Chapter 18
(Zayra Mendez's POV)
I immediately pushed him away. Napahawak ako sa labi ko. Bakit tinotoo ng gagong ito ang biro niya? Ibig sabihin ba nito na Ito ang pangalawang halik niya sakin? Una, sa Beach tapos ngayon naman? Shaks.
"L-layuan mo nga ako, Nyan! Nakakainis ka na!"
"Hahahaha sorry na. Eh kasi ang kulit mo eh. I delete mo na kasi." but somehow, hindi ako galit sa kanya. Hindi ako masyadong naasar. It feels so....
...... Normal, hindi unusual. Anong nangyayari sakin?
"Ayan, na delete ko na." pagsisinungaling ko. He just sighed saka hinila ako papunta sa comfort room ng boys. Hindi ako pumasok sa loob, nagbihis na siya doon.
Noong matapos ay dumiretso na kami sa kotse niya. Habang nagdadrive ay wala siyang imik dahil kanina pa siya palinga linga sa paligid tapos Ilang beses na rin niyang tinititigan ang phone niya. OK lang ba siya?
"Aish" naasar niyang sabi saka Napahawak sa sentido niya noong ma traffic kami.
"OK ka lang? Parang may lakad ka pa atang iba?" nag aalala kong tanong, ngumiti lng siya sa akin.
"oo nga eh, gusto na kitang ilakad sa parents ko para makuha ang boto nila." hinampas ko siya sa braso lalo na noong ngumisi siya.
"Ano nga? May lakad ka bang iba? Kasi kung oo, uuwi na lang ako." natatawa niya akong tinitigan saka ngumiti lang sakin.
"ihahatid na kita sa inyo, sorry ha." Maaga akong nakauwi sa bahay, nalulungkot ako dahil nga Maaga akong nakauwi sa bahay namin. Dati kasi eh halos gabi na ako umuwi kapag kasama ko si Nyan.
Ang weird nga ni Nyan. Parang may gagawin pa ata siyang mas importante kaysa sakin.
Pagpasok ko sa room ko ay grineet ko yung flowers na nakalagay sa vase.
"Hello sunflo----" napansin kong hindi na mga sunflower ang nakalagay doon. Roses na ang nakalagay doon.
"Ma! San na yung mga sunflower dito? Ma!" agad akong bumaba, nakita ko si mama na nagluluto ng hapunan namin. Ngumiti lang siya sakin.
"Anak, tinapon ko na yung mga bulaklak sa kwarto mo. Eh lanta na yun saka matagal na yun eh"
"Ma naman eh! Saan na yung mga bulaklak?" naalala ko na naman kung paano ko hinampas dati iyon kay Nyan. Yun din yung pangalawang beses na hinatid niya ako pauwi sa amin.
Kinalkal ko sa basurahan ang mga lantang sunflowers. Kinuha ko ito at agad na inilagay sa vase.
" Anak, bat Kinuha mo pa yan sa trash bin? Ahhh.... Siguro may sentimental value yan noh?" nang aasar na sabi ni mama. Napailing na lang ako saka pasimpleng ngumiti.
"Basta ipakilala mo na sakin ang manliligaw mo ma bago mo siya sagutin."
"O sige anak, pero ipakilala mo rin sakin yung lalakeng humahatid sundo sayo araw araw bago mo rin siya sagutin." nagtawanan lang kami. Pero nag aalala pa rin ako kay Nyan, dapat si Nyan ang manalo bukas sa event.
(Almoneca Delion 's POV)
Hinila ni Zoe ang buhok ko. Napatingala ako ng dahil sa ginawa niyang iyon. Hindi ako umimik.
" Lahat na lang inagaw mo! Yung boyfriend ko, si Jeyz, tapos-----" nabigla ako noong mag vibrate ang phone na nasa vulsa ko. Kinuha ni Veronica ang phone na nasa bulsa ko.
Text iyon. Binigay niya ang cp ko kay Zoe. Nanlaki ang mga mata ni Zoe saka nanlilisik ang mga matang napatingin sakin.
" You're really a slut! Napaka landi mo! Tapos ngayon si Nyan, kadate mo?! Ano ito?!" sigaw niya sakin, tinapat niya sa mukha ko yung screen ng cp ko. Text iyon na galing kay Nyan. Oo nga pala, noong nakaraan kasi ay niyaya niya ako na kumain sa labas.
BINABASA MO ANG
My Sweet Suitor (Completed)
Teen Fiction(Tagalog) Zayra Mendez's heart was shattered after that break up. It was a puzzle and mystery for her knowing that her ex's cousin, Nyan Dela Vegas, is courting her! Zayra wants to stop the courtship and make her ex, Jeyz Delos Santos, fall in love...