Chapter 40

1.4K 22 10
                                    

Chapter 40

(Zayra Mendez's POV)

After namin magdive sa coral reef, we went to a lagoon at sobrang ganda ng tubig doon. Napapaligiran ito ng mga malalaki at matatarik na Rock formations. Napaka breathtaking ng buong Lugar! Lalo na noong magdive ulit kami sa lagoon dahil fresh water ito at napakacrystal clear ng tubig. Hindi maalat gaano ang tubig sa lagoon, that's one of the best places that I've visit so far. After that, we went to a shipwreck para mag snorkel, and yup, I'm with nyan, actually dalawa lang kami ang nag snorkel sa shipwreck because almoneca is with Ashen sa bangka. Sabi niya, kailangan niya raw bantayan si Ashen. Mababaw lang naman ang tubig sa shipwreck so it's not that dangerous naman. Habang nag ssnorkel, nagkukurutan kaming dalawa kahit na nasa ilalim kami ng tubig. Haay, ang kulit niya kasi! Well, napaka unforgettable naman talaga ng experience ko sa pag ssnorkel dahil nakita ko ng malapitan ang isang ship na nasira at lumubog noong panahon pa ng hapon. Sobrang ganda ng barkong iyon. May mga antique na gamit pa na halos bahayan na ng isda sa loob ng shipwreck. Matapos yun ay dumiretso na kami sa isang Beach na sobrang haba ang White sand niya, noong nandoon na kami ay doon na lang kami nagprepare at kumain, we didn't know na may dala palang foods na agad ang boatman para sa amin.

We enjoyed our food, rice, inihaw na bangus, lato, bagoong, mangga, calamares, at watermelon. After namin kumain ay nagstay muna kami doon for a while to get some rest.

Nyan is making a sand castle with Ashen, habang ako? I'm taking selfies. Ang sarap sa paa ng buhangin. Napakalambot nito at pino. Sobrang pino nito. Hinawakan ko ito saka isinaboy sa ere. Para akong sira. Haays.

Mula rito ay nakikita ko ang mga bangka na parating din, mukhang mga turista na dadayo din dito sa Beach. Sobrang ganda ng tubig na humahampas sa dalampasigan at ang lamig ng simoy ng hangin. Napapikit na lang ako just to feel it.

Noong na pagod na ako mag selfie, umupo ako sa buhanginan. I let the seawater touched my feet. Nakatukod ang dalawang kamay ko sa buhanginan for balance habang ang tubig na sumasampa sa dalampasigan ay natatamaan nito ang aking mga paa. Ang lamig ng tubig. Ang sarap maligo but for now, gusto ko lang muna tumingin sa kawalan. Napakalawak ng dagat kung titignan mo tapos parang hindi mo malaman kung nasaan ang dulo nito.

"Hi ate Zayra!" Napatingin ako sa gilid ko. Di ko namalayan na nasa gilid ko na pala si Ashen. I smiled at him widely, hawak hawak niya pa rin ang mga toys niya.

"Let's build a sand castle! Para tirahan ng mga babies niyo ni kuya Nyan." nakangisi akong napatango na lang sa batang ito. Hinila niya ako para makatayo ako. Noong makatayo na ako ay naglakad ako papunta kay Nyan na nasayang gumagawa ng sandcastle. Parang bata ang isang to.

Nga pala, naalala kong away mode muna kami since ayaw naman namin ipaalam kay Almoneca na back to start ulit si Nyan sa akin ng panliligaw.

"Guys! Isang oras na lang, uuwi na tayo." sigaw samin ni Almoneca, magtithree o'clock na rin at mukhang uuwi na kami ngayon ng Maaga. Mabuti na rin iyon para makapag pahinga kami sa resort.

Wala namang magandang nangyari kanina dahil nagbatuhan lang kami ng sand balls. After nun ay winasak namin ang sand Castle saka binuhat si Ashen at pinagtulungan na ilublob sa dagat. Nandito na kami ngayon sa bangka, its really a great experience that I'll treasure forever.

Noong makarating kami sa resort, dumiretso na ako sa room ko at naidlip. Alam kong nangitim ako dahil hindi ako nakapagpahid ng lotion pero wala nakong pakialam. Besides, kahit na maitim ako, maganda pa rin ako.

Isinalampak ko ang pagod kong katawan sa kama saka ipinikit ang aking mga mata.

(Nyan Dela Vegas ' POV)

My Sweet Suitor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon