Chapter 33

1.3K 19 3
                                    

Chapter 33

(Zayra Mendez's POV)

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng baboy natong ashen. Ano raw? Napatingin ako ng masama kay Nyan. He's just smirking at me. Akala ko ba iniiwasan ako ng gagung to? Eh bat ngauon mukhang nang aasar na naman ang galunggong nato?!

"Dali na. Ang lakas na ng iyak ni Ashen. Pumayag ka na halikan kita, sa lips lang naman eh." nag init ang dugo ko kay Nyan. Hindi ko rin siya maintindihan. Nakakairita. Akala ko ba iniiwasan niya ako noong mga nakaraang araw at ini snob?! Tapos ngayon ngingisian niya ako at aasarin?

" Uwaaaaaaahhh " ngawa ni Ashen na nakaupo pa rin sa gilid ng pool.

" Halikan mo ang mukha mo, Nyan. Mabuti sana kung ikaw si Jeyz." Naiinis ako kaya naman yun na lang yung nasabi ko. Biglang nawala yung ngisi sa mga labi niya noong binanggit ko ang pangalan ni Jeyz. But actually, I really don't mean it.

I just lied.

" OK. Ang arte mo naman. Eh dalawang beses na nga tayong nagkahalikan. Tss." tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa gilid ng pool saka tinitigan ako ng matalim. Naiinis akong Napatingin sa kanya. Kailangan ba talaga ang lahat ipaalala? Nandidiri ako sa sarili ko habang naaalala ang first kiss ko sa Beach na kasama siya at iyong nasa may locker area kami ng school naman ang pangalawa. Argh! Sinasadya niya bang mang asar o talagang in born talent niya na ang mambwiset?!

"Excuse me, ako na lang ang pupunta sa room ni Almoneca." dinaanan niya lang ako saka seryosong umalis sa harapan ko. Lumapit na lang ako kay Ashen na pa tuloy pa rin sa pag ngawa. Nakakainis naman itong ashen nato. Itutulak ko nato, pigilan niyo ako!

"ASHEN!" biglang tumahan si Ashen noong may sumigaw mula sa likuran. Agad siyang tumayo atsaka pinunasan ang mga luha sa mga mata niya. Napatingin ako sa lalakeng sumigaw na iyon.

Matanda na siya, siguro mga nasa 50's, but he's handsome. Napakatangkad niya at napakatangos ng nose line niya.

"D-dad.." nanginginig na sambit ni Ashen. Lumapit iyong lalakeng iyon sa amin.

"Sorry miss sa katarantaduhan ng anak ko nato. Sinabi na sa akin lahat ni Almoneca ang mga pinanggagawa ni ashen sa inyo." medyo nahiya ako doon. Ghad, nakakatakot siya magsalita. Napangiti na lang ako ng malawak saka napailing iling.

"Naku sir, h-hindi naman po nakakainis si Ashen. Actually, nakakatuwa po siyang bata at napakabait niya po. Hindi po siya makulit." biglang tumakbo sa akin si ashen at niyakap ang bewang ko. Ramdam ko ang takot at nginig ni Ashen. Ang bilis ng heartbeat niya.

" Ganun ba? ASHEN! LIKA NA! "

" D-dad, n-no. I don't wanna! "

" ASHEN! " Ramdam ko ang tensyon at kaba. Walang pakialam sa amin yung mga staffs at ibang guests sa resort. Niyakap ko na lang din si Ashen saka kinarga ito.

"Sir, hindi niyo naman po kailangang magalit kay Ashen. Napakabait niya nga pong bata eh. Hindi po siya nagpapakulit samin. Tuwang tuwa nga ako kay Ashen eh. Umiyak lang po siya kanina dahil ahm.. Ano.." nakita ko si Nyan na naglalakad papunta dito sa pool.

".. Ahmm.. Kinurot po kasi ni Nyan itong si Ashen. Si Nyan po iyong manliligaw ni Almoneca. Napaka brutal po talaga ng lalakeng iyon sa mga bata. " Napatingin lang sa akin ng seryoso ang tatay na iyon ni Almoneca. Napangiti siya sa akin.

"OK sige, gusto ko ma kausap ang Nyan na iyang sinasabi mo." noong matanaw kong malapit na si Nyan sa kinalulugaran namin ay napangiti na lang ako sa daddy NI almoneca habang karga karga ko si Ashen.

"Ahm.. Sir, excuse po. Maglalaro lang po kami ni Ashen sa playground." tumalikod na ako saka mabilis na naglakad papunta sa mayroong playground. Wahahaha, patay kang Nyan ka. Sana mapagalitan ka at ipa kick out sa beatlch resort nato!

My Sweet Suitor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon