Chapter 25

1.4K 21 0
                                    

Chapter 25

(Almoneca Delion's POV)

Nasa student council's office ako. Nandito si President Mike at nagkekwentuhan lang kami dito since wala namang klase. Saka inaayos ng ibang SC member ang venue na gaganapin sa Horizon Hotel para bukas. Bukas kasi gaganapin ang Gala. Its like a prom pero itutuloy bukas ang pageant for the final winner.

Medieval era nga ang theme ng gown. May gown na ako sa bahay na in order pa ni mama kung saan. Hindi naman ako maarte sa design ng gown.

"Almoneca, talagang aabangan ko ang transformation mo bukas." tawa ng tawa si pres. Mike. I just smiled a little saka nagsalita.

"Ako rin pres, abangan din kita kung papayat ka ba bukas." nagtawanan silang lahat. Mataba kasi si President Mike pero gwapo siya at maputi.

"Himala ata na wala si Jeyz ngayon?"

"Sayang at itetreat ko pa naman sana siya sa labas." napatitig ako sa kanya na tawa ng tawa. Nakakapagtaka ata na ang bait niya kay Jeyz. Nabigla lang ako. Most of the time kasi ay sinisigawab niya si Jeyz sa harapan namin at mukhang ayaw niya kay Jeyz.

"If ever na magkita kayo, pakibigay n lang ito kay Jeyz. I just need to go for now. Pinapatawag kasi ako ng Principal ." he handed me a little gift over. Regalo? Para Kay Jeyz?! Wow, napaka unusual ata. Parang himala. Hindi ako makapaniwala.

At bkit niya naman bibigyan ng regalo si Jeyz? Sa pgkakalam ko ay mainit ang dugo niya dito.

Ipinasok ko sa bag ko ang maliit na regalo na iyon. Mamaya ay pupunta rin naman ako sa bahay nila Jeyz dahil may iuutos na naman siya sa akin.

Pagkalabas ko sa SC office ay saktong pumasok si ma'am Yvonne. For 3 weeks ay consistent atang bumubisita si ma'am Yvonne sa SC office. Nakakapagtaka lang din.

"oh almoneca, nasaan si Mike? Pinapatawag na siya ng Principal ."

"Ahh pumunta na po doon sa Principal's Office"

"Ganun ba? Sige, mauna nako." umalis na rin si ma'am Yvonne. I don't know what's going on but I smell something fishy is going on.

Pumasok akong muli sa SC office. Break time na rin naman so onti onti ng umalis yung mga kasamahan namin.

"Almoneca, kain tayo!"

"OK lang. Busog pako. Dito na lang ako." pinanood ko silang umalis lahat. Naiwan ako dito sa SC office na nakaupo habang nagffb. Wala naman kasing magawa eh.

Hanggang sa may naisip akong gawin.

Nilock ko yung pinto. Dumiretso ako sa desk ni Mike at agad na pinakelaman ang computer doon. Alam ko naman ang password nito kaya madali ko siyang nabuksan.

May CCTV sa labas ng SC office at alam Kong nandito pa yung recorded footage kung sino ang nasa labas ng SC office habang nagkekwentuhan kami ni Jeyz noon. I'm sure na yun ang culprit. I'm sure na kung sino man iyon, siya ang nag record nun at siya ang nagpakalat ng recorded clip.

At kung sino man siya...

Humanda siya sa akin.

Habang binubuksan at kinakalkal ko yung files. Napamura ako noong marealize kong may CCTV din dito sa loob.

Pero mamaya na yan, kailangan kong malaman kung sino ang nag record ng conversations namin ni Jeyz. Humanda talaga siya sakin.

"Ano to?" nanlaki ang mga mata ko. I opened a weird file and then boom. Lahat ng iyon ay mga videos. Napakunot ang noo ko.

Binuksan ko yung isang video at plinay.

"Ahh ahh.. Sige pa, Mike. Sige pa.."

"Sh*t!" Napamura ako sa bumungad sakin. Ano to? Nasusuka ako. Agad kong clinose ang video. Sex scandal ba iyon? At ang hindi ko pa kayang paniwalaan doon ay....

My Sweet Suitor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon