Chapter 35

1.4K 24 8
                                    

Chapter 35

(Nyan Dela Vegas' POV)

For almost half an hour ako tumugtog at kumanta, its a great thing na rin na alam ng base guitarist at pianist ang chords ng mga tinutugtog kong kanta kahit wala kaming rehearsal. Talaga ngang mga professionals itong mga nakajam ko ngayong gabi. I bowed and thanked the audience after that marvelous performance. Bumaba na ako sa stage saka umupo ako saglit sa table ko. I keep on looking in my phone pero wla pa ring call or text man lang na galing kay Almoneca. Nasaan na ba siya?

Tumayo na lang ako saka naglakad sa buhanginan pabalik sa mga rooms. Baka nakatulog siya o ano. Sayang, hindi man lang namin na enjoy gaano ang first day dito sa resort.

Idagdag mo pa SI Zayra na gumawa gawa ng kwento kaya nagalit sakin ang daddy ni Almoneca. Tsk!

"I heard your voice a while ago and I really like your style of singing and your way of playing the guitar, I hope we can jam together someday. Uhmm, hey, I was wondering if I can get your number?" I was surprised noong may isang matangkad na babaeng humarang sa dinadaanan ko. Iba talaga ang kamandag ko. Tumugtog lang ako sa stage, may nagkagusto na agad sakin! Hehe.

"Of course! By the way, my name is Nyan. And you?"

"I'm Fearly, are you single?" at nagpalitan na kami ng number. Nagtatawanan kami at masayang nagkekwentuhan. But I was surprised when someone clutched my phone.

"Hoy!" nabigla ako sa nang agaw na iyon ng cellphone. Napatingin kami parehas sa taong iyon ni Fearly.

"Ashen! Akin na yan," kalmado kong sabi. He's staring at me intently at parang gigil siya sakin. Oh? Wag mo sabihing type din ako ng bata nato? Bakla ba to?

"kay ate Zayra mo lang dapat binibigay number mo!" sigaw niya. Gigil siya at parang gusto niya ako suntukin. Pero hindi ako natatakot, syempre bata yan, alangan namang patulan ko, edi nademanda pako diba? Ayoko naman makulong,wag ganun. Chill lang.

"Ashen, stop being so naughty ha. Akin na yang phone ko." naiirita kong sabi, bigla niyang binulsa ang phone ko.

"No way! I will not give this phone to you!"

"Ashen! Wg na makulit!" sigaw ko, Napatingin ako kay Fearly saka nginitian ko siya ng matamis.

"Excuse me, miss beautiful. Babalikan kita, kunin ko lang cellphone ko hehe." tumakbo na ako sa buhanginan, pero halos matumba tumba ako dahil sobrang soft ng buhangin dito plus its already night time kaya ang hirap maaninag ni Ashen.

Inayos ko ang salamin sa mga mata ko habang hinahanap ko si Ashen. Nasaan na ba kasi siya?

Magkakaroon na sana ako ng chix. Panira talaga ang batang iyan.

"Kuya Nyan!" lumapit na siya sa akin saka tumakbo. Hawak hawak niya pa rin ang phone ko.

"Kuya Nyan,heto na phone mo oh." kinuha ko ang phone ko. Tss, Di ko rin maintindihan ang batang ito. Kinuha kuha niya sakin ang phone ko tas ibabalik niya rin pala sa akin. I looked at him saka kinurot ang pisngi niya tutal ang chubby ng cheeks niya

"Nasaan si ate almoneca mo?"

"Po? Nasa hideout po. Doon sa may basement. Hinihintay niya nga po kayo doon. Sunduin niyo raw po siya doon." he grabbed my hand and drag me. Napakunot ang noo ko. Saan kaya ako nito dadalhin? Hayst, sasama na lang ako sa kanya tutal kanina ko pa hinahanap si Almoneca.

Nakrating kami sa dulo ng resort. Wala ng mga ilaw dito. Nakakapangilabot. Mayroong sira sirang rooms dito. Nabigla ako noong ituro niya iyong dusty na pintuan at may mga scratches. Nakakatakot. Nanlambot ang mga tuhod ko ng dahil sa amoy na nakakasulasok din.

My Sweet Suitor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon