Chapter 30
(Zayra Mendez's POV)
Sunday na ngayon. Napaunat pa ako ng katawan ko. Inaamin kong hindi maganda ang tulog ko ng dahil sa pag iyak at pagpantasya kay Nyan. Malakas na nga talaga ang tama ng utak ko sa unggoy na iyon.
But somehow, I just wanted to give up. Ilang beses niya na akong inisnob, Ilang beses niya na akong hindi pinapansin, at Ilang beses niya na saking pinaramdam na hindi ako mahalaga sa kanya.
That is enough. Tama na. Ayoko na. Masakit na.
Knowing my attitude, kaya ko naman makapag move on sa lalong madaling panahon. Wala namang kami diba? So bat pa ako masasaktan?! Wala akong karapatan na masaktan dahil hindi naman naging kami.
Pero kasi eeeehhhhhh!!!
"Zayra! Let's talk about last night. May mga bagay ka na hindi pa nacaclarify sa akin." Hindi ko namalayan ang presensya ni mama na nakaupo na pala sa side ng kama ko. Mas lalong ginulo ko ang buhok ko saka napakamot.
"Ma naman eh, sorry na"
"Zayra, akala ko ba break na kayo ng ex mong si Jeyz?! Eh bat kagabi siya ang sumundo sayo at humatid. Nagkabalikan ba kayo?!" nakakahiya mang aminin pero inamin ko na rin. Tumango na lang ako kay mama saka nahihiyang napangiti.
"eh yung poging nagbuhat sayo noong nakaraan na manliligaw mo, binasted mo?!" pagtatanong pa niya. Napailing ako.
"Ahh.. Ano ma, may gusto siyang iba at nililigawan niya na yung babaeng gusto niya."
"HA?! EH GAGU PALA YUNG MANLILIGAW MO NA YUN EH! NASAAN ANG BAHAY NILA AT NG MASUGOD KO!"
"ma naman eh! W-wala naman talaga akong balak na sagutin yung manliligaw ko na yun eh. M-mabuti nga n-na t-tinigilan n-niya na ako at... At... May nililigawan na siyang iba." napayuko ako. Hindi ko masabi ng tuloy tuloy. Nasasaktan ako. Bakit ba nararamdaman koto?!
" Anak.. Sigurado ka bang masaya ka sa piling ng ex mo? Sigurado ka ba na sinagot mo ulit siya?! " tumayo na ako saka iniligpit ang mga Unan at bedding ko.
" M-ma, tinatanong pa ba yan? O-oo n-naman, m-mahal k-ko si ano.. Uhmm.. Si Jeyz. S-sobra." pagsisinungaling ko. Ngumiti lang siya sakin saka tinapik ako sa braso.
" Kung san ka masaya, masaya na rin ako anak. Pagka tapos mo dyan sa ginagawa mo, bumaba ka na at ng ma kakain na tayo. "napalunok ako saka tumango kay mama. Dumiretso na siya sa labas. Napabuntong hininga ako habang tinitignan ang mga unan at Kumot na nililigpit ko
Mabuti na lang kagabi, hindi ako nadatnan ni mama na umiiyak. Tulog na kasi ako noong makauwi si mama sa bahay.
Hanggang ngayon, masakit pa rin pero kailangan ko ng kalimutan siya ng onti onti. Nandyan na si Jeyz, yung lalakeng matagal ko ng inaasam na balikan ako.
Kaya dapat maging masaya ako. Kahit ayaw ng puso ko.....
...... pipilitin ko.
Mabilis akong natapos na kumain, nag impake ako ng mga damit ko at inilagay ko ito sa travel backpack ko. Siguro its time to forget everything and start a new life!...
Kanina habang kumakain, sinabi ko na kay mama na ngayon ang byahe namin ni Jeyz papunta sa isang resort na mayroong Beach. Sa loob ng three days, doon kami magbabakasyon.
After all, semestral break na namin ngayon. Gusto ko nga maextend ng two days pa. Para naman makabuluhan ang bakasyon ko. After three days kasi ay magiging team bahay na naman ako.
Noong matapos kong iligpit ang mga gamit ko ay nagring ang phone ko. Napatingin ako sa may side table at agad itong kinuha.
Si Jeyz lang pala ang tumatawag.
BINABASA MO ANG
My Sweet Suitor (Completed)
Teen Fiction(Tagalog) Zayra Mendez's heart was shattered after that break up. It was a puzzle and mystery for her knowing that her ex's cousin, Nyan Dela Vegas, is courting her! Zayra wants to stop the courtship and make her ex, Jeyz Delos Santos, fall in love...