng matalim.

"Ituloy mo yung hindi mo natapos kagabi." he commanded, napabuntong hininga na lang ako. I gulped, bubugbugin ako ng mga classmates ko dahil anong oras na ito. Malamang hinahanap na nila ako sa campus! Or worst, baka pumunta pa sila sa bahay namin!

"Jeyz, aware ka naman na kasali ako sa pageant diba?"

"Wala akong pakialam, Almoneca. Ang mahalaga, matapos mo ang pinapagawa ko sayo." seryoso at malamig niyang sabi. Aalis na sana ako pero hinawakan niya ng maigi ang kamay ko. Nagkatitigan kami ng matagal. Hindi niya ako hinayaang makatakas. Ang higpit ng hawak niya sa kamay ko.

" Malaki pa ang atraso mo sakin, hindi pa nalilinis ang pangalan ko sa campus." I gulped, naalala ko na naman ang lahat. I know that it's my fault pero baka pwede naman sigurong wag ko muna gawin itong pinapagawa niya. Heck! Ma's mahalaga ang pageant kaysa dito sa paper works na pinapagawa niya!

" Pero Jeyz... " he stared at me angrily. Hindi na ako nakapalag pa. Ayoko naman na mag away kami dito sa coffee shop at ayoko rin na makahakot kami ng atensyon. I'm not that kind of person na attention seeker.

Umupo akong muli saka humarap sa laptop. I started encoding, kating kati na ako magbukas ng messenger sa laptop para machat ko ang classmates ko or si ma'am Yvonne pero nabigla ako noong mas lumapit siya sa akin lalo sa tabi ko. He was staring at me seriously. Para bang may gawin lang ako na mali ay kakatayin niya ako na para akong ba boy.

Gash, bat nakakatakot ang tingin niyang iyan?

"Subukan mong mag sumbong, ill definitely punish you!" I gulped in fear, gusto ko siyang sagutin pero nanatili na lang akong tahimik. Mukhang mabubully na naman ako nito. Kasalanan ko na naman ata kung bat madidisqualified ang section namin sa pageant.

(Zayra Mendez's POV)

" Good morning ladies and gentlemen! The program is about to start." nag aayos na lang sila doon sa front stage. Napapikit ako. Inaayusan na ako ng make up artist ni Almoneca. Nakasuot na rin ako ng white t shirt at jeans. Gosh, kinakabahan ako. Alam na alam ko yung mga steps pati yung pwesto ni Almoneca sa stage.

Eh halos araw araw ba naman akong nanonood ng practice nila para lang suportahan si Nyan!

"OK na yan. Go na. Lika na. Mag start na." dali dali akong tumayo. Napapatingin sakin yung ibang mga contestants. Tama lang yan, you should feel threatened dahil dyosa ang kalaban niyo. Wahahaha.

Napatingin ako sa likod. Hindi pala ako ang tinitignan kundi si Nyan na nasa likuran ko. Napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa.

Shit! Is that him? He really looks hot wearing that shirt. Simple lang pero ang lakas ng appeal. May konting make up na inapply sa mukha niya. But it doesn't matter! Ma's lalo siyang nagmukhang model.

Bakat na Bakat ang magandang pangangatawan ng Nyan na Ito. Napakagat ako sa labi ko. Fck, Di ko maalis ang tingin ko sa katawan niya.

"Zayra, ok ka lang? Galingan mo ha? Kase gagalingan ko. Nga pala, wala pa rin si Almoneca? Nasaan na kaya siya? May idea ka ba kung bat hindi siya pumunta dito?" napabuntong hininga ako. Lumapit lang pala siya sakin para itanong si Almoneca.

My Sweet Suitor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon