Chapter 23

1.2K 20 1
                                    

Chapter 23

(Zayra Mendez's POV)

Bakit ko ba yun ginawa? Bat nainis ako? Bakit sumikip yung dibdib ko? Bat nawalan ako ng gana na sagutin yung tanong? Bakit nagagalit ako?

Nagtaka rin silang lahat. Dumiretso ako sa cr at nilock ang cubicle. Naupo ako doon habang nakatulala. Shit. Anong nangyayari sakin?

Maya maya pa ay naramdaman ko na lang ang pag patak ng mga butil ng luha mula sa mga mata ko. Am I crying? I immediately wiped my tears saka inayos ang gown ko.

I need to change my clothes para makauwi nako. Gusto ko na lang muna matulog. Nakakaimbyerna ang araw nato.

Kapag naalala ko kung paano magkayakap si Nyan at Almoneca ay naiinis lang ako. Lalo na at kitang kita ko pa kung paano hawakan ni Almoneca ang abs ni Nyan. Nakakainis!

Ako dapat ang naka hawak doon. Ako dapat ang nauna! Bwiset.

Paglabas ko ay dumiretso ako sa locker area ko, nabigla ako noong makita kong tumatakbo si Nyan palapit sakin. Umiwas ako ng tingin. I feel like crying, parang ang bigat ng pakiramdam ko. I just need to feel alone.

"Zayra..."

"Nyan, can you please leave me alone...." Hindi ko siya pinapansin. Noong makuha ko na ang damit sa locker ko ay isinara ko na ito. Buti na lang at walang mga estudayante dito dahil lahat sila ay nasa gymnasium.

"Zayra I will not leave you alone unless you talk to me. What's wrong? Bat mo yun ginawa?!" his voice is worried but I don't give a care. Umiwas lang ako at nilagpasan ko lang siya.

"wala kang pakialam nyan kung bat ko yun ginawa! Please for petes sake! JUST. LEAVE. ME. ALONE." maluha luha nako. Ewan ko ba, ang bigat lang talaga sa pakiramdam. Naiinis ako sa mga nangyayari. Ang sakit kasi.


Aalis na sana ako noong hatakin niya ang braso ko at malakas niya akong idiniin sa locker. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. His eyes were cold and serious. Napaiwas ako ng tingin noong naramdaman kong naiiyak nako. Napapikit na lang ako.


"Zayra, hindi kita papakawalan hanggat hindi mo si nasabi  ang dahilan. Nag aalala kaming lahat sayo. Pati yung adviser mo.. Lalo na ako, ano ba kasi ang nangyari?"

"Nyan..." I whispered. Mas lalo niya akong idiniin sa locker. Hindi naman masakit pero nasusuffocate ako. Hindi ako makahinga sa sobrang lapit ni Nyan sa akin.

"Zayra, its okay." hinagkan niya na lang ako bigla. Ang higpit ng mga yakap niya. Sa sobrang higpit nito ay hindi ko na namalayang iyak na pala ako ng iyak sa mga braso niya.

Matapos nun ay umalis na ako. Tumakbo ako paalis na hindi man lang sinasabi ang dahilan. Gusto ko siyang komprontahin. Gusto kong isigaw sa kanya na nagseselos ako. Gusto kong sabihin na layuan niya si Almoneca. Nagseselos ako, oo, inaamin ko.

Pero wala akong boses sa ngayon para umamin sa kanya. Gusto ko lang talaga mapag isa at lumayo muna.

Kinabukasan ay late na akong pumasok. Wala ako sa mood na naglakad. Mabuti naman at hindi na ako naisipan pang ihatid ni Nyan sa school ngayong umaga. Buti na lang at walang bike o kotse na nakaparada sa labas ng bahay namin.


Kinausap ako ng mga classmates ko kung bat ako ganun kahapon. Kung bat ko inalisan yung pageant. Ang dinahilan ko na lang ay sobrang sakit ng tyan ko kaya dumiretso ako sa cr para tumae. At least naniwala sila. Alam ko na ang lame ng palusot ko pero bahala na.

"I know that it's not the real reason.." nasa garden ako ngayon ng campus at nakaupo ako mag isa. Nabigla ako noong may magsalita sa likuran ko.

Umupo siya sa gilid ng bench na kinauupuan ko. Inayos niya ang palda niya saka tumingin sakin.

"Zayra, nagselos ka ba? Do you have feelings for Nyan?" nabigla ako at parang lahat ng energy ko ay bumalik.

"Hahahaha feelings?! Jealous? No." I just said in disbelief. Natawa lang ako doon. Ayokong umamin sa kanya. Sino ba siya para makialam? Gusto ko nga siyang sabunutan noong nakita ko siya ngayon eh.

"Then why did you do that? Bat umalis ka kahapon?! Dapat itinuloy mo ang laban mo. Mananalo ka na sana, pero umalis ka pa. Sayang yun eh."

"Almoneca... Alam mo, nakakainis ka." ngumiti ako ng mapang asar sa kanya. Tinitigan ko siya ng matalim.

"OK. Sabi ko nga, nagseselos ka." pamimilosopo niya. Nakakainis na babaeng ito. Ang galing nang asar. Bwisit. At paano niya nalamang nagseselos nga ako?! Damn.

Iniwas ko ang tingin sa kanya. Napatingin na lang ako sa mga roses na nasa botanical Garden ngayon. Parang gusto kong kunin yung pinakamatinik na Rose tapos ipalunok ko sa katabi kong ito. Argh!

"Zayra, hindi ko sinasadyang matumba kay Nyan kahapon. Wag ka magselos, ikaw lang mahal nun..." tumayo na siya saka tumitig muli sa akin. Kung minsan ang weird din ni almoneca. Ngumiti na lang ako ng pilit.



"Kausapin mo si Nyan. Wag mo siya iwasan ha. Di ka naman talaga pinagtaksilan ng nililigawan mo. Sadyang o.a ka lang mag isip." umalis na siya Matapos nun. Nanatili akong nakaupo dito sa bench. Nakatitig ako sa mga bulaklak. Nakakahiya talaga ako. Nabasa ni Almoneca yung mga thoughts ko. Tapos na laman niya pa na nagselos ako sa kanila.

Nakakainis.

" Nakakadiri yung magpinsan nuh?"

"Oo nga, pinagpapasahan nila si Zayra. Matapos kay Jeyz si Nyan naman."

"hahaha mga pakboy kasi yung dalawa. Nakakatawa nga eh. Yan si Zayra oh." nabigla lang ako noong may grupo ng mga kalalakihan na napadaan at narinig ko ang mga pinagkekwentuhan nila. Ayoko maniwala. Sinabihan ako dati ni Almoneca na gawa gawa lang nila iyon para masira ang image nilaNyan at Jeyz sa campus.



Pero kung ganitong klase lang din ng paninira ang nangyayari. Hindi ko na sila mapapalagpas pa. Tumayo ako para harapin sila at sigawan . My fist turns into a ball. Talagang makakatikim ng suntok sa mukha ang mga lalakeng iyon na naninira kay Jeyz at Nyan!


Hahakbang na sana ako pero may kamay na biglang hunawak sa nakakuyom kong kamao.


Napalingon ako sa lalakeng iyon. Nanlaki ang mga mata ko sa mga nakikita ko. Hindi ako makapaniwala. Hinding hindi.

"Jeyz?!" 


Short UD lang. Sorry sa typo errors ha. Eh kasi naman sa cellphone lang ako nagtatype at hindi ko rin maexpress lalo yung sarili ko kapag sa Cp ako nagtatype. Nasa probinsya kasi ako eh. Di ko dala si laptop. Haaays.

Anyway, thanks for your support guys. Salamat sa pagbabasa! Love lots, MissShyPatheticLoser ❤️

My Sweet Suitor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon