MissShyPatheticLoser's note: salamat sa pagbabasa! Sana ma enjoy niyo Ito. Sorry kung oa at Medyo korni. Hirap mag type sa cp eh. Di ako sanay. Vote and comment lang kayo, wag mahiya. Hehe.
P. S: Nyan is pronounced as NA-YAN 😘😘 God bless!
Chapter 1
Ilang linggo na rin ang lumipas noong pakiligin ako ni Nyan. No, scratch that, hindi ako kinilig kundi ininis niya lang ako. Hanggang ngayon, inaamin ko na mahal na mahal ko pa rin ang ex ko.
Pano ba naman kasi, almost mag ti-three years na kami ni Jeyz Delos Santos, he's not just a handsome hunk but he also has a good heart.
Nainlove ako sa kanya kasi niligawan niya ako for 3 months, syempre dalagang filipina ako kaya naman nagpahard to get muna ako. Matapos ang 3 years na pagsasama namin ay bigla na lang siyang nag iba, iniiwasan niya na ako, tapos nakipagbreak na lang bigla.
Ang dahilan niya? Sawa at pagod na raw siya.
Inaamin ko namang marami rin akong pagkukulang eh. Pero mahal ko pa rin siya kahit na naging ganun ang relasyon namin.
Nandito nga pala ako ngayon sa bleachers ng gym at nanonood ako ng basketball practice. Lagi ko na lang sinusundan si Jeyz, mahal ko pa rin kasi siya.
Kung san siya kakain, kung saan ang next class niya, kung saan ang mga gimik niya, kung saan ang practice nila ng basketball, sinusundan ko siya. Pilit ko ring inaalam ang schedule niya, kahit na ako mismo ay natatakot na sa mga pinanggagawa ko.
Ayoko na maging stalker. Pero mahal ko pa rin siya. Kung may lakas lang sana ako ng loob na sabihin sa kanyang gusto ko ulit ng comeback. Pero....
Pero.....
Mukhang masaya na siya sa buhay niya at Di niya na ako kailangan pa.
"Yes!" natuwa ako noong makashoot si Jeyz, pawis na pawis na siya, tumatagaktak ang pawis sa noo niya. Napatingin ako sa katawan niya, fit na fit sa kanya ang suot niyang Jersey. Hanggang sa napatingin ako sa ibang parte ng katawan niya...
Ang sarap....
sobra.
ANG SARAP PUNASAN NG PAWIS NIYA.
Napatigil ako sa pagpapantasya noong maagaw ni Nyan ang bola. Aba takte, kalaban pala ng ex ko ang team nila Nyan?! Nakakainis talaga ang Nyan na yan. Idagdag mo pa ang kaepalan niya noong nakaraan.
Nabigla ako noong I shoot niya ang bola, 3 points shoot.
Damn.
"Argh" natapos ang game at natalo ang team nila Jeyz. Napailing na lang ako, maraming mga estudyante rin naman ang nanonood ng laban kaya alam kong hindi ako nahahalata ni Jeyz.
Naglakad na lang ako pauwi, walking distance lang ang bahay namin sa school. Gusto ko pa sanang sundan si Jeyz pero gabi na kasi.
At isa pa, nakaktakot maglakad mag isa pauwi. Bali balitang may nagpaparamdam na White lady sa may kanto.
"psst" kinilabutan ako noong may sumitsit sa akin, marami namang tao kaya hindi ako natakot. Nagpatuloy ako sa paglalakad at isinukbit na lang ang earphone sa tenga ko para hindi ko marinig ang mga sitsit.
Sa totoo lang, kinikilabutan ako sa narinig ko. Lalo na at malapit na ako sa may kanto na bali balitang pinapakitaan ng white lady.
Tumaas ang mga balahibo ko noong may puting kamay na humawak sa balikat ko. Dahan Dahan akong napalingon. Ito na ba yun? Yung white lady?
"bat naglalakad ka mag isa?" napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba. Si Nyan lang pala, bakit kasi ang puti ng kamay niya? Akala ko kamay ng white lady...
"nagulat ba kita? Haha" pawis na pawis siya, naka Jersey pa Ito at halatang nang aakit. Ghad, ang ganda ng katawan niya. Naggygym ba ang unggoy nato? Kitang kita ko ang hubog ng katawan niya at tikas nito.
"Medyo nagulat ako, BAT KASI PUTI ANG KAMAY MO?" sigaw ko sa pagkairita, buti na lang at hindi ako napasigaw sa kaba at takot kanina. Napakamot na lang siya sa batok niya saka napangisi.
Naku wag mokong itulad sa ibang babae, hindi ako mafafall sa mga simpleng mapang akit na ngisi mo. Eww sayo,dude.
"Kasalanan ko bang maputi ako? Sorry naman ah. Pero kung natatakot ka, handa naman akong yakapin ka....." ngumiti siya ng matamis sa akin saka inayos ang eyeglasses sa mata niya.
Medyo kinilabutan ako doon lalo na noong lumapit siya sa may bandang tenga ko saka bumulong.
".... Tapos syempre kapag niyakap kita, Di na kita papakawalan pa" napaatras ako konti para magkaroon ng distansya sa pagitan namin. Ma's kinilabutan ako sa mga pinagsasabi ng unggoy nato kesa sa White lady na iniimagine ko kani kanina lang.
"yakapin mo mukha mo." Nagpatuloy kami sa paglalakad, tumawa lang siya ng tumawa, nakakainsecure lang, lahat ng babae na nadadaanan namin ay napapatingin sa gwapong nasa gilid ko. Pati lalake napapatingin sa kanya....
OK, edi siya na...
Siya na ang biniyayaan ng kagwapuhan.
"Pero pumayag ka na na liligawan kita, naalala mo ba last week?" nagkunwari akong hindi ko alam, ayoko na maalala pa yung mga pinanggagawa niya sa akin noong nakaraan linggo. Nakaktakot. Cringeeeeee!
"paano kung wala akong maalala?"
Nakakadiri kasi. Eww.
Comeback with my ex ang gusto ko. Ayoko nga magpaligaw sana sa kanya.
"talaga? Wala kang maalala? Eh kung....." I was shocked noong ipulupot niya ang kamay niya sa bewang ko at hinigit niya ako palapit sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit.
Walang distansya sa pagitan namin.
I can smell his scent. Paano siya naging mabango? Eh kaka tapos niya lang laro ng basketball! Napaka unfair!
Ang bango bango niya....
"eh kung..... Halikan kaya kita para maalala mo ang lahat?"
BINABASA MO ANG
My Sweet Suitor (Completed)
Teen Fiction(Tagalog) Zayra Mendez's heart was shattered after that break up. It was a puzzle and mystery for her knowing that her ex's cousin, Nyan Dela Vegas, is courting her! Zayra wants to stop the courtship and make her ex, Jeyz Delos Santos, fall in love...